Julianna's P.O.V.
Nasa condo na ako. Magkatabi kaming naka upo ni Jana sa sofa.
"Magkwento ka na nga. Kanina pa kita pinipilit eh," reklamo niya sa akin. Pinisil pisil niya ba ang aking braso na tila ba doon lalabas ang mga impormasyon na sasabihin ko.
"Oo na, Jana. Bastat tigilan mo na ang pagpisil mo sa akin at baka magmarka pa iyan. Masakit pa naman," pagsuko ko na sa kaniya. Ang kukit naman kasi talaga.
Natawa siya. "Start to talk about your love life now," she demanded.
"What? I don't even have a love life, remember?" I said. Hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. Ano naman ang ikukwento ko tungkol doon diba.
"Hindi ba sabi mo ay gusto ko iyong lalaki sa opisina niyo. Ikuwento mo na sa akin ang pag usad noon. Now na," mabilis niyang talak. Gusto ng malaman kaagad ang aking love life na hindi naman talaga nag e-exist.
I just sighed and start to talk. "First of all ay nalaman ko na ang pangalan niya. Ken Enriquez."
"Ang cool namang ng name. Pag hottie, Sissy," she commented. "Mukhang pamilyar din ang pangalan. Hindi ba't na cocover din iyan sa magazine dahil isa rin sa mga mayayaman," she said. Nakatingin pa siya sa taas at pilit na nangangapkap ng impormasyon doon.
"Talaga? I don't really know about that," I said. "Anyway, kagabi ay nay bag text sa akin. Nagpakilala siya na siya ang naka usap ko sa office ni Sir Danleigh. Hindi agad ako naniwala at napagtanto na tama nga siya ng personal na siyang magpakilala sa akin."
Napasabunit namab siya ng kaunti sa akin. "Grabe. Ikaw na talaga," kinikilig niyang sambit.
"He even called me babe earlier," kinikilig ko na ring saad. Nang maalala ko iyon ay napangiti ako ng malaki.
"Talaga nga namang sinuswerte ka na sa love life mo! Sana all talaga."
Wagas naman kung maka sana all ito. Eh meron naman siya Jeremiah na gustong gusto niya.
Ewan ko ba sa kaniya kung bakit hindi niya pa ito sinasagot. Matagal tagal na rin kasi itong nanliligaw sa kaniya.
----
Nandito na ako sa opisina. Maaga akong punasok para agad na maasikaso ang lahat ng pinapagawa ni sir Danleigh. Kanina pa ako rito at nararamdaman ko na rin ang gutom. Oras na rin kasi ng kainan.
"Mag lunch kana," saad ng kakalabas lang na si sir.
Piniling ko naman ang ulo ko. "Mamaya na lang, Sir. Hindi pa rin naman ako nagugutom at tatapusin ko na muna ito," pagsisinungaling ko sa kaniya.
Lumapit siya sa akin at tumingin ng seryoso. "Mamaya na iyan. Sabay na tayong kumain," utos niya.
Wala na akong nagawa kung hindi pumayag. "Sige po, Sir," saad ko at inayos ang aking buhok bago tumayo at sumama sa kaniya.
Nakadating kami sa isang Chinese restaurant malapit lang naman sa building ng kumpanya ni Sir Danleigh. Ni Mr. Padilla.
"Ano pong order niyo?" nakangiting tanong ng waitress sa amin.
"Kimchi and tempura for me," he said. Bumaling siya sa akin. "What about you Julianna?" he asked.
"Hmm, katulad nalang ng sa inyo," sagot ko.
Umalis na ang waitress.
"Do you like Ken?" biglaan niyang tanong. Hindi man lang siya nagsabi na magtatanong siya sa akin. At iyon pa talaga ang naisipan niyang itanong.
Napa ubo naman ako ng kaunti. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "Sir kasi ano po---"
Hindi na iyon natuloy ng dumating ang waitress. Ang bilis naman pala ng service nila rito.
"Here's your order, Ma'am, Sir," sabi niya nat nilapag ang mga pagkain sa la mesa.
"Eat well po," saad niya pa bago umalis.
Woah.... Save by the bell.
"Aish. Kumain na nga lang tayo," sabi ni Sir Danleigh.
Nasa opisina na ulit kami. Nasa loob na siya ng kaniyang opisina. Ako naman ay busy na ulit sa aking mga ginagawa.
Mahirap hirap din ang pagiging secretary. Kapag madaming ginagawa ang boss mo pati ikaw madami ka rin gagawin. Nakakangalay rin.
Busy ako sa pagta-type ng kung ano ng maramdaman kong may nakatingin sa akin.
Nakita ko si Sir na naka tayo sa harap ng pintuan ng office niya tapos nakamuwestra ang kanyang kamay habang seryosong nakatingin sa akin.
"May dumi ba ako sa mukha?" mahinang tanong ko sa sarili ko at kinapa kapa ko ang mukha ko. Pero wala naman ah. Bakit ba kasi siya nakatingin sa akin. Nakakailang tuloy.
Baka may gusto siyang sabihin kaya ganoon? Oo. Siguro iyon nga ang dahilan niya.
O baka naman binabantayan niya ako para hindi maging tamad sa pagtatrabaho. Marahil ay iniisip na naman niya na baka nakikipag video call na naman ako.
Ibinalik ko na lang ang pansin ko sa pagta-type. Winalang bahala nalang ang pagmamasid sa akin ng boss ko.
"Busy?" tanong sa akin ni.....
"Mr. Enriquez?"
"Masyado kang pormal. Ken na nga lang ang itawag mo sa akin," sabi ni Ken. Pagkatapos ay sumilay ang pilyong ngiti sa kaniyang labi. "O 'di kaya ay Babe nalang."
Napatingin naman ako kay Danleigh at sa hawak niyang papel na ngayon ay lukot lukot na. Baka importante 'yon. Naku!
"Ken nalang," saad ko. "Bibisita kaba kay Sir?" tanong ko sa kaniya at tumingin sa tao nasakasandal sa pintuan.
Piniling noya ang kaniyang noo. "Nope. Actually I here for you. I just want to see you and talk to you," pag amin niya.
Paniguradong namumula na naman ang mukha ko nito.
"Your face is color red again," saad niya at akma ng hahawakan ako roon. Pero natigil siya ng magsalita si Sir.
"Umuwi ka na muna, Miss Montes," lumaoit ito sa amin. "Namumula ka nga at baka kailangan mo munang magpahinga," he sincerely saidn
Mabilis naman akong napapiling. "Wala naman akong sakit, Sir. Naiinitan lang talaga siguro," pagdadahilan ko.
"Oh, okay," napatango ito. "Go back to your work now," he demanded.
Tumingin muna siya ng matagal sa akin bago bumaling sa aking katabi.
Hinila niya paalis doon si Ken at isinama sa loob ng kaniyang opisina.
Bakit ganoon? Bakit parang may laman ang kaniyang tingin? Bakit parang may gusto itong ipahiwatig.
Bakit ramdam na ramdam ko ang mga talim nito at tila nunot iyon sa akin puso. pumasok iyon roon at dumalayoy. Ano ba itong nararamdaman ko? Ano ba ito at indi ko talaga maipaliwanag?
Sana naman kung ano ang idea na nasa utak ko ay hindi totoo. Ayoko ang idea na iyon at natatakot talaga ako.