FELIZA'S POV
"She's married now. Shìt! Ang sakit! Hindi pa nga ako nakakapag-confess sa kanya!" Naiiyak na sabi ni Brandon. Ang haggard ng hitsura nito.
Magkaharap kaming tatlo nina Danilo sa sala. Nandito kami ngayon sa resthouse nina Crystal sa Sta. Praxedes.
"Ha? Sino? Si Caridel, pare? May gusto ka kay Caridel? Eh sa Mierkules pa ang kasal niya. Monday pa lang ngayon. May chance ka pang itanan siya! Sige, pagplanuhan natin ang lahat."
Nakita kong kumuha ng papel at ballpen si Danilo. Nakikinig lang ako sa kanila. Hindi ko naman kasi kilala ang Caridel na kaibigan nila.
"No! Hindi si Caridel! Si Crystal! Ikinasal na si Crystal kay Danreb!"
"Whaaaaat!"
Sabay na bulalas namin ni Danilo.
"Um-attend ang parents ko sa civil wedding nila! Sa Villa mismo ni Danreb! Shìt parang mamamatay ako sa sakit. I'm hurt. This is too much!"
Natulala ako dahil sa pasabog ni Brandon. Hindi ako makapaniwala na nagawa ni Crystal 'yon. Knowing her na napakaingat niya sa
pagde-desisyon.
There's something wrong! Hindi ito basta-basta magpapakasal without any valid reason! Lalo na hindi naman niya boyfriend si Danreb.
"Nandiyan na 'yan, pare. Nangyari na. Wala na tayong magagawa pa. Ikaw kasi, kung sana hindi ka
nagpatumpik-tumpik, hindi ka sana naunahan ni monster. Let's just pray na sana sasaya si Crystal sa piling ni Danreb." Danilo said.
Napangiti ako. May sense naman palang kausap si Danilo sa oras ng kapighatian.
"Wala pa tayong gifts sa kanila. You know wedding gifts. Iyong tipong hindi nila makakalimutan."
Sabi ko.
Kahit may tampo ako kay Crystal, kailangan ko pa rin silang regalohan.
"Tama! Makakaganti ka kay Danreb, pare Brandon. Tignan lang natin kung hindi siya magwawala!"
-Danilo
So ora mismo, pumunta kami sa bayan. Namili ng cōndōms para gawing balloon at susulatan namin ng Crystal ♡ Brandon. Nagpagawa rin kami ng malaking tarpaulin. Nakalagay doon ang 'Just married! BRANDON LOVE CRYSTAL'
Namili din kami ng dalawang pares ng punda na may ka-match na bed cover at pina-printahan namin ng mukha ni Crystal at Brandon. 'Yong isang pares naman ng unan, nakaprint ang mukha nina Danilo at Crystal. And lastly, namili kami ng mug na dalawa na naka-design ang mukha nina Brandon at Danilo.
Grabe, dahil pina-rush namin, ang laki rin ng nagastos lalo na ayaw maglabas ng pera si Danilo.
Tulung-tulong kaming tatlo sa pag-aayos ng kuwarto ni Crystal.
Panigurado, may super typhoon na dadaan dito.
**********
"Get. Lost. You. Three!"
Bulyaw ni Danreb sa amin.
Kakatapos lang yata ang
mala-tornado nitong pagwawala sa kuwarto ni Crystal. Ngayon pinag-initan na naman nito ang regalo naming mugs. Super seloso talaga!
"Aye, aye, monster!
Jelling- jelling!"
Natatawang umalis kaming tatlo at dumiretso sa guest house.
Ang sarap talagang pag-tripan si Danreb.
*************
"Wow!"
Tanging nasambit ko nang makarating kami sa pagdarausan ng kasal.
It's really an amazing beach wedding!
Not next to the beach, not overlooking the beach or on an ocean view terrace, but actually on the sand!
"Mas wow ka, Lola. Kaya nga kanina pa ako pinapatay sa klase ng tingin ng kaaway mo." Natawa ako sa sinabi ni Danilo. Kahit kailan talaga, tumataas ang level ng confidence ko kapag kasama siya.
I'm wearing a simple chiffon dress. It's light and will keep me cool but at the same time dressy enough for a wedding. It's
knee-length and I matched it with glizy gladiator sandals. Tinirintas ko lang ang mahaba kong buhok. I didn't bother to apply make-up. Nag-lip balm lang ako.
"Oh, punasan mo ang sipon mo."
Iniabot ni Danilo ang panyo niya. Naiyak kasi ako sa wedding vows ng groom and bride. And of course it's more than that. Nangarap din kasi ako ng
mala-fairytale na kasal. Pero noon 'yon. Bago ang
pagkaka-aksidente ko.
"Don't worry, Lola mararanasan mo rin.
Pana-panahon ang pagkakataon. Kung walang magkakamaling magdala sa'yo sa altar, pang-last option mo ako. Hehe. Pero siyempre may bayad. Wala nang libre ngayon."
"Sira! Hindi ako naniniwala sa 'til death do us part na 'yan. And besides, mas happy ako sa ganitong buhay. Ang sarap kayang maging single, no hassle."
