Chapter One
Chapter I
Reese's POV:
"Hoy ano ba wag mo nga akong videohan." sabi ni Chase habang ako naman ay patuloy lang sa pagvideo sa kanya, kanina pa siya naiinis dahil tinali ko ang kanyang mga paa sa kama, kanina ko pa kasi siya ginigising pero ayaw niya namang magising tulog mantika kasi.
Uminom ako ng wine habang pinapanood ang video sa aking laptop, napangiti na lamang ako nang maalala ang bakasyon namin sa Palawan.
Flashback....
Kaka-out ko lang galing trabaho, masaya ako dahil na-aprobahan na rin sa wakas ang aking vacation leave, nilagay ko ang aking earphone sa aking tenga at nakinig sa aking paboritong kanta nakasanayan ko na rin tong gawin habang hinihintay ang aking sundo.
"Mukhang masaya ka ata ah.." Sabi ng pamilyar na boses galing sa aking likuran.
"Masaya talaga." Sagot ko naman rito at agad ko siyang niyakap.
"Ano bang meron?" Takang tanong niya sa akin.
"Kain muna tayo?" Anyaya ko sa kanya, tumango naman siya bilang pagsang-ayon.
Agad naming tinungo ang kanyang motor na nakaparada sa parking lot, nagkaroon ng kulay ang aking mundo nang makilala ko si Chase he is my world, my life, my everything wala na akong mahihiling pa dahil dumating na ang lalaking makakasama ko habang buhay, nakayakap ako sa kanyang likod habang siya ay focus lang sa pagmamaneho.
Huminto kami sa paborito naming kainan na pagmamay-ari ng matalik kong kaibigan na si Raymond kung saan una kong nakilala si Chase, sarap balikan ang mga oras na iyon. Masaya kaming nag-uusap ni Chase habang kumakain, isa siyang freelance model, medyo singkit ang kanyang mata na may mahabang pilikmata, katamtaman lang ang kapal ng kilay, matangos na ilong at red kissable lips, white complexion at nasa 5'11 ang tangkad, fit ang pangagatawan dahil alaga sa gym and finally he's bisexual.
"Psst.. Nakatulala ka naman jan, nahuhumaling ka na naman sa kagwapuhan ko no." sita niya sa akin, oh g kanina pa pala ako nakatulala sino ba naman ang hindi matutulala sa mala anghel na taong to.
"Tse, tumigil ka nga jan." napayuko nalang ako dahil ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi, hindi na ako nagsalita pa at pinagpatuloy nalang ang aking pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming umuwi, magkasama na kaming naninirahan sa isang apartment.
Pagkarating namin ng Palawan ay agad kaming inacomodate ng mga staff ng resort kung saan kami nagpareserve ng room for one week.
"Wow ang ganda rito." Mangha kong sabi habang nakadungaw sa bintana ng aming kwarto maya-maya ay nakarinig ako ng paghilik, napailing nalang ako dahil mahimbing nang natutulog si Chase, tinabihan ko siya at hinalikan sa noo hindi ko namalayan nakatulog na rin ako.
Tok tok tok....
"Reese? Ready ka na ba?" tanong ni Raymond isa sa mga kaibigan namin ni Chase.
"Yeah, I'm almost ready." sagot ko naman sa kanya.
"Pinapanood mo pa pala yan?" sabi uli ni Raymond nang makapasok siya sa aking kwarto, tiningnan ko lang siya habang inaayos ko ang aking necktie.
"Hoy Reese ayos ka lang ba?" tanong niya sa akin nang makita niya akong nahihirapang mag-ayos ng necktie, agad niya akong nilapitan at siya na rin ang nag-ayos nun.
"Pwede ka namang hindi pumunta diba?." dagdag pa nito.
"Gaga ka ba? Alam mo namang ako ang kinuhang best man diba?, at isa pa masayang araw to para kina Chase at Chloe ayaw ko namang maging killjoy sa kanila." malungkot kong sabi kay Raymond he is also gay like me kaya kami besty eh.
"Sabagay, pero yung totoo ok lang ba yan?" sabay turo sa aking dibdib kahit hindi ko sabihin sa kanya ay alam niya ang nararamdaman ko, sa tuwing nakikita ko ang larawan namin ni Chase ay parang dinudurog ang aking puso. Hindi ko inakala na sa isang araw mawawala siya sa akin, isang malalim na buntong hininga nalang ang aking sinukli sa kanya.
