Danleigh's P.O.V. Nandito ako ngayon sa condo ko. Gabi na at kasama ko ang aking nobya. Lasing na lasing siya kung ano ano ang mga pinagsasabi na hindi ko naman maintindihan kung saan niya hinuhugot. Ikinulong niya sa mga palad niya ang aking mukha. "Promise me that you will never leave me," she said. Pinilit niya pang abutin ang aking labi at hinalikan ako roon. Magkadikit lamang ang mga labi namin at hindi gumagalaw. Hinwalay ko siya ng kaunti sa akin. Tumango ako sa kaniyang sinabi. "Hinding hindi," seryosong saad ko. Bakit ko naman siya iiwan kung mahal na mahal ko siya. Sa kaniya ko naunang naramdaman ang ganitong pakiramdam at hindi ko na siya papakawalan pa. Ayaw ko lang madilihin ang mga bagay. Kung ako lang ang masusunod ay luluhod na agad ako sa kaniyang harapan at aalukin

