Chapter 3

2256 Words
Chapter 3: Land of Dragon "Zera! Tumakbo ka na!!" Agad kaming kumaripas ng takbo ni Hannie habang sya ay patuloy parin sa pagshield nito ng mga talim. Hanggang sa napatigil kami sa pagtakbo dahil may batang humarang sa unahan namin. Ang batang ito ay yung kumausap samin kanina at gaya din ng kanina, nakangisi parin ito. "Saan kayo pupunta? Iiwan mo kami" Unti-unting lumapit samin ang bata at sa isang iglap ulit ay malapit na nyang hawakan ako gamit ang hintuturo nya. "Wag kang magpapahawak, maiimpeksyon ka!!" Ani ni Hannie at agad akong umatras Ngayon ay nasa likod na ko ni Hannie at may patalim din syang gawa sa yelo. Pero ang bata na kanina pa namin tinitingnan ay may kinukuha sa bulsa ng kung ano, hanggang sa naglabas na din sya ng patalim at agad na tumakbo samin ng mabilis Pero parang the flash ang nangyari, nang papalapit na ang bata. May bigla kaming naramdaman na yumakap sa likod ko at next thing na nangyari ay nahihilo na ulit ako. Yung hilo na nafeel ko nung time na hinawakan ko ang kamay ni Lola. It feels like de javu. Ililipat nanaman ba ko sa ibang mundo? Nalipat nga kami sa ibang lugar at agad kaming napagulong sa kung saan. This time, hindi na sya masyadong madilim. Maliwanag na ang lahat at sariwa ang hangin "A-ah" Hinawakan ko ang ulo dahil sa pagkahilo ko. Ang hilo na nanggaling dahil sa pagikot at paglipat ng lugar. Nakakahilo pala ang teleport. Tumingin ako sa paligid. Siguro ibang isla na ito. Kung titingnan ang kasarian ay para ka lang nasa bilog ng mga puno pero malawak at nasa gitna pa ata kami, nakaupo ako sa halaman na masarap sa pakiramdam at masimoy ang hangin. Agad kong hinanap kung nasan si Hannie at nakatayo na pala sya Napasama ako ng tingin ng makita ko si Hannie,  may hawak itong yelo na ispada at matirik na tinututok ito sa isang tao na nakacoat din. Pinanood ko silang maglaban ng masamang titigan at walang may gustong magsalita sa kanila. "Sino ka?! Ibaba mo yang taklob mo!" Sigaw ni Hannie sa nakacoat. Nagaalinlangan pa itong sunurin si Hannie pero tinanggal din naman nya ang taklob sa mukha, at agad na napaawang ang labi ko Isang magandang babae ito. Hindi ko matigilang titigan ang maganda nyang kinis at pambabae nitong mukha sa ilalim ng black coat na suot nya. Bigla pa kaming nagtama ng tingin at naalinlangan ako sa cold stare nya Pero sa hindi inaasahang palad, lumapit sya sakin, tinitigan nya ulit ako at bigla itong lumuhod sa harapan ko, ilang segundo pa ng marealize ko ang ginawa nya "A-ate--" "Prinsesa" Isang salita, isang salita ang nakapagpatigil ng isipan ko sa di kaalamang rason, ano ulit ang sinabi nya, Prinsesa? "Maligayang pagbabalik. Prinsesa Zera" "P-prinsesa??" Kunot na tanong ko sa kawalan "A-ate. N-nagkakamali po ata kayo--" "Ikaw po ang tamang tao na napuntahan ko, Prinsesa Zera" Napaawang ang labi ko, alam nya ang pangalan ko Prinsesa? ako? Bakit ako magiging Prinsesa? Alam kong sa ibang mundo ako nakatira at hindi ako nanggagaling dito, pero bakit nya ko tinawag na prinsesa at alam nya ang pangalan ko Nang tingnan ko si Hannie para tingnan ang reaksyon nya, naatras na ito at nakabagsak na din ang panga habang nakatingin sa nakaluhod sakin. Naniwala ba sya? Hindi! Hindi ako yung prinsesa. