Chapter 2: The new world?
Zera's POV
Tumingin ako sa paligid na parang mga kahoy ang kabahayan na nakalinya, parang desyerto rin ang sahig nila at nakikita ko pa ang bilog na white bush na nagala sa kung saan. Isama mo pa yung araw sa tindi ng paginit nito sa mata ko. Old town road nga ito.
Ang tanong? Paano ako nakapunta dito at bakit mukhang dating panahon pa ito.
"Ayos ka lang ba, binibini?" Sabi ng lalaking ubod ng gwapo na nakatingin sakin. Tumitig muna ako sa pagkagwapo nya bago kumamot sa batok at luminga-linga parin sa paligid
Shet. Nasan parin ako? Ayokong tumingin sa lalaki at baka ano ang isipin ko.
"Binibini? Ayos ka lang ba?" Inulit pala nya ang tanong nito.
"Ayos lang ako" Tumayo na ako at nagpagpag. Nakita ko ding nakahalandusay ang bag ko sa isang tabi at tumakbo ako para kunin iyun
"Salamat at buhay pa pala ang bag ko!!" Sabi ko at pinagpag ang pinakamamahal kong bag at bigla itong niyakap. Weird man sa tingin nyo pero may mga pagkain ito
"Pfft" Narinig ko namang may natatawa na sa ginawa ko at si gwapo pala yun. Nagfake cough muna ako bago nagtanong.
"N-nasan pala ako?"
"Ah. Nasa Land of Water ka. Uminom ka muna ng tubig" Sabi nya at parang nagawa ng tubig sa kamay tapos nagawa sya ng parang baso at parang naging yelo ito.
Agad naman akong napanganga at napapalakpak sa nakita ko. Ang galing ng magic nya at parang totoo na ito.
"Wahhh! Ang galeng mo dun Kuya!" Ayan nanaman ang palihim nyang tawa bago ibigay sakin ang ginawa nya. Dahil sobrang lamig ng baso. Binilisan ko nalang ang paginom at binaba yung baso sa buhangin, na sa konting sandali ay natunaw na agad.
"Paano mo yun nagawa? Magician ba trabaho mo?" Tanong ko sa lalaki habang may puno ng koryosidad
"Kapangyarihan namin ang tubig, binibini. Saang village ka ba nakatira? Siguro sa village ka ng mga dragon o sa lason?" Nagtaka ako sa lahat ng sinabi nya. Ano daw? Kapangyarihan? Lason?
Biglang tumunog ang cellphone ko at agad ko itong kinuha. Pagkabukas ng cellphone ko ay bigla nalang napalaki ang mata ko dahil mas tiningnan ko ang date ngayon kesa sa rason kung bakit nagnotif ang cellphone ko.
"Year 3098!!!" Sigaw ko sa date na nakikita ko. Nasa future ako!! Sandali, paano nangyari ito? Edi robot ang kausap ko ngayon? Pati iting old town road? Ayan na nga, nagsunod-sunod na ang mga tanong sa utak ko, pero bakit sabi nya ay yung kapangyarihan?
Tinitigan ko ang lalaki na ngayon ay nakatingin sa cellphone ko. Hindi sya mukhang robot sa malapitan, mukha rin syang pamilyar sakin.
"Ano yan?"
"Cellphone, hindi mo toh alam?!" Pinakita ko pa sa kanya ang cellphone ko at binuksan ito pero umiling lang sya. Himala! Hindi pa sya nakakakita ng cellphone, pero nagtaka ako dun dahil hindi pa sya nakakakita nito. Mga computers nalang ba ang nandito sa future?
"Hindi mo toh alam? Sure ka?! Miss--"
"Binibini!!" Napaface palm ang lalaki sa harapan ko pero nakalapit na sakin ang tinawag kong babae.
Nang nakalapit na ang babae samin, agad kong tinanong kung alam ba nya ang cellphone. Umiling ito at nagmadaling umalis. Nakakunot na ang kilay ko at nagtataka sa nangyayari. Edi kung hindi nila alam toh.
May kinuha ulit ako sa bag at kinuha nalang ang delight at pinakita sa kanya
"Ito!! Alam mo toh?!" Ini-scan muna nya ang nasa kamay ko at umiling sya. Shocks! Favorite ko toh tapos hindi nya alam.
Edi kung hindi ako nasa future at wala pang magagarang gadgets dito. At may super powers daw si Kuya na tubig.
