Napatigil si Jane sa kakalakad, alas dos na ng madaling araw pero hindi pa rin nila nahahanap si Jenny. Hinihingal na rin si Jane sa kakatakbo lakad na kanyang ginagawa pero wala pa rin. Nakaramdam ng hilo si Jane kaya naman muntik na siyang matumba. Mabuti na lang ay naalalayan siya agad ni Chase. "Kailangan mo na magpahinga Jane. Iuuwi muna kita sa bahay namin. Kami na lang ng mga kapatid ko ang sasama sa pulis para maghanap," nag-aalalang sabi ni Chase kay Jane pero umiling lang si Jane. "Ayoko, gusto ko pa hanapin si Jenny. Alam ko nandito lang siya," sagot ni Jane pero mas lalong nahilo si Jane. "Huwag na matigas ang ulo mo. Paano kung pagbalik ni Jenny ay ikaw naman ang may sakit? Mag aalala sayo ang kapatid mo," "Kailangan ako nga kapati---," hindi na natapos pa ni Jane ang sasa

