Chapter 1
Chapter 1: Princess in the future
Zera's POV
'Ms. Zera Kim Sabbatah. Thank you for taking the interview in our company. We would like to apologize for sincerely not accepting you in cause of lack of work experience and fresh graduated. We would like to thank you for your time and effort. Sincerely yours'
"Gandang bungad sa pagkain" Sabi ko at napangiwi habang ngumunguya nang mabasa ko ang email sa cellphone
"Lola akala ko po makakapasok na ko sa pang eleven ko pong interview!!" Tanong ko kay Lola na may ginagawa ulit sa bigas namin, manghuhula kasi si Lola. Minsan totoo ang hula nya, minsan bigo. Pero patuloy lang akong umaasa dahil nagiging tama ang mga coincidence nya, kagaya ng mananalo ako sa cooking contest and stuffs, parang alam na nya ang nangyayari.
Kaya malaki ang hope ko sa job interview ko ngayon, kasi pafailed ako ng pafailed. Ayaw nila akong bigyan ng trabaho
"Edi ikaw na pala ang problema dyan. Hindi yung hula ko" Sabi ng lola ko at lumapit sakin
"Paano po kapag hindi na talaga ako makakapagtrabaho?" Malungkot kong tanong kay Lola at nangalumbaba pa.
"Jusko. Aba'y may problema ka na sa pagiisip nan" sabi ng Lola ko habang natawa. Napapout ako sa sinabi nya at uminom ng tubig
Pagkatapos ng tawa nya ay tinitigan ako nito na may ngiti sa labi, agad akong napakunot sa biglang itsura ni Lola.
"Apo, pwede bang patingin ng palad mo" sabi ni Lola at agad ko namang binigay sa kanya. Huhulaan nya ulit ako.
Tinanggap nya ang kamay ko at agad na hinimas ang palad ko habang nakapikit. Nakapokus lang si Lola sa panghuhula sakin habang ako naman itong nanguya ulit.
"Lola, Magiging mayaman ba ko paglaki? Magandang trabaho ba yung makukuha ko po?"
"Its time"
"P-po?" Medyo di ko narinig yung sinabi ni Lola kaya nilapit ko ang mukha ko sa kanya.
"Apo, kapag hindi mo ako nakita muli sa pamamahay na toh. Wag mo kong hahanapin"
"B-bakit po Lola? May mangyayari po ba?" Agad naman akong nag-alala. Hindi kaya't, may pupuntahan si Lola tapos iiwan ako. Medyo may katandaan na rin sya.
Hinila ako ni Lola palabas ng bahay at tumingin ako sa paligid. May darating ba?
"Kapag hindi mo ako mahanap sa kahit saan. Sundan mo yung buwan na yan. May maganda kang patutunguhan" Tumingin naman ako sa buwan. Full moon sya ngayon at maliwanag. Tinitigan ko si Lola na nakangiting tinitingnan ang Buwan.
"San ka po pupunta Lola? Mauuna ka pong pumunta dun tapos susunod ako? May mansion po ba dun?" Napatawa naman si Lola bago pinat ang ulo ko
"Ang kinabukasan mo na ang bahala dun apo. Hindi pa naman tayo maglalakbay sa ngayon. Matagal-tagal pa" Pumasok na ng bahay si Lola at narinig kong sinarado nya ang pintuanng kwarto. Matutulog na sya ng maaga
Napaexhale ako ng malakas bago tiningnan ang buwan
Ano kayang meron sa ilalim ng buwan? Sabi punta sa Moon which is yung ilalim. Hindi yung sa outer space talaga na moon. What if sa outer space talaga? Binatukan ko ang sarili ko
Pero sa ilalim ng buwan, alam kong may destination ito. A sacred place na kapag nakapunta ka rito ay mamamangha ka sa ganda o takot.
