Ayaw pa sana sagutin ni Chase ang tumatawag sa kanyang cellphone. Kung kailan ay magkakaroon na sila ng moment ni Jane ay saka naman may tumawag sa kanya. "Sagutin mo na Chase, baka si Tita Kate yan," napabuntong hininga naman si Chase dahil sa sinabi ni Chase. "Ang istorbo naman," nakasimangot na bulong ni Chase bago niya sinagot ang tawag. Lumayo ng kaunti si Chase kay Jane. Tama nga si Jane, ang mama nga ni Chase ang tumatawag sa kanya. "Hello ma?" bati ni Chase sa kanyang ina. "C-Chase," tawag ng kanyang ina sa kanya kaya napakunot ng noo si Chase dahil mukhang umiiyak ang kanyang ina. "Mama? Umiiyak po ba kayo? Ano po ang nangyari sa inyo?" sunod-sunod na tanong ni Chase sa kanyang ina pero hikbi lang ang naririnig niya. "Ako na lang ang magsasabi hon," rinig niya sa kabilang l

