"Sino siya?" tanong ni Chase kay Jane. Hindi naman alam ni Jane kung paano niya ipapakilala ang kanyang tiyo. "Bakit hindi mo ako ipakilala sa kanya mahal kong pamangkin?" nakangising sabi naman nito. "Bakit hindi ka makapagsalita Jane?" singit naman ni Elizabeth. "Si-siya ang tiyo Danilo ko," medyo nauutal pang sabi ni Jane habang nakatingin kay Chase. "Talaga? Kayo po pala ang tito ni Jane. Masaya po ako na nakilala ko kayo," nakangiting sabi ni Chase habang nakatingin kay Danilo. "Mukhang mayaman ang boyfriend mo Jane," nakangising sabi ni Danilo sa kanyang pamangkin. "Tiyo," saway ni Jane sa kanyang Tiyo Danilo. "Sige mauuna na ako sa inyo," tatalikod na sana si Danilo pero pinigilan siya ni Chase. "Sa amin na lang po kayo mag dinner. Gusto rin po kasi kayo makilala ng parents