"Nasa ibang dimension kaya ako?" Tanong ko sa sarili. Pwede din, o nasa ibang mundo ako.
Inisip ko ang lahat ng nangyari na naganap kahapon pati ngayon. Simula nung kay Lola hanggang sa lalaking ito. Naisip ko na ng lubusan.
"Binibini?"
"Eh ikaw?! Bakit tagalog ang salita mo ngayon?! Bakit hindi english?" Biglang tanong ko sa kanya.
"Inglish?" Agad akong tumango-tango.
"Hindi ko man alam ang ibig sabihin nun pero tagalog ang lenggwahe namin. Mukhang nawawala ka ata binibini. Gusto mo ihatid kita sa Land of Dragon dahil mukhang wala kang kapangyarihan" Mahaba nitong saad at inisip ko kung ano ang Land of Dragon na sinasabi nito. Syempre, Land yun ng mga Dragon. Dragon ako? Magpapakalogic na lang ako para magets ko yung pinagsasabi nila
"Anong Land pala ito?"
"Land of Water ito Binibini. Lahat ng kapangyarihan namin dito sa isla ay tubig,yelo at meron ding liwanag. Pero ang aming kapangyarihan ay mahina lang at katamtaman dahil ang may pinakamalakas na kapangyarihan na meron nito ay yung hari at prinsipe namin" Mahabang paliwanag nito.
"Nakikita mo ba yun?" May tinuro ito sa likuran ko at dagat ito
"Ang prinsipe namin ang nagawa ng karagatan na yan. Dyan din kami nangingisda at nakuha ng tubig pangtanim sa mga palay namin"
Prinsipe? May Prinsipe sila dito. Malaki na rin yung dagat na nakikita ko kaya mukhang malakas talaga ang Prinsipe. Paano kaya nila nalagyan ng isda ang tubig nila? Nangingisda daw sila.
"Binibini, kung gusto mo ay magusao tayo sa kabahayan ko at nainit na ang panahon"
"Sige, pasok tayo" Excited kong sagot dito at ayan na ulit ang tawa nya na mahimbing
Lumakad na sya at sinundan ko ang likod nito. Medyo naguguluhan ako kung bakit lubhang tagalog ang language nila. Edi kung walang cellphone sa lugar na toh. Edi wala ding charger. Patay
Tapos yung mga tao, pinagtitinginan na ko dahil sa suot kong pangrock star. Nakarip jeans kasi ako tapos black na suot na may rock&roll sa likod na design. Sino namang hindi pagtitinginan kung nasa ibang mundo ka tapos naiiba ang suot mo sa kanila, kasi yun yung mangyayari sakin ngayon. Tumatalino ako sa mga pangyayari ngayon kahit hindi ko pa makapaniwala
Mukhang nasa bahay na kami ng lalaki. Napatingin ako sa kahoy na bahay na kulay mahogany at masasabi kong ang linis ng labas nila. Tumigil kasi sya sa paglalakad kaya hindi pa ko nakakapasok
"Bago ka pala pumasok" Tumingin sya sakin at tiningnan ako sa mata. Sorry, hindi mo ako maaakit sa blue mong mata tapos yung kulay yellow nyang buhok tapos pale na mukha at skin. Hindi talaga nakakaakit.
"Ang tagal na nating naguusap pero hindi ko pa alam ang pangalan mo. Pwede ko bang matanong?" Tsk. Chickboy din pala si Waterboy. Sabihin ko na ba?
"Zera" Sabi ko ng matipi at nakipaghand-shake sa kanya at tinanggap nya ito, buti alam nya ang handshake.
"Hannie. Hannie ang pangalan ko" Saad nito. Ang cute pala ng pangalan. Ibang world nga pala ito kaya wala ditong marupok. Slight lang ako. Kapag nauso dito yung word na marupok. Katapusan ko na.
"Pasok na tayo" Pinakita nya sakin ang kahulugan ng bahay nya. Maganda at malinis naman. May nalutang pa nga na tubig na may isda sa loob, partida wala pa syang salamin, creative.
"Upo ka na. Tingnan mo yang kamay mo kung gaano na kapayat. Hindi ka nakain ng tama" Bumuntong-hininga sya bago pumasok ata sa kusina. Payat din naman sya ah. Dapat kumain din sga ng madami.
Lumabas na sya ng may isang malaking isdang luto at hinati nya ito sa gitna tsaka ngiting binigay sakin. Kinuha ko naman ang isda at tinikman. Ang sarap. Iba ang lasa nya katumbas sa isda sa pilipinas. Ang fresh kasi tikman pati mainit. Kinain ko naman yun ng kinain at nahalata kong nakatingin pala sya sakin.
