Nakaupo si Olivia sa loob ng kanyang condominium unit. Nakatitig lamang siya sa city lights mula sa floor-to-ceiling window habang umiinom ng wine. Nakatulala siya habang inaalala ang mgasinabi niandrew sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang sinabi ni Andrew ilang araw na ang nakalipas. "Si Meri ang papakasalan ko." Mahigpit niyang napisil ang baso. Pakiramdam niya ay may kung anong matalim na bagay na tumusok sa kanyang dibdib. Hindi dahilan na mahal niya si Andrew. Matagal na niyang sinabi sa sarili na tapos na iyon, matagal na silang hiwalay ni Andrew atmagkaibigannalamang ang turing nila sa isa't. Ininom niya ang hawak na wine. Axtually, hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang nangyari. Nang hiwalayan niya si Andrew ay labag iyon sa kalooban at p