"Hmmm, ano kayang meron dyan?" Tanong ko pa sa sarili ko at napaisip
Hindi kaya't magpapakita na ang magulang ko sa ilalim ng buwan. Simula bata hanggang ngayon. Hindi ko man lang nakita ang itsura nila sa personal. Wala ding pic. At si Lola ay hindi na daw nya maalala ang nagiisang anak nya na tanging nanay ko
"Bahala na si Batman" Sabi ko nalang at pumasok sa loob. Lumalamig na rin at mas dumidilim. Makatulog nalang
DAYS Passed and luckily, may nakatanggap sakin sa trabaho. After trying almost thirty-six ba? Thirty-nine ata na interview. Nakapasa na ko, sa wakass! Nagtatalon ako habang papunta na sa bahay at malakas na tinawag si Lola
"Lolaa!!! Tama ang hinala mo!! Nakapasa na koo!! Lolaa?!?!" Agad kong hinanap si Lola sa buong bahay at nagtaka ako ng wala sya. Namalengke ba sya? Pero pagabi na.
Pumunta rin ako sa kapit-bahay at tinanong kung nakita nya ang Lola ko at sabing umalis daw sya nung umaga. Nung umaga? Pero bakit hindi pa sya nakakabalik?
"Sandali, hindi kaya't, pumunta na sya sa ilalim ng Moon?" Takang tanong ko sa sarili ko
"Ahh. Bat di nya ko sinama! Tapos kung kelan ako may trabaho na, tsaka na kami aalis!!" Napakamot ako sa sariling ulo ko at tiningnan ang papel kung saan may pirma ko at acceptance kung saan ako magtatrabaho
"Hayaan na natin toh, bagong company rin naman yan" Sabi ko nalang at pinatong sa lamesa ang papel. Naglabas ako ng malaking bag at naglalagay na ng damit
"Sandali. Kung nandun na si Lola. Bakit andami parin ditong damit?" Nang tingnan ko kasi ang drawer ni Lola, puno pa ito ng damit at mukhang walang bawas. Nagkibit balikat nalang ako at lumabas ng bahay para bumili ng madaming pagkain. Nakakayamot na kapag nagutom.
I then stare at the Moon na malapit nang lumabas dahil nagdidilim na, full moon ulit sya ngayon.
"Ano kayang meron dyan sa buwan na yan?" Tanong ko sa kawalan at naglakad nalang papuntang convinience store na malapit samin agad akong kumuha ng basket at tumakbo agad sa food area. Mabilis ang pangyayare dahil napuno ko agad ang basket at hinarap ko na agad sa cashier ang mga pinamili ko.
"Tatlong pack ng Flat tops, lollipop tapos yung inumin. Delight drink, tubig at milo. Tatlong pack yung milo. Tapos bagong toothbrush at toothpaste at iba pa at cup noodles at syempre tatlong burger" masaya kong sambit at nginitian ko pa ang cashier na mukhang patulog na. Iniscan nalang nya ang mga pinamili ko at lumabas na ko ng convinience store.
Kailangan lang na gantong kadaming pagkain ang bibilhin ko. Gutumin pa naman ako sa gabi. Pati isang gabi lang ako pupunta dun dahil magiibang direksyon na ang moon kapag inabot ko bukas. Hay buhay!
Umuwi na ko ng bahay at agad nagbihis ng maayos na damit, sinuot ko din yung yakult cap ko kahit hindi mainit, style lang. Nagdala nadin ako ng panaksak ni naruto pati posporo para sa safety. Ewan ko din kung bat ako nagdala ng safety pero kapag may nangyareng masama ay saksak agad ni Naruto ang mararating.
Hinanda ko na ang bike ko at sumakay na dun. So bakit hindi nalang ako sumakay sa mga bus at keneme? Ayoko, wala na kong pera pati wala nang tricycle sa gabi. Ayos na itong bike at kakaihip lang ng gulong nito.