Palihim nanaman syang natawa at natigilan ako sa ginagawa ko at pekeng umubo
"So, anong pangalan ng world na toh?"
"World?"
"Ay mundo pala. Anong pangalan ng mundong ito?" Nagtaka pa lalo ang mukha nya
"Hindi ko man ulit maintindihan ang sinasabi mo pero nasa Sabattah ka ngayon"
"Sabattah. Apelyido ko yun ah" Mahina kong sabi pero hindi nya yun narinig kaya nagtanong sya kung ano yun at umiling lang ako
"Listen. Kailangan kong umalis dito. Hindi dito ang mundo ko at nagkamali si Lola sa pagpunta sakin sa lugar nato!" Sigaw ko. Kailangan ko ng plano pero konti palang ang impormasyon ko. May itatanong sana si Hannie sakin pero inunahan ko sya
"Ilang Land ang nandito sa Sabattah?!"
"Bali may pito ditong isla at may pitong prinsipe na nagmumunkahi sa Sabattah" Kailangan ko nang magkilos at maglalakbay pa ko. Pero saan ako maglalakbay?
Ang una kong naisip ay hanapin si Lola. Pero nasan na sya ngayon? Napaisip ulit ako
Sundan ko ba ulit ang moon. Pero dahil Land ito ng tubig at isla daw ito, medyo sorrounded ito ng dagat. Pati mukhang malaki talaga itong isla kasi dapat nakikita ko na yung ibang Land at easy na makakatawid pero dedma, malayo talaga.
"Edi kung napadpad ka dito at taga ibang mundo ka. Ang kapangyarihan lang ng Time ang makakagawa nan"
"Time?" May kapangyarihan din pala sila ng Time, at isa din itong isla.
"Ang ibang tao sa Land of Time ay may limitasyon lang pumunta sa ibang Land at hindi nakakarating sa ibang mundo. Tanging ang prinsipe lang ng Time ang pwedeng makapunta sa ibang mundo kasi lubha ang lakas nito sa kapangyarihan"
"Kung sa ganun. Sino ang nagdala sayo rito?" Tanong nya sakin at hindi ko na naisagot si Hannie at malalim na nag-isip. Kung si Prinsipe ng oras lang ang makakabalik sakin sa mundo ko ay sya lang talaga ang kailangan ko sa ngayon
"Hannie. Samahan mo ako!" Tumingin naman sya sakin ng masinsinan
"Saan?"
"Maglalakbay tayo. Pupuntahan natin kung nasan yung prinsipe ng oras. Kailangan kong makabalik"
"Prinsipe ng oras? Prinsipe Clark"
"Clark ba ang pangalan nya. Katumbas sya ng clock" Sabi ko ng mahina ulit at kahit yun ay napapadaan nadin sa utak ko. Buti at nagana ang utak ko ngayon.
"Ang pagkakaalam ko. Nasa palasyo lahat ng prinsipe dahil paguusapan nila yung tungkol sa nawawalang prinsesa"
"Nawawalang Prinsesa?"
"Oo, may nawawalang Prinsesa kasi na hinahanap namin sa loob ng labing-siyam na taon. Ito ang nawawalang Prinsesa ng Sabattah at halos lahat ng tao ay magkamda-ugaga nang hanapin ang Prinsesa"
"Edi sa Castle ang punta natin ngayon?"
"Ano yung Castle? Sa palasyo tayo dederetso pero dadaan muna tayo sa Land of Darkness at Land of Dragons" Paliwanag nya. Hinawakan ko ang dalawang kamay nya at mariing pinisil ito
"Maari mo ba kong samahan?" Nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Nagblink-blink pa ko para maawa na sya sakin pero mukhang hindi nya alam kung anong ginagawa ko
"May maganda ka bang idadahilan para sumama ako sayo?" sabi nya at napangiti naman ako dun, may bigla akong kinuha sa bag.
"Ano yan?"
"Chocolate. Flat tops tawag dyan"
"Plattaps? Kinakain nyo ba ito sa mundo nyo?"
"Oo. Masarap yan at nakakagising sayo. Magkakaenergy ka kasi" sabi ko at kinain naman nya yung chocolate habang may balat pa ito. Pinaalis ko muna sa bibig yung chocolate at ako na nagbalat at nagsubo sa kanya.
