JING "Jing, pinapatawag ka ni Ate Esmeralda. Kakain na raw ng tanghalian." Narinig ko ang boses ni Harvey sa labas ng aking pinto. Nakaramdam ako kanina nag uhaw kaya pagdating namin sa bahay pagpasok ko dumiretso ako kaagad sa kusina. Nagulat nalang ako ng makita ko si Harvey na naghahanda ng pagkain. Binati niya ako habang nakangiti. Napa tulala ako ng ilang segundo sa kanyang mga ngiti. Na miss ko ang kanyang ngiti lalo na ang kanyang dalawang biloy sa mukha. Mas gumwapo saiya sa paningin ko. Nang makabawi ako s pagtitig ko sa kanya. Hindi ko alam ang aking gagawin kung tutuloy ba ako o hindi. Pero sa huli nagdesisyon ako na lalabas nalang ng kusina dahil hindi ko talaga kaya ang kanyang presinsya. Mabilis ang bawat hakbang ko pa akyat sa hagdan upang makarating sa aking kwarto. Pagpa

