”Siya si Brandon ang sinasabi kong kasamahan ni Danilo. Silang dalawa ang guard natin ditto,” pakilala ni Elizabeth sa bagong dating na guard ng W2. “Ang gwapo naman niya para maging guard,” bulong ng isang babaeng staff at halata sa kanya na kinikilig siya. Narinig naman siya ni Elizabeth kaya naman napataas siya ng kilay habang si Brandon ay natutuwa pa sa sinabi ng babaeng staff at nagpapa-cute pa ito. Palibhasa ay may itsura si Brandon. Sa unang tingin nga ay aakalain mong isa itong modelo. Matangkad, maputi, maganda ang hubog ng katawan at nakakaakit rin ang kanyang mga mata. “Kung landian ang hanap niyo dito sa shop ko, mabuti pa mag-resign na lang kayo. Understand?” masungit na pagkakasabi ni Elizabeth kaya naman napatango silang lahat kasama na doon sina Jane, Danilo at Bran