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang braso nya "Hannie, wag kang magpapauto sa kanya at maniwala ka sakin! Hindi ko alam ang pinagsasabi nya!! Maski kung san ako Prinsesa ay hindi ko din alam!! Alam mo na sa ibang mundo ako diba?! Na aksidenteng napunta lang ako dito tapos hindi ako pamilyar dito!!" "P-pero--" "Tapos pupunta pa tayo sa mundo ko! Igagala pa kita, papakita ko sayo ang magandang tanawin at mga pagkain na hindi mo pa natitikman! Pangako ko sayo yun sayo Hannie na ipupunta kita dun at hindi ko yun sisirain para lang sa uto" Mahaba kong sabi at napatawa sya ng mahina at unti-unting tumango ng mabagal. I feel relieve, akala ko maniniwala na sya at lalayuan ako. Pagkatapos ng konting pag-uusap namin na yun ay tumingin na kami sa babae na nanonood pala samin. May espada nanamang ginawa si Hannie at tinutok nya ito sa babae. "Hindi sya yung hinahanap nyong Prinsesa ng Sabattah dahil ayun lang naman ang nawawalang prinsesa dito! May sarili kaming paglalakbay ng inaakala nyong nahanap nyo na kaya umalis ka na!" Hindi nya pinansin ang sinabi ni Hannie at bumuntong-hininga na tumingin sakin "Ang matandang babae na nagpunta sayo rito ay maraang nakakulong sa palasyo dahil tinago ka nya sa ibang mundo na pinaglakihan mo naman. "Matanda? S-si Lola?!" Gulat kong tanong dito "Prinsesa, madami nang naghahanap sa iyo sa palasyo, kailangan nyo nyang pumunta--" "Bakit nyo kinulong si Lola!! Wala syang ginawang masama pero kinulong nyo sya--" "Prinsesa, tinago ka nya sa higit na labing-siyam na taon na kailangan ay namumuno ka na sa palasyo, kung gusto nyo po sya makita ay sumama kayo sakin at ipupunta kita sa palasyo" "Sige! Dalhin nyo ko sa palasyo, basta't ayoko na matawag na Prinsesa nyo" Sassy kong sabi pero bumuntong-hininga nalang ang babae at tumalikod na para maglakad Bigla kong natandaan si Lola, baliw ba sila para ikulong si Lola dahil lang sa nagawa nya ng labing-siyam na taon. May katandaan na si Lola at kapag hindi sya nakakahinga ng maayos dun, sasakalin ko yung kumulong sa kanya. Bigla tuloy umakyat ang galit na nararamdaman ko sa ulo. "Makinig ka nang mabuti sa sasabihin ko, Zera" Bulong ni Hannie habang naglalakad kami "Ang pitong Prinsipe na makikita mo dun ay may pakay sayo para maging susunod na hari ng Sabattah--" "Hindi ako yung Prinsesa!" "Basta't makisabay ka muna sa ngayon, pero babantaan na kita na hindi magiging maganda ang makikita mong kapangyarihan kapag nandun na tayo" "Sobrang lakas ba nila?" "Mas malakas pa sila sa inaakala mo--" "Edi wala na kong magagawa, pipili ako ng Prinsipe dahil yun yung gusto nila diba? Tatakas tayo sa gabi tapos pupunta tayo sa ilalim ng buwan" "Kapag nagpatuloy pa ang plano mo na bumalik man sa mundo mo. Mas magkakagulo lahat Prinsesa--" "Paumahin sa paguusap nyo pero sino itong ginoo na ito para sumama satin papunta sa palasyo?" "Hoy--" "Sya na ang magiging guwardiya ko simula ngayon. Gusto ko na nasa tabi ko lang sya hangga't nandito ako sa mundong ito" Saad ko na nagpatigil sa sasabihin ni Hannie, agad na syang tumalikod at naglakad ulit. Napatingin ako sa kanya "Siguro naman, hindi ka nila sasaktan kapag nasa tabi kita" "Ikaw pa ata ang poprotektahan ko" Ani nito at naglakad na, sumunod ako sa kanya "Nga pala Hannie, di ko natanong kung nasan yung magulang mo. Bigla ka kasing pumayag na sumama sa paglalakbay ko" "Magulang ko? Ang inay ko ay sumakabilang buhay na habang ang itay ko ay nasa ibang pamilya" "Condolence pala sa nanay mo. Pero yung tatay mo ay may ibang pamilya na?" "Nagbighani si Itay sa isang tauhan ng isla ng pag-ibig kaya nandun na sya. Pati ano