Isang katok ang sumira sa pagda-drama namin ni Raymond, nakatayo na pala si Chase sa labas pinto.
"Sige Reese alis muna ako, congrats uli Chase." Paalam ni Raymond tumango naman si Chase sa kanya.
Lumapit si Chase sa akin at niyakap niya ako mula sa likod sabay halik sa aking leeg at bumulong ng. "You're so gorgeous."
"Tumigil ka nga Chase, umayos ka baka nakakalimutan mong ikakasal ka na." sabi ko naman sa kanya hinayaan ko lang siyang nakayakap sa akin habang inaayos ko ang aking sarili.
"Reese, will you still love me even I'm married?" tanong ni Chase sa akin na syang kinatigil ko, humarap ako sa kanya at hinalikan ang kanyang labi, hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong umiyak sa kanyang balikat, ramdam ko ang paghagod niya sa aking likod.
"Naalala mo noong nagbakasyon tayo rito sa Palawan? Dito mismo sa kwartong ito nangako tayo na mamahalin natin ang bawat isa kahit ano man ang mangyari?, i will still love you, i promise." sabi ko sa kanya nang makaharap ako, at sa huling pagkakataon ay muli niya akong hinalikan sa labi, halik na puno ng pagmamahal.
Pagkatapos ng iyakan at halikan sa kwarto ay sabay na kaming lumabas ni Chase, isang beach wedding ang tema ng kasal nila ito kasi ang gusto ng groom at bride na siyang sinang-ayunan naman ng lahat.
Dinaluhan ito ng kaunting bisita pati na rin ang pamilya ng bride at groom handa na rin ang lahat, bride nalang ang hinihintay. Kita ko sa mukha ni Chase na kinakabahan ito, napatingin siya sa akin nang hawakan ko ang kanyang kamay, nginiti-an ko siya at sinuklian niya rin ako ng ngiti.
Ilang minuto pa ang paghihintay ay dumating na rin ang bride kasama ang kanyang ama, ang kaninang kabado ay nasukli-an ng saya at pagkasabik, masaya ako para sa kanilang dalawa, at nagsimula na ang kasalan, habang naglalakad ang bride sa aisle ay syang pagtugtug ng kantang ikaw at ako ni moira.
Hindi ko mapigilang mapaluha sa nakikita dahil nagpaalala ang kantang ito sa aming dalawa ni Chase, gusto niya ang kantang ito para sa aming dalawa kung sakaling maikasal kami sa Paris na syang isang panaginip na lamang.
Ramdam ko ang pagtapik ni Raymond sa aking balikat na agad ko naman itong hinawakan buti nalang at nanjan ang aking besty sa tuwing nalulungkot ako. Pagkatapos nilang magpalitan ng vows ay hinalikan na nang groom ang bride at nagpalakpakan naman ang lahat.
Pagkatapos nang misa ay diretso na ang lahat sa reception nang kasal at nagsimula na ang programa nakaupo ang bagong kasal sa harap habang ako naman ay kasama si Raymond at ibang kaibigan namin ni Chase, isa-isang nagbigay ng message ang mga ninong at ninang, family of both parties, friends, bridesmaid at best man.
Tinapik pa ako ni Raymond dahil ako na raw ang bibigay ng minsahe, huminga muna ako ng malalim bago ako pumunta sa harap, tiningnan ko ang dalawa bago ako magsalita.
"Good afternoon ladies and gentleman, sa lahat ng hindi nakakakilala sa akin I'm Reese Montemayor at ako ang inatasang maging best man ng aking kaibigan na si Chase." Parang tinusok ng kutsilyo ang puso ko sa katagang kaibigan.
"On behalf of our friends, the bridesmaids and myself, nagpapasalamat ako kina Chloe at Chase dahil naging bahagi kami ng kanilang special day, i know you're both put a lot of hard work and effort into getting everything ready for today and its amazing." Patuloy ko lang.
"Let me tell you a little bit about Chase and me." Muling nanariwa sa aking alaala ang una naming pagtagpo ni Chase.
Flashback...
