"Jane, will you marry me?" tanong ni Chase kay Jane habang nakaluhod na may hawak na isang maliit na box na may lamang singsing. Habang lumuluha at nakatingin din sa kanyang nobyo ay wala na inaksayang oras si Jane. "Yes!" Nanlaki naman ang mata ni Chase dahil sa sagot ni Jane kaya naman hindi na niya nagawa pang isuot muna kay Jane ang hawak niyang singsing dahil tumayo na siya saka niya niyakap si Jane. Walang mapagsidlan ang kaligayahan nilang dalawa pati na ang pamilya nilang masayang nanunuod sa kanila. Pumalakpak naman ang mga nunuod at naghihiyawan ganun din ang pamilya nila mas lalo na ang mga kapatid ni Chase na todo cheer sa kanilang kapatid. Hindi rin mapigilan na mapaluha si Jenny sa kasiyahan para sa kanyang Ate Jane. "Yes na yes Chase Smith, I will marry you," sabi ni Jane