yung Kondolens?" "Isla ng Pag-ibig, kung may isla ng pag-ibig. May prinsipe din ng pag-ibig" "Oo naman, isang tingin mo lang ata sa kanya ay mabibighani ka na kagaya ng ibang tao na natingin rito. Kaya wag kang magpapauto sa mukha nito dahil malalagot ka lang" Sobrang gwapo siguro nung Prinsipe na yun para mapabighani ang ibang tao sa mukha nya. Syempre sya ang Prinsipe ng pag-ibig kaya normal lang na gwapo ito, yung utak ko nanghihina na. Dahil wala akong magawa sa buhay at ako ay naboboring na, pumunta ako sa seryosong magandang babae at agad na ginulo sya "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo, binibini?" Masaya kong tanong sa kanya "Y-yoda. Yoda ang aking pangalan" "Yoda. Cute ng pangalan para sa warrior na katulad mo" Sabi ko at napaiwas naman sya ng tingin. Naintindihan ba nya kung ano yung warrior? "Nandito na tayo sa Land of Dragon, Prinsesa" Ani Yoda at nang buksan nya ang parang kurtina na halaman ay napanganga nalang ako sa nakita ko Ang ganda. Ang ganda ng land na ito. Makikita mo ang mga nagliliparang magagandang dragon habang nakasakay ang mga tao dito. Tapos yung mga itlog na nakakalat sa paligid habang yung mga tao ay hinihintay atang maghatch ito. Yung isang bata parang tinetrain pa ang dragon na maliit, napangiti ako kasi ang cute nilang tingnan. "Kaya mo yan Dragie! Makakalabas ka din ng apoy sa bunganga mo!!" sabi pa ng bata at niyakap nito ang dragon nya "Para syang Pokemon na How to train your dragon" Komento ko habang tinitingnan pa ang ibang kalooban ng isla. "Maganda ba Prinsesa?" "Prinsesa ka dyan" Sinuntok ko ang braso ni Hannie sa tanong nito, napatawa naman sya. "P-prinsesa. May kailangan pa pala akong malaman muna dito sa village bago pumunta sa palasyo--" "Ayos lang. Gusto rin namin magala dito ni Hannie. Mukhang maganda kasi yung isla" sabi ko at agad na tumango si Yoda "Kung sa ganun. Sumama muna kayo sakin" Sabi nya at naglakad na. Habang nadaan kami sa kabayahan, may mga ngiti sa labi ang mga tao pati yung iba ay nakikipaglaro sa nga dragon nila, ngumiti sila nung dumaan ako kaya napapangiti din ako Pumunta kami sa isang malaking bahay. Pagpasok dun may nakita kaming mga batang nagaabang maghatch din yung itlog. Naghihintay sila dun kasi nagsisimula ng magcrack yung eggshell nya 'Kapag una syang pumunta sakin. Pagmamay-ari ko na yan' 'Sana Apoy ang binubuga nya' 'Wag kayong maingay, lalabas na ito' Sari-saring mga ingay ang naririnig ko sa kanila. Napangiti nalang ako dahil sa kacutan nila nung hindi na sila nag-ingay "Dito tayo prinsesa" Ani Yoda at napalakad na ulit ako, may nakita kaming matanda na nakaupo sa isang mesa. Akmang tatayu ito pero naalarma ako sa gagawin nya kaya pinaupo ko ulit sya. Mukha kasing yuyuko din sakin si Lola. "P-prinsesa" Sabi nya at yumuko parin ng konti, napabuntong-hininga ako. "Upo na po kayo nay" Sabi ko at tinulungan umupo si lola "Isa daw po kayong magaling na manghuhula.  