Gaya nang nakasanayan ko trabaho, kain, at bahay lang ang routine ko sa buong araw. Malakas ang ulan nang araw na iyon, pagdating ko sa Ray.n.bow ay agad akong nag-order, payday pala ngayon kaya maraming tao ang kumakain sa resto ni Raymond. Pagdating ng order ko ay agad na akong kumain dahil sa dami ng paper works ko kanina ay nakalimutan ko na namang magtanghalian, para akong lion na nagfifiesta sa nahuling biktima, wala na akong pakealam sa aking paligid dahil nagwawala na ang aking mga alaga sa tiyan.
"Uhmmm excuse me may nakaupo po ba dito? pwedeng maki-share?" sabi ng lalaki sa akin, napatigil ako sa pagkain nang makita ang isang masarap na ulam ay este nilalang sa aking harapan, yeah I'm gay pero hindi ko type magsuot ng pambabae kaya napagkakamalan pa rin akong lalaki, nilibot ko ang aking paningin at puno na nga ang lahat ng mesa kaya tumango nalang ako sa kanya.
"Thank you ha, wow ang gana mo namang kumain." tiningnan ko lang siya at muli akong bumalik sa pagkain, ang kaninang parang halimaw kung kumain ngayon ay parang dalagang pilipina na nahiya kasi ako sa aking kaharap, nang matapos akong kumain ay nagpaalam muna ako sa aking besty at tsaka lumabas ng resto. Walang tigil pa rin ang ulan kinuha ko ang aking telepono sa bag para makapagbook sana ng grab kaso wala na itong baterya wala rin akong payong ang lakas pa naman ng ulan.
"Hey, naiwan mo pala sa mesa ang wallet mo." sabi ng lalaki sa akin, agad ko namang hinanap ang aking pitaka baka nagkakamali lang siya pero totoo ngang wala ito sa aking bag.
"Ehhh, thank you ha." sabi ko nalang sa kanya.
"Naku wala yun, buti nga ako ang katabi mo sa mesa kung iba yun sigurado akong wala na yang pitaka mo." muli niyang sabi, nginiti-an ko lang siya at inayos ang aking glasses hindi ko kasi alam kung paano kausapin ang isang to hindi kasi ako sanay makipag-usap sa hindi ko close.
"Don't worry I'm not a bad person." sabi niya nang magdistansya ako ng kaunti sa kanya.
"Hmmm, sorry di lang talaga ako sanay to talk to strangers." sagot ko naman sa kanya.
Unti-unti na ring tumitila ang ulan pero wala pa ring dumadaang sasakyan kaya naglakad-lakad muna ako napatigil ako nang may huminto na motorsiklo sa aking gilid.
"Need a ride?" alok sa akin ng lalaki na kasabay ko kumain kanina.
"Wag na salamat nalang."sabi ko nalang sa kanya at muli akong naglakad.
"I insist, delikado sa daan kapag ganitong oras." muli niyang sabi sa akin, ilang beses ko nang tinanggihan ang lalaking ito pero mapilit talaga siya kaya nagpahatid nalang ako.
"Ilang besses din kaming nagkita ni Chase sa resto ni Raymond at doon na nga nagsimula ang pagiging matalik naming pagkakaibigan." kwento ko sa kanila.
Tumingin ako kay Chase. "Chase, I would like to think that in the times when you have called upon me for help, i have always been there for you and not let you down because you have always been there for me, muli kong naalala ang mga pinaggagawa nating kalokohan noong tayo ay magkasama pa at nang dahil doon nagpapasalamat ako dahil may kaibigan akong katulad mo." Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya. "Ugh....memories that i will never forget."
Lumapit ako sa kanilang dalawa, kinuha ko ang kamay ni Chase at pinatong ito sa kamay ni Chloe. "I wish the two of you a long and happy marriage together, Chloe i know Chase has a soft and loving side for you, alam kong magiging masaya kayo at magsasama habang buhay at alam kong ikaw lang ang lahat sa kanya." di ko alam kung saan nanggagaling ang mga salitang lumalabas sa aking bibig pero sa loob looban ko ay unti-unting dinudurog ang aking puso, muli akong naglakad sa gitna.
"Finally, its been a fairytale of a day, yung iba ay nag-aaway na parang beauty and beast pero para sa akin si Chase ay parang si Shrek dahil isa ito sa paborito niyang palabas at hindi lang yun kamukha niya rin ito." nagtawanan naman ang mga bisita at napailing habang nakangiti naman si Chase.
