Hindi namamalayan ni Jane at ni Chase na ilang buwan na pala ang lumipas. Naging busy sila parehas sa school at sa trabaho nilang dalawa. Si Jane ay sa W2 at si Chase naman ay sa kumpanya ng papa niya. Kahit busy ay nagagawa pa rin ni Chase na ihatid at sunduin si Jane kahit hectic rin ang schedule niya. Minsan nga si Jane na ang nagsasabi na huwag na dahil alam ni Jane na busy rin si Chase. Kapag may pagkakataon sila ay dinadala ni Chase si Jane sa ibang lugar upang makapag-date sila. Unti-unti ay nakikilala niya ng lubusan si Chase at mas lalo siyang nahuhulog sa binata. May mga bad side rin naman si Chase pero lahat iyon ay tinanggap na ni Chase. May balak na nga siya na sagutin si Chase pero naghahanap pa siya ng tamang tiyempo. "Jane," napalingon si Jane kay Abby. Uwian na kasi nil