Nandito po kami para ipatingin ang kalagayan ng prinsesa sa mga magdadaan na araw" Ani Yoda. Tiningnan ako ng masinsinan ni Lola at ngumiti ito. Nahulaan nya agad yung future ko? "Madaming pagsubok ang dadaanin mo apo, dahil madami kang masasaksihan na kasiyahan at kalungkutan. Pero sa huli ay--" "Ano po yun Lola?" Tanong ni Yoda, bakit ako medyo kinabahan "Sa huli ay masasaktan ka lang pero sa pinakadulo ay masasaksihan mo na ang lahat. Mabilis ang oras mo Zera, kaya lagi kang mag-iingat" "Sa ngayon ay nalilito ka pa sa nangyayari pero makakaahon ka din, pakalakas ka lang Prinsesa" Ani Lola at ngumiti sakin. Sabi ni Yoda ay pwede na daw akong magala kaya agad kong pinuntahan si Hannie na pinapanood ang mga bata. Napangiti ako at tumabi ng upo kay Hannie "Hindi parin ba nalabas yung dragon?" "Hindi pa daw, pero malapit na" Ani ni Hannie at nagfocus ulit sa dragon "Hannie, pwede mo bang ikwento sakin yung tungkol sa Sabattah. Sa totoo lang, wala akong magets sa lahat eh" Sabi ko pa habang nakapout. Agad itong napatingin sakin at umiling-iling "Sisimulan ko sa pinakauna, Sabattah ang tawag kapag pinagsama-sama mo ang lahat ng isla. Sa Sabattah, may hari at reyna na namamahala sa lahat. Ang patuloy ng paghahari sa henerasyon nang henerasyon ay biglang natigil ng hindi nakapag-asawa ang huling hari at namatay sa sakit" "Pero sa isang araw ay may pumasok na buntis sa palasyo at anak daw ng hari ang dinadala nito. Sa una ay nagtaka ang lahat kaya pinakulong ang babae pero nung nanganak na ito. Tsaka lang naniwala sila dahil kamukha ito ng hari. Pero nang mag-isang taon na ang prinsesa. Dun na nawala ito at pinaghahanap sa buong Sabattah. Kahit sa iba't ibang mundo ay hinanap rin ang Prinsesa kaya nagtagal ito ng labing siyam na taon ang paghahanap" "L-labing siyam.." kung labing siyam ang taon na nawala sya at nawala ito nung isang taon lang ay ibig sabihin ay 20 na sya ngayon. Nakakakaba, 20 years old na din ako 'Nakalabas na syaa!!' 'Ang ganda nya. Kulay berde sya!' 'Sakin sya napunta!! Sakin ito pumunta at yumakap sakin!!' Napatingin ako sa batang yakap yakap na ang bagong dragon na nahatch. Napangiti ako. Ang saya nya nung nakita nito ang dragon at ang biglang pagyakap nito. Ang ibang bata ay nakababa ang balikat at tinanggap nalang na hindi sa kanila napunta ang dragon, masaya ito sa kaibigan nya. "Isa syang Grass Dragon. Hindi sya nagaapoy" sabi ng batang lalaki "Malakas naman ang kamay at buntot nya!" sabi ng babae na pinoprotektahan ang dragon sa bisig nito. "Ikaw po ate, nasan po yung dragon nyo?" Nagtatanong na pala sakin ang bata. "A-ah. Wala pa akong dragon eh" sabi ko at kinamot ang likod ng ulo ko "Naglalakbay ata sya Jian" sabi ng batang lalake "Mga bata. Sya ang Prinsesa ng Sabattah. Nalakbay sya dito para bisitahin ang isla natin" Sabi ng matanda na nakausap namin kanina at napalaki nalang ang mata ko. Lumiwanag naman ang mukha ng mga bata sa narinig nila. "Prinsesa Zera. Ikaw pala yan" sabi ng Jian ata yun at bigla akong niyakap. Kilala nya rin ako? Napangiti ako at niyakap din sya pabalik. "Prinsesa, payakap din po!" "Prinsesa ang bango nyo po" "Prinsesa ang ganda din po ninyo" "Bisita ka pa po samin Prinsesa" sabi ng mga bata at napatawa ako sa mga kinomento nila. Infairness, di pa ako naliligo pero ang bango ko pa daw. "Bibisita ako dito sa susunod" nagsiyehey naman ang mga bata at nagtalunan. Tumawa naman ako sa kacutan nila. "Prinsesa, Gusto ka din daw po makita ni Prinsipe Drack. Sya po ang Prinsipe namin dito sa isla. Namimigay po sya ng manok samin pati prutas" "Prinsipe Drack?" "Opo. Napakabait po nyang Prinsipe. Diba?" sabi ng isang bata at tumango tango yung iba Prinsipe Drack? Sya ba ang namamahala ditong prinsipe? Ang bait nya siguro para magkaroon ng mga taong mababait rin. Si Prinsipe Drack nang isla ng dragon at si Prinsipe Amor naman sa pag-ibig. Sino kaya sa iba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD