Tahimik ang buong sala nang dumaanxoon si Meri. Tanging tikatik ng orasan sa dingding ang maririnig. "Anak? Ikaw na ba 'yan?" Napapunas siya agad sa mga mata bago sumagot. "Opo, Mom." Lumabas ang kanyang ina mula sa kusina habang nagpupunas ng kamay sa maliit na tuwalya. "Late ka na. Kumain ka na ba?" Tumango siya kahit hindi naman totoo. "Opo." Matagal siyang tinitigan ng kanyang ina. "Bakit parang namumula ang mata mo?" Napayuko siya. "Pagod lang po." Hindi na ito nagtanong pa. Ngumiti lamang ito at hinaplos ang balikat niya. "Sige. Magpahinga ka na." "Opo." Mabagal siyang umakyat sa kanyang silid. Pagkasara pa lamang ng pinto ay saka siya sumandal dito. Napapikit siya. Pakiramdam niya ay doon lang niya muling narinig ang boses ni Andrew. "Sana... alagaan ka niya." Mu

