Chapter 4

1055 Words
Allison's PoV Dumating na ang araw ng aming bakasyon. Sa sobrang excited ko ay muntik ko na malimutan ang mga bikini na susuotin ko, buti na lang always ready ako at may notes ako sa cellphone kung dala ko ba lahat ng kailangan ko. Mukhang mainit ang ulo ni Aris ngayon, ayaw ko naman kausapin dahil alam ko na susungitan niya lang ako. Pero bilang mabait at mapagmahal na girlfriend ay tatanungin ko siya! "May problema ba? Ang init na nga ang init pa ng ulo mo" Mahinahon kong sambit sakaniya. "Love, I waited here in the car for almost half an hour. Tapos magtatanong ka kung may problema ako." Napanguso na lang ako at hindi alam ang sasabihin. Totoo naman sabi niya, kung hindi pa ako tinawagan hindi ko malalaman na naghihintay na pala siya. "Malay ko ba! Tsaka pwede naman magsabi na on the way ka na. Di ko alam na naghihintay ka na pala." "Okay. My mistake. Always." Wala na nag inarte na naman ang jowa ko. Ganyan 'yan siya pag di na makapalag saakin. Hehehe buti nga sakanya. Hindi na ako umimik at nag lagay na lang ng headset. Sa Batangas ang punta namin nung una balak nila mag rent ng resort sa laguna, kaso ang gusto ng iba na mag beach para naman maka rampa raw sila at syempre kasama ako sa pumayag. Kaya ang boyfriend ko abot langit ang pag irap sakin, tinawanan ko na lang siya para asarin pa lalo. Nagising na lang ako nang kalabitin ako ni Aris. Tinignan ko ang oras sa phone ko at 10 AM pa lang pala. Napatingin ako sa paligid mukhang nasa tagaytay kami. Tumitig ako kay Aris habang nilalagay niya ang wallet at cellphone niya sa bag ko, binigay niya saakin ang bag at lumabas ng kotse. Pinag buksan niya ako at nang makalabas ako nasa Picnic Grove pala kami, akala ko ba magba batangas kami? "Akala ko ba batangas?" Nagtatakhang tanong ko. "I wanna spend some time with you, just the two of us." Napaawang na lang ang bibig ko sa sinabi niya. Si Aris kasi yung tipo na hindi siya showy sa nararamdaman niya, kaya naman nakakagulat lang na ganito siya mag salita ngayon. "Talaga?" "Yes. Why?" Tumitig siya saakin. Napangiti na lang ako at napayakap sakanya. Niyakap niya ako pabalik at naramdaman ang pag halik niya sa ulo ko. Ngayon na lang ulit kami magkakaroon ng privacy. Bumitaw ako sakaniya at inaya na siya. "Tara na!" Habang naglalakad na kami papasok bumili muna siya ng ticket namin dahil may entrance fee pala. Nang makapasok na kami hinawakan niya ang kamay ko. HHWW lang ang peg?. Ang daming tindahan. Gusto ko sana bumili kaso hindi ko rin naman magagamit. Nakarating na kami sa dulo kung at kitang kita namin ang Taal Volcano, hindi pa matao ngayon dahil siguro maaga pa kaya swerte dahil wala akong kaagaw sa sa view. Kinuha ko ang cellphone sa bag at nag simula kumuha ng mga litrato. "Tara picture tayo" Ani ko. Lumapit siya saakin at inakbayan ako, naka shades siya dahil medyo tirik ang araw pero hindi naman ganun ka init. Kinuha niya ang bag ko sakin at nilabas niya ang phone niya, binigay niya iyon saakin at sinabi na sa cellphone niya naman kami mag picture. Mas marami ang mga kuha namin sa cellphone niya kaysa saakin. "I'll just send it to you". Napatingin ako sa paligid at napansin na parang kami lang dalawa ang tao ngayon dito. Lumipat ang aking tingin sa tanawin at ipinagdadasal na sana ganito na lang lagi. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang yakap niya mula sa likod. "What's the matter? You look sad." Umiling na lang ako bilang pag sagot. Hinarap niya ako sakanya at tinitigan ako maigi. Napaiwas na lang ako ng tingin dahil medyo naiiyak na ako. "Come on, tell me. Do we have a problem?" Himig ko ang pag aalala sa boses niya. "Iniisip ko na, I wish we could always be like this." Napahingang malalim ako para kumalma at hindi maiyak. Hinawakan niya ang makabilang pisngi ko. "Our relationship is not perfect, but always remember that I am here for you." Unti unti niyang binaba ang kanyang ulo hanggang sa magpantay kami. Lumapat ang labi niya saakin. He kissed me gently. Napayakap na ako sakanya at sinabayan ang pag galaw ng labi niya. He kissed me more deeply. Bago siya tumigil hinalikan niya ulit ako. Nagkatitigan kami at walang masabi sa isa't isa. Pulang pula siguro ang pisngi ko. First kiss ko ito! Worth it ang pagpa practice ko sa unan kaya nasabayan ko siya. Napag planuhan namin na umalis na roon. Panigurado nasa batangas na ang iba naming kasama. Isang oras din pala kami tumambay roon. Kumain pa kami bago umalis. Nakatulog ako ulit sa byahe. Nasa batangas na kami nang gisingin ako ni Aris. Laiya pala ang pinuntahan namin akala ko nung una ay nasugbu. Nauna siya bumaba para kunin ang mga bagahe namin. Isang bag at isang maleta lang ang dala ko. Habang siya ay isang bag lang. Tinanong pa nga ako kung bakit ang dami ko raw atang dala. Sinabi ko sakanya na beach ang pupuntahan kaya rarampa ako. Tinaasan niya ako ng kilay at nag kibit balikat. Siya na ang nagbitbit sa gamit namin papunta sa room. Hindi ko pa alam kung may kasama kami o wala sa kwarto. 15 kami lahat na kasama. Iyong iba ay nasa van na pagmamay ari ni Doc Julian at yung iba nag rent na lang ng another van para yung ibang gamit magkasya sa sasakyan. Sinundan ko si Aris papunta sa kwarto. Binuksan niya ang pinto. Nakita ko na isang queen size bed lang ang nandoon. "Ba't isa lang ang kama? Pano yung iba?" Kunwaring nagtatakha ako. Pero sa loob loob ko ay nagha harumentado na ako. "We booked 4 rooms. One for us. 3 rooms for the twelve of them and last for Doc Julian." "Hindi ba sila magtatakha na mag kasama tayo sa iisang room?" Sa pagkakaalam ko ay hindi pa nila alam na may relasyon kami. "You're my girlfriend. It's normal for us to be together. Besides, they already know." Napatakip na lang ako ng bibig. Kailan pa nila alam? Kung alam na pala nila edi wala na akong itatago sakanila. It's time to shine! ^_^ --------------------------------------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD