FELIZA'S POV
Nagising ako dahil sa
sunud-sunod na katok sa pintuan ng kuwarto ko.
Nakakatamad bumangon lalo na dinatnan ako ng buwanang dalaw.
Ito ang pinakaayaw ko sa pagiging babae.
Ang pagkakaroon ng regla.
Kadalasan kasi inaatake ako ng dysmenorrhea.
Nandito ako ngayon sa bahay namin sa Quezon City. Dito ako dumiretso pagkatapos ng pagliliwaliw sa Bataan.
Nakakaboring kasi sa condo ko.
"Feliza! Gising na! May bisita ka!"
Hindi talaga makapaghintay si Yaya Ana. At sino namang Poncio Pilato 'yan. Kay aga-aga,
nang-iistorbo ng tulog!
7 am pa lang, que barbaridad!
"Sige Yaya, susunod na ako!" Ganting sigaw ko.
Nag-toothbrush lang ako.
Bakit ba, eh bahay namin ito. Mahiya ang buwisita, hindi ako.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
Mas ginulo ko pa ang buhok ko.
Pinatungan ko lang ng robe ang itim na nighties ko saka ako hihikab-hikab na bumaba sa hagdan.
Manhid lang ang hindi makaramdam na ayaw kong tumanggap ng bisita sa umaga.
Natigil ang paghakbang ko nang mamataan ko si Ugok sa sala na umiinom ng kape.
Wala na! Sira na ang araw na ito. Mukha ba naman niya ang una kong nakita! His presence signifies bad luck!
Ipinikit ko ang mga mata ko.
I need to focus para effective.
Mapaso sana ang dila mo
Ugok .
Mapaso sana ang dila mo
Ugok .
Mapaso sana ang dila mo
Ugok .
Mapaso sana ang dila mo
Ugok .
Paulit-ulit kong usal.
"Awwwww!"
Napabunghalit ako ng tawa nang ibuga ni Ugok ang kapeng iniinom niya at hinawakan ang napasong dila.
Ang galing talaga ng ESP ko.
"Tubig!"
Sigaw niya sa akin.
Hindi ako kumibo.
Siyempre Ma. Feliza ang first name ko hindi tubig.
Naisip siguro niya na hindi ko siya kukuhanan ng maiinom kaya tumakbo siya sa komedor. Ang OA na lalaki. Para napaso lang pero kung maka-react akala mo na-bulldozer.
Umupo ako sa sofa. Talagang tinatamad ako ngayong araw. Parang ang bigat ng katawan ko.
"Ano?!"
Naiiritang sigaw ko kay Ugok pagbalik niya. Nakangisi ba namang nakatingin sa akin.
"Parang papaya pala ang dëdë mo, Izang. Biruin mo lumaki pala ang mga 'yan. Parang napitpit lang na pandesal noon."
"Siyempre. Marami kaya akong padedëdehin. Eh ikaw, parang siling labuyo noon ang tìtì mo. Ngayon parang bellpepper na malnourished!"
Buwisit! Akala niya patatalo ako!
Biglang sumama ang aura niya dahil sa sinabi ko. Ang talim ng tingin niya sa akin. Asar talo!
"Puwede ka na palang umalis, Ugok. Inaantok pa ako. Panira ka ng tulog."
Sabi ko nang hindi pa rin umiimik.
"Dadaanan kita mamaya dito bandang 1pm. May pupuntahan tayo. Magdala ka ng damit good for a week."
Seryusong sabi niya.
"Ayuko! Mga babae mo ang isama mo, huwag ako!"
"Kung available lang sana sila, bakit hindi? As if naman gusto kitang makasama. Wala lang akong choice Izang!"
"Masama ang pakiramdam ko kaya hindi puwede!"
"Kaya pala may naaamoy ako. Dinuguan yuck!"
Binato ko siya ng throw pillows. Pero madali niya lang nailagan.
"Hindi ako sasama!"
Pinal kong sabi.
"Said who? Sabi ni Tito Ninong, nakabakasyon ka daw ng 3 weeks. Kaya puwede raw kitang isama. Yes or yes lang, Feliza. Baka nakakalimutan mo may utang ka sa akin."
"Hoy, abnormal na lalaki, wala akong utang sa'yo! Kaya huwag mo akong pinagloloko!"
"Okay. Sabi mo eh. Nasaan kaya si Tito Ninong? Masabi nga sa kanya na 'yong ipinakilala ng anak niyang boyfriend ay peke. Sigurado, maglulundag sa tuwa si Tito Ninong 'pag nalaman 'yon."