"Hmm" Nginuya nya ito at grabe nalang ang laki ng mata nya sa gulat. Ngayon lang ata sya nakatikim ng matamis
"A-anong klaseng panglalasa toh?" Tanong nya habang nanguya pa.
"Tamis ang tawag sa lasa. Matamis"
"A-ang tamis" Sabi pa nito at mukhang napatigil na sya sa pag-nguya kasi wala ng chocolate sa bibig nya. Luminga naman sya sa bag ko bago sakin.
"Meron ka pa ba?" Tanong nito at napatawa. Binigyan ko pa sya ng dalawa at naging masaya naman ang ekspresyon nya at tinuruan ko pang magbukas ng balat ang loko. Naghahumming pa ito habang nakapikit ang matang nanguya. Ako naman itong palihim na natawa pa.
"So, papayag ka nang samahan ako?"
"Hmmm, wala naman akong gagawin na iba kaya sige nalang"
"Yess!!!" Itinaas ko ang kamay ko sa appear pero tumingin lang sya sa kamay. Kaya hinawakan ko ang kamay nya at pinagsama ang dalawang palad namin bago ngumiti sa isa't isa
"Kapag nasaksihan natin ang pagbabalik ko sa mundo. Dadalhin din kita para makatikim ka ng mga pagkain namin. Sa ngayon, magimpake ka na, Hannie. Malayo pa ata ang lalakbayin" Napatawa naman sya at lumakad papunta sa kwarto nya at naghanda na siguro ng damit.
Nasa mesa lang ako at hinihintay syang matapos, nang lumabas sya sa kwarto nya na may dalang coat na dalawa na magkaiba ng kulay. Yung isa kulay itim at yung isa naman ay mahogany. Kinuha ko iyun at ini-scan ng mata ko.
"Para saan ito?"
"Panaklob natin yan. Isusuot natin yung itim kapag nasa Land of Darkness tayo. Hindi pwede tayo magpahuli sa kanila, baka may mangyari satin. At yung dilaw naman ay para sa Land of Dragon. Bawal maitim na kulay dun dahil baka makakuha ng atensyon" sabi nya. Nakita ko pang sinukbit nito ang bag nya at napangiti ako. Sasama talaga sya kahit kakakilala lang namin.
"Tara na?" Tanong nya
"Arat na!" Sabi ko habang natawa. Sya naman itong nagtataka kung bakit arat na yung sinabi ko. Kaya inexplain ko. Napatawa naman sya
Land of Darkness? Ano kayang klaseng kapangyarihan ang nandun?
Sayang hindi kami pupunta sa Land of Fire. Yun yung gusto kong makita
Sinabi kasi sakin ni Hannie ang lahat ng Land na nandito. Land of Time, Fire, Love or Wind, Water or Ice, Dragon, Poison, and Land of Darkness. Iyun ang pitong Land na namamahagi sa Sabattah at ang Sabattah ang may-ari ng lahat nang isla
Pumunta na kami ni Hannie sa dagat at kumuha sya ng boat, gamit ang pagwave ng boat papunta samin at kinuha yun ni Hannie
"Sumakay ka na, Binibini"
"Zera ang pangalan ko" Sabi ko at ako na ang sumakay sa sarili ko sa boat.
Nang makasakay na rin si Hannie. Hinanap ko yung pang row ng boat pero biglang umilaw naman ang kamay ni Hannie at nagstart nang gumalaw yung boat
"Woah" Sabi ko habang nakatitig sa kamay nitong nailaw. Tiningnan ko ang palad ko. Hoy, magkapawers ka rin sana.
Bigla namang bumilis ang takbo ni Hannie dahil may alon na papunta. Muntikan na kaming magflip sa dagat pero buhay pa naman kami. Naagapan ito ni Hannie at napahawak na ko ng mabuti sa boat
"H-hindi mo ba kayang kontrolin yung dagat?"
"Ang prinsipe lang ang nagkokontrol nito. Kung ano ang kalagayan ng Prinsipe ay ayun ang magiging kontrol ng dagat. Mukhang sa ngayon ay naiinis ang kalagayan nya dahil nasa palasyo ito" Napatingin ako sa dagat na madaming alon ang nadating. Hindi ata sya naiinis, galit na ata ito.
Siguro magkakilala si Hannie at ang Prinsipe ng tubig. O sadyang alam na talaga nila kung anong pinagdadaanan ng prinsipe dahil sa dagat na nagawa nya. Bahala na si Batman, ang lakas talaga ang alon.
