Nagising siya ng maaga, hindi niya napansin na nakatulog na pala siya kagabi. Hindi niya nakita man lang si Lanche. Kaya naman matapos niyang mag ayos ay bumaba na siya.Subalit nasa sala pa lang siya ay amoy niya na ang mabangong niluluto sa kusina.
Pumunta siya roon at nakita niya si Lanche na busy sa pagluluto habang naka apron pa.
"You're awake." hindi niya namalayan na nakatingin na pala ito sa kaniya.
Paalis na sana siya ng pigilan siya nito at pinaupo sa upuan
Hindi niya maiwasang hindi tumingin sa lalaki habang nagluluto ito.Naghihinayang siya sa samahan ni Lanche at Lauren.Alam niya rin na ito lang din ang makakapagpabago sa lalaki para bumalik ito sa dati.
Natapos itong magluto kaya naman tahimik silang kumain.Wala rin siya sa mood magsalita kaya naman tahimik ang hapag-kainan habang nakain silang dalawa.
"Are you okay?"
Hindi niya inaasahan na magsasalita ito habang nakatingin sa kaniya. Tunango na lamang siya at umiwas ng tingin.Masiyado siyang nanliliit ngayong kaharap si Lanche. Paano pa kaya kung ang ex na nito ang kaharap niya.Natapos sila ng hindi siya nagabalang magsalita. Hindi niya rin alam kung bakit ganon ang pakikitungo niya sa lalaki.
Dumiretso siya sa kwarto at isinara iyon.Naisip niya na naman ang babaeng yon. Hindi pa siya nakakatagal ay nagulat siya ng pumasok si Lanche sa kwarto.
"What's your problem?" tanong nito.
"W-wala naman." paiwas na sabi niya habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Then why are you did'nt talk to me?" tanong nito.
Huminga siya ng malalim, hindi niya alam kung sasabihin ba niya sa lalaki ang nakita niya. Natatakot siya. Natatakot siya na baka magbago ang isip nito.
"N-nothing. Masama lang pakiramdam ko." pagsisinungaling niya.
Hindi na siya pinilit ng lalaki at lumabas na ito.
Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit ba siya natatakot na baka maiwan siya nito? Kung sakaling itatanong niya ang tungkol sa babae? Hindi ba't mas mainam iyon para makalaya siya rito at hindi matuloy ang kasal nila?
Hindi niya alam kung bakit ganito siya.Kung bakit may takot sa puso niya na baka iwanan siya ng lalaki.
"Hindi ka naman siguro babalik dito para makipagbalikan kay Lanche hindi ba?" Tanong niya habang hawak ang picture ng babae.
"Argh! Brie ano ba yang iniisip mo? Ano naman kung bumalik siya?Edi maganda para maging malaya ka ulit!" Umiling-iling na lamang siya habang kinausap ang sarili.
Naguguluhan siya sa nararamdaman niya.Kaya minabuti na lamang niyang magbukas ng f*******: at i********:.
Sinubukan niya i search sa intagram si Lanche pero walang lumabas. Pero nang i search niya si Lauren ay nakita niya ito na may check na blue.
Sinubukan niya itong i stalk. Pero nagulat siya ng may makitang picture nito at ni Lanche na magkasama.Sunod-sunod iyon kaya naman mas lalo siyang na curious.Nagpatuloy siya sa pag scroll down.Sinilip niya rin ang ibang comments at napagtanto niya ang isang unfamiliar na account.Kaya naman sinubukan niya itong buksan.
Pero naka private ito.Malakas ang kutob niya na si Lanche ito. Dahil siya ang madalas na mag comment sa lahat ng picture ni Lauren.
"Captain CLH"
Yan ang name ng account. Hindi niya batid kung tama ba siya dahil ang profile nito ay itim lang.Kaya naman mas lalo siyang kinabahan.
Nagulat siya ng bigla itong mag follow sa kaniya.Kaya naman mabilis niya itong na follow back.