Sabi ko.
Pero sa totoo lang, medyo nakaramdam ako ng inggit sa bride. Bakas kasi sa mga mata ng groom kung gaano niya kamahal si Caridel. 'Yon bang tipong nakaalay ang buong buhay nito sa asawa.
Haist, ano ba itong ka-dramahan ko. Hindi ako nagpunta dito para mag-emot.
Laking pasasalamat ko dahil nang matapos ang wedding ceremony hanggang sa reception ay hindi ako ginulo ni Ugok.
Nakita ko kasing busy ito sa pakikipag-usap sa ibang guests at siyempre pakikipag-flìrt sa babae.
Hindi rin ako hiniwalayan nina Danilo at Brandon. Nakaalis lang ako sa tabi nila dahil gusto kong
mag-CR.
Natigil ako sa paglalakad.
nang makita ko sina Crystal at.... Salvo?
Ang walang hiyang lalaki, matapos ang ginawa niya sa kaibigan ko may gana pang magpakita? Yari yata sa aspalto ang mukha. Ang kapal!
"I want you back, babe. Please come back to me. Let's start again."
Rinig kong sabi ni Salvo saka niyakap ang kaibigan ko.
"Crystal. .."
Tawag ko.
Nakita ko kasing palapit si Danreb. Bigla namang humiwalay si Crystal kay Salvo. But too late, nakalapit na si Danreb at kinaladkad si Crystal palayo. Ni wala akong nagawa nang tangkain kong sawayin ang lalaking 'yon.
God! Sana lang hindi niya sasaktan si Crystal.
"Feliza, I'm late. I'm too late. Kasal na pala si Crystal. At sa pinsan ko pa."
Umiiyak na sabi ni Salvo.
"At ano ang ine-expect mo? Hintayin kang bumalik matapos ang ginawa mo? Wow! Sobrang bilib ka sa sarili mo kung ganun! What goes around, comes around, Salvo! 'Yan na ang karma mo!"
Inis na buwelta ko.
"May rason kung bakit nagawa ko 'yon, Fel."
"Ano man 'yon, valid or not, the damage is done, Salvo! Nasaktan mo na nga siya, namatayan pa ng ina. Kaya walang silbi ang rason mong 'yan. Bakit nagpakita ka pa? Okay na nga siya eh pero ginulo mo pa!"
"I'm sorry. God knows how sorry I am. Hindi ko sinasadya ang lahat, Feliza."
Puno ng pagsisising sabi nito at bigla akong niyakap. Yumuyugyōg ang balikat nito habang paulit-ulit na binabanggit ang katagang sorry.
Tila nahaplos naman ang puso ko. Kahit papaano naging mabuting kaibigan si Salvo sa akin.
Gumanti ako ng yakap at hinagod ang likod nito.
"Fix yourself, Salvo. Ayusin mo ang buhay mo. Live your life without Crystal. May asawa na siya."
Hindi ko alam kung gaano kami katagal magkayakap. He looked so wasted. Hindi na siya 'yong dating Salvo. Ang kaharap ko ngayon ay parang isang batang ligaw na nangangapa ng daan. Ng tamang landas.
Humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kanya.
"Hindi mo na maibabalik ang nakaraan. But there's a future waiting for you. Start a new life. Next time na magdesisyon ka, isipin mo munang maigi para hindi ka magsisi sa bandang huli."
"Thank you, Feliza."
Nginitian ko ito at niyakap ako ulit bago umalis.
Hay, buhay. Ang hirap palang umibig. Sawi na nga si Brandon, pati si Salvo. At ang best friend ko mukhang kumplikado rin ang sitwasyon. Mabuti pa si Danilo ang saya ng buhay.
"Pagkatapos mo kay Danilo Reberos, kay Salvo ka naman? Why Feliza? Is your pūssy too loōse that's why you're hunting for a largër dìck?"
Biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi ni Manjoe. I thought ligtas na ako sa pambu-buwisit ng Ugok na ito. Humabol pa talaga sa last minute!
"Ano ang pakialam mo?! Oo! Nagha-hunting ako ng iba't ibang lalaki para may maka-sëx ako! Eh ano ngayon sa'yo? Inggit ka? Eh di mag-hunting ka rin ng iba't ibang pugita!"
"Why don't we try, Feliza? Mine is ëxtra largë. Puwede na rin kitang baboyìn magdamag with a cōndōm on. You know, I need prōtection para hindi ako kapitan ng virus mo."
Shìt, this is too much! Too much humiliation! Sobra-sobra na ang pagtapak niya sa pagkatao ko. Tila gustong pumutōk ang mga ugat ko sa katawan dahil sa sobrang galit. Parang gusto kong sumabog!
With my head high, I look at his eyes furiously. Umigkas ang isang kamay ko at lumagapak sa kanang pisngi nito. Sa lakas ng impact ng pagkakasampal ko ay namula ang kanang pisngi nito. It serves him right.
"I hate you! Kahit ikaw na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo, hindi ako papatol sa'yo!"
I'm glad pagkatalikod ko, saka lang tumulo ang aking luha.
I hate him so much!