Pinagpawisan ako ng malamig sa sinabi ni Manjoe. No! Hindi puwedeng malaman ni Daddy! Ayukong magkagalit kami!
"Okay fine! Sasama na ako! Walang hiya ka! Blackmailer!"
"Papayag din pala, ang dami pang satsat. Sige maghanda ka na ng gamit!"
Pagkasabi nun ay nagmamadali siyang umalis.
6 hours later. ...
Kanina pa ako pasulyap-sulyap sa orasan. It's 1:40 pm already at wala pang Ugok na dumarating. Asar, ginu-goodtime na naman yata ako!
Matapos ng ilang beses na pakikipag-debatehan sa isip ko ay napagpasyahan kong tawagan na lang ang home phone ng mga Labrador.
Laking pasasalamat ko nang mabosesan ko si Nanay Rosa, ang mayor doma.
"Hello po, Nanay Rosa, si Feliza po ito."
(Oh Ineng, ikaw pala. Napatawag ka? )
"Itatanong ko lang po kung nandiyan pa si Ugok, I mean si Manjoe po."
(Aba, oo anak, nandito pa ang lokong batang 'yon. May dumating kasi na babae kanina. Kaya ayon, hindi pa sila lumalabas ng kuwarto ni Manjoe hanggang ngayon.)
"Ah gumagawa na siguro ng tuta ang animal, Nanay Rosa!" Puno ng panggigigil na sabi ko.
(Ano kamo, Ineng? Hindi ko narinig.)
"Ay wala po, huwag niyo na lang mabanggit sa Ugok na 'yon na tumawag ako. Salamat po. Bye!"
Peste! Peste! Pesteng Ugok!
Naisahan na naman ako!
Talagang panira ng Sabado!
Makaalis na nga lang! Binitbit ko ang travelling bag ko. Sa condo na lang muna ako.
"Feliza, aalis ka na? Wala pa si Manjoe ah."
Nagtatakang sabi ni Yaya Ana paglabas ko ng kuwarto ko.
"Hindi po ako sasama sa malanding 'yon, Yaya. 'Pag tumawag sa'yo pakisabi na lang na nasa Neverland ako."
Pagkasakay ko sa kotse ko, sakto namang nag-ring ang phone ko.
Ang daming disturbo sa buhay. Bakit kasi hindi ko in-off agad kanina.
DANILO POV
"Ano na naman?!"
Nailayo ko bigla sa tainga ko ang phone ko para ma-save ang aking eardrums pagkarinig sa matinis na boses ni Feliza Lola.
"Lola, ako ito, ang paborito mong apo, si Karen. Ay hindi si DANILO pala."
Ay pinatayan ako? Ano naman ang problema nun?
Teka, October 3 pala, may regla.
Since acceptable naman ang dahilan kung bakit siya minumuryōt, dinial ko ulit ang number niya.
Ring....ring....ring. ..ring.....
"Ano ba? Nagda-drive ako!" Iritadong bungad niya. Ni wala man lang hello.
"Sino ang dina-drive mo? Bakit tahimik naman? Ni wala akong marinig na a, o, u?"
"Wala ako sa mood. Kaya diretsuhin mo nang sabihin ang pakay mo!"
"Tara sa Ilocos Norte, attend tayo ng kasal. Sasama din si Brandon. Pupuntahan ko ngayon si Crystal. Kita kitz na lang tayo sa Dolce V."
Saka ko siya pinatayan.
Ganti-ganti lang yan.
CRYSTAL'S POV
"Kayo na?"
Hindi makapaniwalang tanong ko kina Feliza at Danilo. Lately pansin ko ang sobrang closeness nila.
"Noooooo! Of course not, baby! Hindi ko type ang magaslaw na babae. I prefer you."
Maarteng tanggi ni Danilo.
"Ang OA mo, ha. Akala mo naman papatulan kita. Pangalan mo pa lang ewww na. Ang bantot, super!" Nakangiwing ganti ni Feliza.
" Kapit-tukong babae, huwag mong idadamay ang marangal kong pangalan. Baka gusto mong sabihin ko kay Manjoe Labrador na hindi kita girlfriend! Pasalamat ka nga't nagmagandang-loob akong maging jowa-jowahan mo!"
"Hoy Danilo, bayad na ako sa'yo. Kaya huwag mo akong mablackme-blackmail! Ang kapal ng apog mo! Makahingi ng rasyon ng whiskey, good for a month? Laklakero wala namang pambili ng alak!"
