Chapter sixteen

1542 Words

Napatingin ako sa malaking barko na sasakyan ko at saka ako tumingin kay lola na kanina pa umiiyak. "Lola tahan na po magiging maayos din ang lahat." Yumakap siya sa akin at tumango. "Ito ang pangalawang beses na gagawin natin ito Persephone ang maglihim sa kanila." Napahigpit ang yakap ko sa kanya, ito ang huling gagawin ko at kapag nakabalik ako sa kay Hades ay sasabihin ko na ang buong katotohanan. Para gumaan na rin kahit papano ang kalooban ko kaya nandito ako ngayon muling babalik sa Pilipinas at sasakay ako ng barko dahil sa paraang ito hindi mahahalata nina Aunty Cerce na umalis ako at saka sa tulong na rin ni Lola Hera ay malaya akong nakalabas ng palasyo. Bago ako umalis ay nagpaalam muna ako kay ina at nangako na babalik sa kanya, nalungkot ako ng ngumiti lang ito at niyakap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD