Isang linggo ang lumipas pero hindi pa rin ako makakuha ng tiyempo na makausap si Hades, lagi kasi siyang wala sa bahay at gabi na dumarating ang sabi ni Hermes ay lagi itong nasa Tartarus para gampanan ang tungkulin nito. Hindi na ako nagpalipat pa ng silid kay Helios dahil hindi siya pumayag kaya dito pa rin ako sa silid ni Hades dito rin siya natutulog kahit busy siya ay hindi niya pa rin nakakalimutan na hindi umuwi sa gabi. Pero kung kailan ay nagpapahinga na ako at sa umaga paggising ko ay wala na siya, may ilang gabi na rin na nagigising ako sa yakap ni Hades na hinayaan ko na lang ito. Mag-asawa pa rin kami at hindi basta nawala ang basbas na iyon mula noon hanggang ngayon. Tungkol naman sa pagbubuntis ko ay nagkakaroon ako ng mga morning sickness at kung hindi si Hermes ay sin