"Ok! Lets go na Zera" Masaya kong sabi ulit sa sarili ko at tumingin sa taas. Inexamine ko muna kung san ako patungo
"North" agad ko nang pinaandar ng mabilis ang bike at gumera na.
Sa una ay nageenjoy pa ko magpedal sa bike ko kahit na malayong kilumetro na ang napupuntahan ko. Pero nung bumaba ako sa bike para magpahinga at bigla nalang nanginig ng sobra ang paa ko, parang thigh lang.
"Haaa!" Pabagsak akong umupo sa bench at humingal. Grabe, wala pa ata ako sa kalahati ang napupuntahan ko pero gusto ko nang sumuko, pero ayoko din at nandun si Lola at hinihintay na ko
Wag naman din sanang papunta sa dagat yung daan ng buwan. Hindi pwedeng ipidal sa tubig ang bike ko at hindi ito waterproof.
Napatayo ako at bigla naman akong bumagsak. Great, kung yung energy ko marami-rami pa. Yung paa ko na ang nag give-up. Napabuntong-hininga ako. I should wait then.
"Miss, ayos ka lang ba?"
"Huh?" Napatingin ako kung san nanggaling ang boses at isa itong nakataklob na lalaki at nakashades pa ito at nakamask. Naweirdohan ako sa kanya nung una pero hindi sya mukhang mananangal dahil sa boses nya. Bakit ba ko natingin sa appearance?
"Oh no, im no bad guy miss. Here, some water" binigay nya sakin ang glass cup at may tubig duon. Tinitigan ko ang lalaki na halatang nakangiti sakin kahit na may mask.
"Don't worry. Theres no poison there" Nagkibit- balikat nalang ako at ininom ng buo ang tubig. Napasinghap pa ko sa biglang lamig at tumawa ang lalaki.
"Thank you po!" Binigay ko na sa kanya ang baso at ngiti lang ang binalik nya through mask. Tiningnan ko syang maglakad kasama pa ang isang lalaki at nilagay nya ang baso sa bulsa ng jacket nito. Weird, bahala na ito.
Tinry kong tumayo at nagulat ako ng wala na kong sakit na nararamdaman sa hita ko
"N-nawala na ang sakit" Naglakad-lakad pa ko at sumakay na sa bike. Wala na talagang sakit sa paa ko, ang galing nung tubig.
Magpepedal na sana ako ng tingnan ko muna ang sa cellphone ko at napalaki nalang ang mata ko
"1l2:43 na!!" Bakit ang bilis ng oras, parang kanina lang ay naghahanda lang ako. Pinabayaan ko na ang case na yun at nagpatuloy nalang sa pagpedal. Hahayaan ko nalang ang case na yun at ang pagpunta sa moon ang priority ko, nagugutom na ata dun si Lola
"Malapit na ko!!" Sigaw ko sa madilim na kawalan habang nakataas ang dalawang kamay ko sa pagod. Sa wakas ay malapit lapit na.
Tiningnan ko ang buwan na halos tumingala na ko para makita pa iyun. Malapit na ko, as in. Kaya tara na at ipagpatuloy ang nakakaselan na pagpidal.
Napatigil din naman ako at tiningnan kung san ako paderetso at sa isang gubat ito. Napalunok ako sa sariling laway at nag-isip muna
Nakakatakot dito at madilim, nandito ba talaga si Lola? Nilabas ko na ang Kunai ni Naruto at nagpedal nalang ng mabagal
Sobrang dilim na at wala na kong makita masyado, isama mo pa na maingay ang mga hayop dito at paano pa kaya kapag nakarinig ako ng growl ng kung ano. Magnininja nalang?
Just then, nakakita ako ng liwanag sa bakante at hindi na nagdalawang-isip na pumunta dun. Mas lalong lumigaya ang pakiramdam ko ng makita ko si Lola na nakatalikod. Halos patalon na kong umalis sa bike ko at tinumba pa ito at napatingin sa gawi ko si Lola
Sinunggaban ko sya ng yakap nang pagkapunta ko sa kanya at nagsalita.