"Are you stalking my account?"
Napatayo siya ng magsalita si Lanche sa likod niya.Hindi siya makapag react dahil totoo naman. Nahihiya siyang yumuko sa kahihiyan.
"N-nacurious lang ako." palusot niya sa lalaki subalit hindi ito na kumbinsi sa sinabi niya dahil mas lalo itong lumapit sa kaniya.
"A-alam mo?" nagtatakang tanong niya.
"I saw you. "
Napalaki naman ang mata niya sa sinabi ng lalaki. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin kaya naman bahagya niyang inioff ang phone niya at inilapag iyon sa kama.
Tinitigan lang siya nito kaya naman tumayo na siya para idepende ang sarili subalit bigla na lamang itong umalis na ikinagulat niya.
Hindi pa ito nakakalabas, ay huminto ito at nagsalita.
"On wednesday. Be ready." sabi nito na ipinagtaka niya.
"A-ang alin?" naguguluhang tanof niya subalit umalis na ang lalaki at marahang isinara ang pinto.
"Ang alin?" naguguluhang tanong niya habang malalim na nag-isip.Napanganga na lamang siya ng maalala ang kasal nila.
"S-sa wednesday?!" hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman.
May parte sa kaniya na nalulungkot dahil hindi na niya makikita ang mga kapatid. Pero may parte rin na masaya siya. Masaya siya dahil ikakasal siya sa lalaki na batid niya sa sarili na mahal na niya ito.
Maya-maya ay may kumatok mula sa pintuan. Agad siyang umayos, pumasok naman si Meshua na nakangiti sa kaniya.
"Madame, pinabibigay nga pala ni Captain."
Nagulat siya ng may iniabot si Meshua na isang isang kahon.Ibinuklat niya iyon, nakita niya ang isang malaking brochure ng mga gown.
"Sabi ni Captain ikaw daw ang pumili ng design, Madame."
Binuklat niya ito isa-isa. Halos lahat magaganda pero may isang gown doon na kakulay ng buwan. Dirty white kung tawagin. May design ito na parang buwan din. Napakaganda nito sa mata kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na piliin iyon.
"Sigurado ka na ba diyan Madame?" paninigurado ni Meshua habang nakatingin sa gown na itinuro nito.
Tumango at ngumiti lamang siya.May partner na rin itong necklace at wedding ring na design na buwan.Ngumiti si Meshua bago ito lumabas ng kwarto.
Hindi niya alam kung bakit kailangan pang si Meshua ang mag tungo dito para iabot itong brochure sa kaniya. Nandito naman siya kanina at hindi na lamang siya ang nag abot nito.
"Napipilitan ba siyang pakasalanan ako?" Tanong niya sa sarili.
Hindi niya maiwasang hindi mag-isip. Mahal pa ba nito ang ex girlfriend na si Lauren? Hindi malabo iyon. Dahil nakasagap siya ng ilang impormasyon na sobrang mahal na mahal daw ni Lanche si Lauren.Kaya hindi malabong mahal niya pa ito kung kaya't si Meshua ang madalas mag asikaso ng kasal nila.
Bigla siyang nalungkot sa hindi maintindihang dahilan. Tila ba napakabigat ng paghinga niya ng maisip ang mga posibleng mangyari.
Paano kung bumalik si Lauren? Paano siya? Sila? Lubos na ikinatakot niya. Hindi niya pa naranasang masaktan dahil sa lalaki. At ayaw niya iyong mangyari.Pero sa pagkakataong ito, alam niya na si Lanche ang unang lalaki na makakagawa nito sa kaniya.
Ilang araw ang lumipas. Masiyadong marami ang nangyari kung kaya't hin di niya namalayan ang mga araw sa sobra pagkabusy niya. Lunes na ngayon, at ilang araw na lang ay ikakasal na siya.
"Hoy Beshy kanina ka pa tulala diyan." sabi ni Chillet na nakabusangot sa harap niya.
