“Una na kami Chase.” Paalam ni Owen kay Chase. “Sige bro, ingat kayo. Aalis na din ako maya-maya,” sagot sa kanila ni Chase habang nagtitipa pa rin sa kanyang laptop. Kinailangan nilang matapos ang report nila ngayon dahil masyadong nagmamadali ang kanilang prof. Kaya naman napagdesisyunan nila na ditto na lang ni8la tapusin sa mismong classroom nila. Medyo inis pa nga sina Chase at ang ibang kaklase nila dahil inaasa ng prof nila sa kanila ang lesson. Panay reporting ang pinapagawa sa kanila at hindi ito nagtuturo. At kapag mali ang sinabi mo ay ipapahiya ka pa niya sa buong klase. “Ikaw Aubrey sumabay ka na rin sa amin,” aya ng isa pang babae na kagrupo nila kay Aubrey. Siya naman si Melissa. “Hindi na sasabay na lang ako kay Chase,” sabi ni Aubrey at pumunta siya sa harapan ni C