"Feliza na pangalan ng matanda, madami akong pera! Kahit bilhin pa kita ngayon. Magkano ka? Beinte pesos?"
"Letse ka, I'm worth a billion! Letsugas"
Pikon na bulyaw ni Fel.
"Enough! This is my office hindi sabungan! Kung hindi kayo paawat, umalis na kayo, ok? I'm busy!"
Inis kong saway sa kanila.
"Ahehe. Crystal baby, wala namang ganyanan. That's unacceptable!"
"Oo nga naman, friend. Nagmagandang-loob na nga kami na yayain ka. Alam mo na, hindi namin ma-take na nag-eenjoy kami samantalang ikaw binuburo ang sarili sa office mo."
Nangungonsensyang sabi ni Feliza.
"Saka kailangang makalanghap tayo ng fresh air, baby. Maganda kaya sa Ilocos Norte." Nakangising sabi ni Danilo.
"Sagot mo, Danilo? Baka naman hihikain ka niyan." Pang-aasar ko.
"Hindi, best! Asa ka pa na manlilibre 'yan. A-attend tayo ng wedding ng kabarkada nila. Sa pagudpod ang venue! Hay sa wakas makakatapak na ako sa Ilocos Norte!"
Parang batang sabi ni Fel.
Wedding? Just the thought of it, umasim ang mukha ko.
"Thanks but no thanks. May catering kami sa Batangas. Kaya hindi ako puwede." Pagdadahilan ko.
"Crystal baby, come on, hindi na nga makakasama si Danreb. Pati ba naman ikaw?"
Naka-pout si Danilo at nagpapaawang tumingin sa akin pati na rin si Fel.
"Kailan ba ang kasal?"
Kunwari ay hindi ako interesado.
"Sa Mierkules, best. Pero
bi-biyahe na tayo ngayong hapon. Sige na payag ka na please."
Pagsusumamo ni Feliza.
"Bakit daw hindi makakasama ang bipolar mong kaibigan Danilo?"
Tanong ko
"Maniningil daw ng pautang, baby. Pati interest daw. Alam mo naman ang kaibigan ko na 'yon, walang pinapalampas kahit centavo. Baka daw tatakasan siya ng taong 'yon. Hay, kahit kailan, mga negosyante, sigurista. Buti na lang Architect ako. Sobrang poging Architect."
Litanya ni Danilo.
Buwisit siya, talaga palang seryuso siya sa sinabi niya sa akin kagabi.
Well tignan lang natin, Figuerres.
"Sige sasama ako pero sa Mierkules pa ako bi-biyahe. Makakaabot ako kasi kukuha ako ng domestic flight. Less than an hour lang naman ang biyahe. Sa hapon naman ang kasal 'di ba?"
Nagkatinginan ang dalawa.
"Sabay na tayong apat nina Brandon, best. Mas masaya 'pag foursome."
"Hindi puwede. Tatapusin ko muna ang mga trabaho ko para maipasyal ko kayo sa resthouse namin. Kahit 1 week tayo doon."
Sana lang pumayag sila.
"Ayos! Sige-sige! Gusto ko 'yan! Noon ko pa gustong magpunta sa Sta. Praxedes!"
Excited na turan ni Fel. Thank God nakumbinsi ko sila.
Pagkaalis nila ay tinawagan ko ang isang tao.
Hmmm may two hours pa kaya magtrabaho muna ako bago maglaro.
FELIZA'S POV
We took a domestic flight from Manila to Laoag, the capital city of Ilocos Norte.
From there, we rented a van to take us all the way to M.L. Beach Resort, ang pagdaraosan ng kasal ng kaibigan nina Danilo.
Kaming dalawa lang ang magkasama.
Susunod na lang daw sina Brandon at Crystal.
I texted Emerson. Okay lang naman sa kanya. Hanga ako sa boyfriend kong 'yon. Sobrang understanding.
"Hoy Lola, nandito na tayo." Sabi ni Danilo pagkaraan.
Huminto na ang van pero hindi pa rin ako kumikibo. Tinatamad pa rin kasi ako. And one more thing, wala nang masyadong appeal sa akin ang mga beach resorts.
Sa dami na kasi ng napuntahan ko including abroad.
Bakit hindi na lang sa bundok apo or Callao Cave? Mas exciting sana.
Pagbaba namin ni Danilo sa Van, napasinghap ako sa ganda ng view.
The resort is nestled right at the Blue Lagoon or Maira-ira Cove
because of its spectacular aquamarine waters.
