Nagising ako na parang may bagay na nakayakap sa akin at may mainit rin na bagay ang tumatama sa batok ko kaya gumalaw ako pero hindi ko maikilos ang katawan ko. Iminulat ko ang mga mata ko at tumingin sa lalakeng tulog lumakas ang t***k ng puso ko dahil nandito na naman ako kaharap ang lalakeng ito. Hindi ako makapaniwala na muli ko na naman siyang kasama ngayon at nakakatawa na mas pinili ko pa rin na bumalik dito ang bumalik sa lalakeng ito ay hindi labag sa kalooban ng puso ko pero ang isip ko ay iba ang sinasabi. Dapat akong magalit sa lalakeng ito dapat hindi ako pumapayag na mayakap niya sa mga oras na ito. Napapikit ako ng bahagya siyang gumalaw halos hindi ako humihinga ng maramdaman ko na kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin, naramdaman ko ang paghaplos niya sa mukha ko ka

