Chapter 41 "Mama, bakit ka po umiiyak," natatawa ngunit umiiyak na tanong ni Kim sa kanyang ina dahil nakita niya itong umiiyak habang kinukuhanan sila ng family picture na suot pa din ang mga toga saka hawak ang kanilang mga diploma. "Masaya lang si mama," sagot sa kanila ni Kate at dahil doon ay napangiti ang kanilang papa nansi Kevin. "Sa susunod ay sina Ken at Karl naman ang aakyat sa stage," pagkasabi ni Kevin nun ay hindi napigilan ng magkakapatid na yakapin ang kanilang magulang. Natutuwa naman si Jane dahil sa tanawin na iyon. Bahagya pa niyang pinunasan ang kanyang luha na kanina pa niya pinipigilan. Sa totoo lang ay noong una ay naiinggit siya sa samahan ng pamilya ni Chase dahil nag-uumapaw ang pagmamahalan sa pamilyang ito. Ngunit habang patagal ng patagal ay nararamdaman d