"S-sorry besh." umiwas siya ng tingin sa kaibigan at tumingin na lamang sa labas.
"Yung totoo? Nag d-drugs ka ba besh?" seryosong tanong nito habang nakatingin sa kaniya.
"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" nagtatakang tanong niya. Hindi niya alam kung bakit ganito bigla ang tanong kaibigan.
"Eh last week ka pa tuliro eh!Tapos kapag kakausapin ka, sasabihin mong wala.Yung totoo? Ano sininghot mo? Katol o shabu?" seryoso pa rin itong nakatingin.
"Loka ka talaga. Ewan ko sayo." sabi niya habang pasimpleng natawa sa sinabi ng kaibigan.
"Hoy beshy seryoso ako! " sabi nito habang hinahabol ang kaibigan.
Papasok na sila sa shop ng makasalubong nila ang manager nila.
"Ah Brie, may kailangan kang malaman." sabi ng manager nila na ikinagulat naman nila.
"Ano po iyon?" nagtatalang tanong niya sa manager.
"Kailangan mong umalis dito Brie. Pasensya na ako ang malalagot" malungkot na sabi nito.
"A-ano po? P-pero bakit po?" hindi niya alam kung bakit ganon na lang basta-basta ang pagpapaalis sa kaniya ng manager. Ginawa niya naman ang lahat kaya nagtataka siyang tumingin dito habang hinihintay ang sagot ng manager.
"Ako ang malalagot sa kay Mr. Cla--"
"Let's Go."
Napalingon sila ng magsalita si Lanche sa likod nito na ikinagat ni Brie.
"A-anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya dito.Nagulat siya ng hilahin siya nito papunta sa kotse.
Gulat na nakatulala na lamang ang manager nila, at lalo na si Chillet na hindi alam kung paano nangyari ang lahat.Kung bakit naging ganon ang sitwasyon.
"Lanche ano bang ginagawa mo--"
"Stop calling my name.From now on,you're not working on my coffee shop."
Natigilan siya ng sabihin nito na kaniya ang shop na iyon.
"I-iyo yon? P-pag-aari mo?" ulit niya dito.Hindi ito sumagot at nag drive na lamang.
Sa loob ng ilang buwang pagtatrabaho niya doon ay ngayon lang niya nalaman na si Lanche ang may ari non.
"Are you not going to school?"tanong nito.Tumingin naman siya at umiling.
"Tapos na ang schedule ko for today kaya maaga ako pumasok sa shop" malungkot na sabi niya.
Huminto sila kaya, bago siya hinarap ni Lanche.
"Okay fine. You can work on my shop. But finish your study first." sabi niya na ikinagulat ni Brie.Hindi niya akalain na sasabihin ito ni Lanche.
"T-talaga?" gulat na tanong niya rito.Gaya ng dati hindi ito sumagot.
Subalit nagulat na lamang ito ng yakapin niya ang lalaki sa sobrang tuwa.
Tsaka niya lang napagtanto ang position nilang dalawa.
"S-sorry." nahihiyang sambit niya habang umiiwas ng tingin sa lalaki.
"I already talked to your professors. you're two days absent." sabi nito.Kaya naman may malaking question mark sa utak niya.
"We prepared our wedding." maiksing sagot nito bago nagsimula ulit mag drive pauwi ng bahay nila.
Tahimik lamang silang kumakain sa hapag-kainan.Ni isa walang gustong magsalita. Bigla na lamang naging awkward ang eksena sa di malamang dahilan.
Natapos silang kumain kaya naman umakyat na ang lalaki sa kwarto nito. Habang siya ay tinulungan maglipit ang mga yaya sa kusina.
"Madame ako na po diyan." sabi ng isang maid.
"Manang ako na po, isa pa wag niyo na po ako tawaging madame.Parehas lang tayo ng katayuan sa bahay na to" sabi niya habang nakangiti.