Julianna's P.O.V. Papunta ako sa malal ngayon. Akong mag isa at ginamit ko ang aking sasakyan. Wala kasing magawa at gusto kong magliwaliw kaysa naman mabaliw doon sa aking condo unit. Walang traho dahil busy si Sir Oswell sa pag aasikaso sa kakabalik lang niya girlfriend. Base sa mga narinig ko sa ibang nagtatrabaho roon aynag away ang mga ito at naisipan ng babae na hiwalayan siya at lumayo. Hindi ko mayaya si Danleigh dahil may meeting daw ito ngayon. May mahalagang pag uusapan. Siguro ay tungkol doon sa bagong project na i lalaunch ng kumpaniya niya. Si Jana rin ay hindi mahagilap. Kasama siguro si Jeremiah at baka mayroong date ang dalawa. Pumasok ako sa Gerry's grill at umupo na doon. Nag order ako ng crispy bulalo at sizzling sisig. Bigla kasi akong natakam sa ganoong pagkain.

