THIRD PERSON "Jing may dapat ba ako'ng malaman tungkol sa inyo ni Sir Harvey? May hindi ka ba sinabi sa akin? Parang ano kasi, parang may something kayo ni Sir." Tanong ni Cutie kay Jing. Maaga si Jing pumasok sa Mall dahil n'ong ginising siya ni Esme upang magpaalam na babalik na sila sa Manila hindi na siya ulit nakatulog. Kaya pag-alis ng kanyang Ate at Kuya. Nag-ayos na rin siya ng kanyang sarili upang magtungo ng Mall. N'ong nakita niya kahapon si Harvey sa kusina at narinig niya na may kausap ito sa cellphone. Pag-gising niya kanina hindi niya ito nakita. Hindi siya kagabi lumabas upang kumain ng hapunan. Mabuti at hindi siya pinilit ng kanyang Ate. Tinaasan niya lang ng kilay si Cutie at hindi sinagot ang tanong sa kanya. "Walang good morning o kamusta, muna? Chismis kaagad? Sung

