Chapter 3: The same

1004 Words
Danleigh's P.O.V. Nandito kami ngayon ni Ken na kaibigan ko sa bar. Nag iinuman. As for me, I already have a girl on my lap. "I like your secretary," bulalas niya. Kaya naman agad akong napabaling sa kaniya. "She's so beautiful," saad pa niya at ininom ang whiskey na kaniyang hawak. Uminom muna ako bago nagsalita. "Anong maganda roon?" tanong ko. Nakakunot ang aking noo. Well Julianna really got the looks. But not my type. "Para siyang anghel," he said. Nakatulala pa sa kawalan at talaga nga yatang iniimagine niya pa ang mukha ng aking sekretarya. "Masayadong conservative. She's not really my type. Hindi ko alam sa'yo at nabibighani ka roon," talak ko. Natawa naman siya. "Hihintayin nalang kita kainin ang mga salita mo," saas niya at tumungga ulit. Tinignan naman ako ng babae na nasa kandungan ko. "Hey, I need to the comfort room," paalam niya. Tumango naman ako. "Bilisan mo, Caramel," I said. Nanlaki naman ang mga mata nito at tumayo sa aking harapan. "Caramel? What do you think of me? A flavor of cake or ice cream? For your information my name is Carmel not Caramel," she said and walked out. Pina ikot niya pa ang kaniyang mga mata. Tumawa naman ng tumawa ang kasama ko. "Caramel my ass," hindi pa rin ito tumigil at lalo lang lumakas ang pagtawa. "I don't really care anyway," saad ko nalang at napangisi. Ako mismo ay natawa rin doon. What can she do if I can't fvcking remember her name. Kinabukasan... Kakalabas ko lang sa elevator at nakita ang secretary ko na naka upo na sa designated niyang lugar. Hawak hawak niya ang kaniyang cell phone at para bang nay kausap siya rito. I slowly walk towards her back. Nay ka video call. "Bakit naman para kang butiki na nangibgisay sa kilig diyan Jana?" pagtatanong niya sa kaniyang kausap. "Ang gwapo naman kasi," pabebe nitong saad at tumuro sa likod. Tinuturo ako. Napatingin naman sa banda ko si Julianna at mabilis niyang pinatay ang kaniyang cell phone. Humarap ulit siya sa akin. "Good morning Mr. Padilla," bati niya. Tumango lang ako sa kaniya. "Oras ng trabaho ay nagsicell phone ka?" dismayado kong tanong at umalis na roon. "Ang sungit naman," bulong niya na narinig ko rin naman. Tumingin ako sa kaniya. "May sinasabi ka ba?" seryoso kong tanong. Napapiling naman siya. "Ang sabi ko po ay magsisimula na ako sa trabaho," umupo na siya at bumaling sa kaniyang computer. Pumasok na ako sa loob ng opisina. Napapapiling na lang sa kaniya. Really Ken? You like that girl? Julianna's P.O.V Ang aga aga ang sungit naman ng lalaking iyon. Hindi siguro naka score kagabi sa babae niya. Ang gwapo gwapo pa naman sana niya. May sinabi ba akong gwapo? Sinong gwapo? Siya? Hindi kaya. Ito talagang isip ko kung ano ano na lang ang naiisip. Basta ang alam ko ay masyado siyang punong puno sa sarili niya. Mas gwapo pa rin ang kausap niyang lalaki kahapon. Busy akong tumitingin sa papeles ng mapansin kong may nakatayo sa harapan ng table ko. It's the same guy yesterday. Hindi ko kasi alam kung maniniwala ba roon sa nag text sa akin kahapon na si Ken. Baka kagi pinagloloko lang ako. Ngumiti siya sa akin. "Hi," bati niya. Nailagay ko namang buhok ko sa gilid ng aking tenga. "H-hello," nauutal kong sagot. Nahihiya dahil pakiramdam ko ay namumula na talaga ako. Napatawa siya ng mahina. "Hindi pa pala ako nakakapagpakilala ng persol sa iyon. I'm Ken Enriquez. "So it is really you?" pagtatanong ko pa. Naninigurado. "Yup. Your text mate," he said and winked at me. "Okay lang naman siguro if I just call you Ken right? Hindi na Mr. Enriquez. Para hindi masyadong pormal," lakas loob kong sambit sa kaniya. He pinched my nose. "Babe nalang if you want," banat niya. Nag-blush naman ako. Kinilig sa kaniyang sinabi. "Eh..." pabebe ko pang saad. Can I die right now? Feeling ko kaso ay nasa heaven ako. Lumapit naman siya sakin. "Hey it 's just a joke. Mukhang may sakit ka pa naman," he as he touched my forehead. Sinipat niya iyon kung mainit pa. Ang totoo naman niya ay namumula ako dahil sa kaniya. Inilagay niya pa sa ibang parte ang kaniyang kamay. Bumukas naman ang pintuan ni sir pagkatapos ay mukha pa siyang nabigla dahil sa nakita. Paano ba naman kasi ay sobrang lapit sa akin ni Ken. Nakahawak pa siya sa leeg ko. Para tuloy kaming naghahalikan sa angle na iyon. Matalim siyang tumingin sa akin. "Go back to work now, Julianna. Now," madiin niyang saad. Napahiwalay naman sa akin si Ken. "Yes sir," mahina kong sagot. Nakakatakot pala siya kapag masyado siyang seryoso. Bumaling naman siya sa kasama ko. "Sumunod ka sa akin," saad niya at tumalikod na sa amin. Tumingin muna sa akin si Ken. "See you later," he said and walk towards Danleigh's office. Namumula pa rin siguro ako. Kinikilig pa rin kahit na medyo kinabahan sa reaksyon ng aking boss. Danleigh's P.O.V. Lumabas ako para sana sabihin sa secretary ko na sabay nalang kaming kumain. Pero nabigla ako sa aking nakita. Ken and her is so close to each other. Kung hindi ko pa tingnang maayos ang ginagawa nila ay aakalain ko talaga naghahalikan sila. Pero bakit ba ganito ako mag-react? Parang boyfriend lang na nahuli ang girlfriend niya na muntikan ng mahalikan ng ibang lalaki. Tch. Ano ba itong nararamdaman ko? Do I like her? I just chuckled at my own thoughs. No way in hell that I will like her. It's not in ny vocobulary. I don't do's girlfriend. Just flings. Naiinis lang ako dahil hindi niya ginagawa ang kaniyang trabaho. Iyon ang dahilan at wala na pang iba. "Bakit mo ba ako pinasunod sa'yo? Tapos ay nakatulala ka pa diyan," maktol ng lalaking iton. Napabaling naman ako sa kaniya. "Kayo na ba ni Julianna?" seryoso kong tanong. Piniling naman niya ang kaniyang ulo. "Not yet," saka may naglarong ngiti sa kaniyang labi. "So fast ah. You are already calling her Babe," I mocked. What's happening to you Danleigh? Mas lalo siyang napangisi. "I'm just joking. But if she want to then I'll call her babe." Napabuntong hininga nalang ako. "Tigil tigilan mo nga ang sekretarya ko," saad ko. He just shrugged his shoulders at me. "I don't think that I can do that, Dan," pagkatapos ay tumayo ba siya at lumabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD