Ugong lang ng makina at mahinang tunog ng air conditioner ang pumupuno sa pagitan ng dalawa, nina Meri at Andrew. "Hindi ka pa rin bumababa kahit nakahinto na ang sasakyan sa harap ng bahay ninyo." Wika ni Andrew. Hindi sumagot si Meri. Yon bang iniisip niya ng sandaling iyon... Ang sinabi ni Andrew na hanggang sa mga sandaling iyon ay patuloy na gumugulo sa kanyang isipan. Nakahawak ka sa seatbelt habang nakatingin sa labas ng bintana. Naroon pa rin ang ilaw mula sa poste sa tapat ng bahay. Pareho lang ang tanawin, pero pakiramdam mo ay parang nagbago ang lahat simula....nang sabihin ni Andrew ang nararamdaman nito. Hindi rin ito nagsasalita. Parang hinihintay nito lang si Meri. "Andrew..." mahina niyang tawag. Napalingon ito sa kanya. Hindi nito itinago ang mga mata nitong puno n