It is located in Baranggay Balaoi, Malingay, Pagudpud, Ilocos Norte.
Maira-ira Cove is a paradise of powdery white sand, invigorating South China Sea breezes, verdant mountains, interesting marine life, fresh seafood, and friendly locals.
First time kong makapunta sa lugar na ito and I'm already captivated by the stunning crystal blue water, pristine white sands at the foot of verdant mountains, just like a hidden treasure. A paradise at the northern tip of the Philippines!
"Wow! Sino kaya ang may-ari ng resort na ito? Lalaki kaya? Kung single pa, ma-jowa nga!"
"Sira! Bumili ka na
lang ng sarili mong resort. Tara na."
Binuhat ni Danilo ang mga bag namin saka kami nagtungo sa reception area.
"Pahingi po ng ID niyo sir." Magalang na sabi ng receptionist matapos kaming batiin.
"Kayo din po, Madam."
Baling nito sa akin kaya ipinakita ko ang company ID ko.
"Ahm Ms. Feliza Azurin, I'm sorry po. Hindi po kayo puwedeng i-accommodate ng resort."
"Ha? Bakit naman?" Naguguluhan at may halong pagkairita kong tanong.
"Na-ban po kayo sa ML resort sa kadahilanang isa po kayong threat sa seguridad ng buong resort."
Walang kagatul-gatol na sabi ng receptionist.
"Are you kidding me?! How come na isa akong threat sa security ng lugar? I'm not a terrorist! Ni wala akong criminal record!"
Hindi ko na na-kontrol ang sarili ko at na sigawan ito.
"Miss, impossible naman kasi ang sinasabi mo. Girlfriend ko ang kasama ko. If I'm not mistaken, nirentahan ng kaibigan kong si Caridel ang buong resort for a week. I have an invitation here at kung gusto mo puwede mo ring tawagan si Caridel."
Danilo said.
"I'm sorry Sir, Ma'am, pero 'yon po ang mahigpit na order ng management. Ang hindi
i-accommodate si Ms. Azurin."
"LET ME TALK TO YOUR FŪCKING MANAGER! NOW!" Galit kong sigaw.
Punyemas, ano'ng karapatan nilang sabihing threat ako sa lugar na ito?
This body and face mukhang masamang tao? Que barbaridad!
" Ma'am, huwag po kayong mag-eskan-"
"May problema ba dito? Bakit may narinig akong sumigaw?"
Nagitla ako nang biglang sumulpot si...
UGOK?
Kapag minamalas talaga, oh. Bakit ba napadpad ang isang ito dito?
"Bingi ka ba, Miss? I said I wanna talk to your manager! Hindi ako masamang tao para tratuhin ng ganito!"
"Ah Ma'am, kaharap niyo na po ang may-ari ng resort."
Ano daw? Nasaan? Lumingon ako sa likod ko at sa kabuuan ng reception area. Pinagloloko yata ako!
"Baka mabali ang leeg mo,
Ma. Feliza. In denial ka pa. Alam mo na nga'ng ako ang tinutukoy ng receptionist."
Si Ugok 'yan.
"Paano?"
Hindi makapaniwalang sabi ko.
"Simple. I am filthy rich so I can buy a resort or even a hundred islands."
Nakangising sagot ni Manjoe
"Hindi 'yan ang pinupunto ko! Bakit mo ako pina-ban?!"
"Dahil 'yan ang gusto ko. And you, Mr. Reberos. You can stay if you want. Ano pa ang hinihintay mo, Feliza? Umalis ka na since you're not welcome here."
"Fine! Magka-tsunami sana nang mawasak ang ipinagmamalaki mong resort!"
"I go with her. We better stay in a hotel at the town proper. You know I can't sleep at night without cuddling Feliza's sōft body."
Sabi ni Danilo.
Pinukol ako ni Ugok ng nagbabagang tingin bago ako inakbayan ni Danilo palabas.
"Sabi mo gusto mong maging jowa ang may-ari ng resort na ito?"
Pang-aasar ni Danilo sa akin.
"No way! Mas gugustuhin ko pa'ng magbigti kaysa makarelasyon ang Ugok na 'yon! Panira ng araw!"
"Ang lakas ng tama niya sa'yo, Lola. Para nga'ng gusto niya akong tagain ng itak eh."
Oo nga. Ang lakas ng tama ni Ugok sa akin. Dahil sa
milyon-milyong tao sa Pilipinas, ako pa ang napiling buwisitin. What a very unfortunate Saturday!