Nang natatanaw na namin yung Land of Darkness. Makikita rito na sobrang dilim talaga ng paligid at ang tahimik pa
"Laging gabi sa village nila at kapag alam nilang umaga sa ibang village, natutulog sila. At kapag naman gabi, gising sila. Paumaga na ngayon kaya matutulog na ang mga tao" sabi nya at bumaba na kami sa boat
"Nagugutom na ko. Nagugutom ka na din diba?" Kontra ko sa kanya pero umiling-iling lang sya. Lumapit sya sa dagat at sa isang iglap ay may hawak na syang isda, napalaki naman ang mata ko.
"Parang magic talaga ang ginagawa mo" Mangha kong sabi sa kanya. Hindi parin ako masasanay na makakita pa ng ibang mga magic.
"Magic? Kapangyarihan ito binibini" Sabi nya at nilapit sakin ang isda
"Paano natin ito kakainin? Wala tayong apoy para maluto ito" Sabi nya at napabuntong hininga. May kinuha nalang ako sa bag
"Supsupin mo toh. Di mo mahahalata na nagugutom ka. Ganun kasi sakin kapag kinakain ko toh" sabi ko at binalatan yung lollipop para sa kanya. Sinubo ko yun sa bunganga ni Hannie at sinupsop naman nya yun. Lumaki nanaman ang mata nya. Naway ang ngipin mo ay maging maayos parin hanggang sa pag-alis ko dito sa Sabattah.
"Ano bang meron sa bagay na yan at ang daming matatamis na pagkain" Sabi nya na ang bag ko ang tinutukoy. Napatawa nalang ako.
"Kalasa nito ang binigay mo sakin kanina. Paano kaya ito nagagawa ng mga tao sa inyo?"
"Chocolate flavor yan. Sa totoo lang hindi ko din alam" sabi ko at sumubo na din ng lollipop
"Mukhang masasarap nga ang pagkain sa mundo nyo. Di na ko makapaghintay at maglakbay din sa inyo. Ano kayang klaseng kapangyarihan ang meron doon?"
"Candy lang yan. Yaan mo, dadalhin naman kita dun. Makikita mo din yung magagandang tanawin samin. Pati wala kaming kapangyarihan kaya sariling sikap lang"
"Ilagay mo na yung panaklob mo. Dapat hindi talaga tayo maingay para makatawid man lang" sabi nya at sinuot na namin yung coat, ng may nahalata ako sa buhok nya
"Bakit nailaw ang buhok mo pati color blue? Diba yellow ang buhok mo kanina?"
"Blue? Pinailaw ko ito kasi kaya namin itong gawin ng mga tao samin. Pati kailangan din natin ng konting ilaw. Wala ba kayo nito?" Sabi nya
"Wala. Pero may Flashlight akong dala" sabi ko at nilabas sa bag ang flashlight
"Ano yang munting bagay na yan?" Sabi nya habang tinitingnan ang flashlight. Napailing nalang ako
"Arat na" Tahimik na kaming naglalakad at sadyang sobrang dilim talaga ng paligid. Isang ingay mo lang ata, bawas buhay ka na.
Nang may narinig kaming nagcreak sound sa likod. Naalarma naman kami at tumingin kung san nanggaling yun. Pero wala kaming nakitang tao at tanging dilim lang. Hanggang sa may kumalabog na talaga ng malakas sa gilid namin at tinapat ko ang flashlight dun
"Sino yan?!" Sabi ni Hannie ng pasigaw ng makita na namin kung sino yun. Isa syang bata na pula ang mata at itim lahat ng suot nya. Pati ang buhok nitong nakaharang sa mukha nya ay black rin at masasabi kong nakangisi pa sya habang nakakatakot ang vibe.
"Inay... Matutulog na ba tayo?" Sabi ng bata habang nakatingin pa sakin pero sa isang iglap, malapit na sya samin at maraang nakatitig pa. Nagulat naman ako at napaatras ng wala sa oras.
"Inay... Nahanap na sya" Sabi nito ng pabulong at biglang tumakbo palayo. Tinitigan lang namin ang presensya nito hanggang sa may parang yelo na tatama sana sa gilid ng mukha ko pero nahulog ito, kagagawan yun ni Hannie.
At ng tingnan ko ang yelo, may kutsilyo ito na nakatusok na galing ata sa mga tao dito. Hanggang sa nakita kong may mga nagliliparan ng kutsilyo sa paligid
"Zera! Tumakbo ka na!!"