"At sa huli ay natagpuan niya rin ang kanyang Princess Fiona, and Chase wag kang mag-alala habang kayong dalawa ay nasa paligid, i will always be your donkey." nakita ko ang pagtulo ng luha ni Chase na agad niya namang pinunasan, shrek at donkey kasi ang aming tawagan kung nasa bahay kami.
"So may i ask you all to stand, please raise your glasses and toast to our newly wed." sabi ko sa garalgal na boses, tinungga ko ang laman ng baso at agad na ring umalis dahil bumagsak na ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan, hindi ko pinansin ang pagtawag sa akin ni Raymond, patakbo kong tinungo ang pinto hanggang sa makalabas ako ng reception agad akong pumasok ng aking kwarto at nilock ito, ibang sakit ang nararamdaman ko sa oras na ito parang nawala ang lahat ng aking lakas kaya napaupo nalang ako sa sahig habang hawak hawak ang aking dibdib.
Nang mahimasmasan na ako ay agad na akong bumihis at nag-ayos ng aking gamit at walang paalam na umalis.
Chase's POV:
"and Chase wag kang mag-alala habang kayong dalawa ay nasa paligid, i will always be your donkey." napailing habang nakangiti ako nang sabihin iyon ni Reese, we decided to call each other as shrek and donkey, we all know that these fictional characters are best friends.
"Whats about shrek and the donkey that you brightly smile?" takang tanong sakin ni Chloe.
"Hmmm, nothing?, don't mind that it's just a part of his speech." paliwanag ko nalang rito.
"So may i ask you all to stand, please raise your glasses and toast to our newly wed." sabi ni Reese nakatingin lang ako sa kanya habang nagtaost kami ng baso ni Chloe, kita ko ang pagbagsak ng luha ni Reese kitang-kita ko sa kanyang mukha ang labis na kalungkutan, pagkatapos niyang inumin ang wine ay patakbo siyang lumabas ng reception, gusto ko siyang sundan pero hindi pwede.
Tatlong linggo ang nakalipas matapos kaming ikasal ni Chloe ay lumipat kami ng bahay sa isang subdivision dito sa Quezon, wala na rin akong balita kay Reese kahit ang kanyang besty ay hindi alam kung nasaan siya ngayon, hindi ko na rin makontak ang kanyang numero nag-alala na ako sa kanya.
"Honey whats wrong?" tanong sakin ni Chloe, nasa balconahe kami ngayon hinarap ko siya at hinalikan sa labi.
"Nothing wrong hon, sige na matulog kana may pasok ka pa bukas, uubusin ko lang tong beer." Sabi ko sa kanya, Chloe is a great wife for me, mahal ko siya pero parang may kulang sa puso ko na si Reese lang ang nakakabuo. "I miss you Reese". bulong ko sa aking sarili at tinungga ang huling laman ng bote.
Pagkatapos kong ihatid si Chloe sa kanyang tinuturuang paaralan ay dumiretcho na ako sa store, we open a coffee shop before we get married. Ako na ang nagbukas ng shop dahil maaga pa naman mamayang 8 a.m pa ang bukas nito kaya naglinis muna ako, maya-maya ay dumating na ang aking mga empleyado.
Nasa opisina lang ako buong araw tapos ko na rin ang aking gawain, habang naghahalukat ako ng aking computer ay napansin ko ang isang folder na walang filename binuksan ko ito at lumabas ang mga litrato at mga videos namin ni Reese, mga litrato namin na nagpapakita kung gaano kami kasaya noon, bawat litrato ay may kanya-kanyang kwento.
I click the first picture, i smile because this is the time that he finally said yes to me.
Flashback....
Dahil maaga kaming natapos sa photoshoot ay sinadya kong sunduin si Reese sa kanyang pinagtatrabahu-an its been a month since we first meet in Ray.n.bow Resto na pagmamay-ari ng kanyang besty na si Raymond, since that day ay gusto ko na siyang makita iba talaga ang tama ko sa kanya, I'm bisexual na alam niya naman ilang linggo na ang nakakalipas nang ligawan ko siya( hard to get pa si inday), kahit ilang beses niya akong nireject ay hindi pa rin ako sumuko, habang tumatagal ay palalim ng palalim na ang nararamdaman ko para sa kanya.