"Lolaa! Nandito ka na po agad. Dapat nagsabay na tayong pumunta rito para po may kasama kayo sa paglakbay. Nahirapan po ba kayo?" Tinanggal ko na ang yakap at tumingin sya sakin ng walang ekspresyon na parang kinikilala pa ko, agad akong kinutuban at napakunot sa kanya
"Sino ka? Nawawala ka ba bata?" Nagulat ako sa biglang saad nito. Lumayo ako ng konti sa kinaroroonan nya at nagkatitigan kami. Taka at takot ang nararamdaman ko dahil baka hindi sya ito. Hinigpitan ko ang hawak sa Kunai ko.
"Bawal ka dito, apo. Naligaw ka ba papunta dito?
"Lola.." Nakangiti lang sya sakin, habang ako ay mapapaluha na sa mata sa biglang masaksihan ko. Prank lang toh diba? Prank lang ata dahil may pinapakita din ako sa kanya na mga videos na may prank, haha
Pero iba ang mukha nya, parang ngayon lang kami nagkita habang yung inosente nyang mukha ay nakakapanginig sakin
"Lola ako toh!! Si Zera po ito, yung apo nyo!! Hindi nyo ba ko nakikilala Lola?!" Halos rinig na sa buong gubat ang sinabi ko pero ngiti lang ang tugon nya.
Hindi si Lola ito. Ngayon ko lang napagisipan kung umalis ito sa umaga ay hindi na nya nakikita ang buwan nun. Ang tanga mo Zera dahil pinaniwala mo ito. Pero bakit kamukha sya ni Lola kahit ang damit nya na kagahapon pa nya suot?
Lumapit sya sakin bigla at hinawakan ang kamay ko ng malambot.
"Pwedeng ko bang tingnan ang palad mo iha? Titingnan ko lang ito" Nakangiti nyang sabi bago ko ipakita sa kanya ang palad ko sa kanya. Yung kamay nya, kasing lambot ito ng kay Lola na lagi akong hinuhulaan, nararamdaman ko tuloy na iisang tao lang sila, pati yung pagsuri rin nito sa palad ko ay magkaparehas din
At gaya nga ng paghula nya. Ngumiti ito sakin at binaba na ang palad ko.
"Ikaw nga ang hinahanap namin"
"Po?"
"Hinihintay ka na nila. Tara at sumama ka sakin, apo" Sabi nya at nilahad ang kamay sakin at tinitigan ko ito.
Sinong naghihintay sakin? Pati ano ang pinagsasabi nya at saan kami pupunta? Napaisip muna ako kung ilalagay ko ba ang kamay ko sa kanya. This doesn't feels right. Tatanggapin ko na ba?
Hindi na ko nagisip-isip pa at tinanggap nalang ang kamay nya. Tumingin sya sa buwan na sobrang liwanag na at napatingin nalang din ako sa ganda nito pero bigla akong nakaramdam ng hilo habang nakatingala.
Nafeel ko na parang bumibilog-bilog ako habang may sinasabi si Lola na hindi ko maintindihan bago dumilim na ang paningin ko at nawalan na ko ng malay.
At ito na pala ang simula ng lahat, bago ko malaman ang katotohanan. Ang katotohanan na parang hindi totoo pero tinotoo ng isipan ko.
"Binibini! Binibini!!" Minulat ko ng konti ang mata ko at napapikit ulit sa biglang liwanag na luminga sa mata ko. Kinusot-kusot ko pa ito bago imulat na ng todo.
Sandali? Bakit sobrang init ng panahon ngayon? Saan ako natulog? At bakit parang mabuhangin ang kinauupuan ko?
Luminga-linga ako habang nakakunot ang kilay na parang iniisip kung nasan ako, pero isang lugar lang ang alam ko sa posibilidad nang kinahihigaan ko ngayon.
"Old town road?"