Lumabas na ito matapos mangyari yon.Bahagya siyang napakigon sa labas. Ang ganda ng view, na eenjoy siyang panoorin ang mga bituin sa kalangitan habang sa madilim na parte ay nandon ang mga building.
Ngayon, panatag na siya. Pero kulang pa. May kulang pa sa nalaman niya. Hindi pa siya gaanong satisfied dahil gusto pa rin niya malaman ang lahat tungkol sa lalaki. Batid niyang marami pa itong itinatago tungkol sa kaniya.Muli niyang tinignan ang pendant na moon.
"Lanche Henrix"
Ngayon lang niya nakita ang nakasulat dito. Hindi niya alam na may pangalan nito ng lalaki.
Nagising siya sa sinag ng araw. Sabado ngayon kaya walang pasok sa school. Kaya naman ginawa niya na ang morning routine niya. Bago siya pumasok sa shop.Hindi niya pa nababanggit sa lalaki ang about doon.
Ngunit pagbaba niya ng hagdan ay hindi niya nadatnan ang lalaki.
"Madame, pinapasabi ni Sir na kumain na raw po kayo maaga po siyang umalis." sabi ng isang maid.
Nginitian niya na lamang ito. Hindi niya alam ang trabaho nito.Kung saan nga ba ito nauwi. Pero nagulat siya ng magtext it sa kaniya.
From him;
Ill go home tomorrow evening.
Napataas naman ang kilay niya, bakit bukas pa ng gabi? Ano bang pinagkakaabalahan nito?
Hindi na lamang niya ito inisip pa, nauna na siyang pumasok sa shop. Masaya siyang sinalubong ni Chillet.
"Hoy beshhh! Kakaiba ka talaga ah! Saan kayo nagpunta ni Mr. Pogi kagabi huh?!" umaarte pa itong parang galit na kinikilig.
"H-huh?" naguguluhang tanong niya.
"Aysus Beshy! Wag ako nakita ko kayo, sumakay ka sa kotse niya kagabi! Ano kayo na ba?Haba ng hair!" sabi nito habang kinukulit siya.
"Hindi, kaibigan ko lang siya." pag dedeny nito.
"Ayiiiie! Friend with benefit ganon?" pangungulit na naman nito.
"Hindi besh. Ang kulit mo talaga." sabi niya habang iniwan ang kaibigang nagtitinili.
Pumwesto na siya sa counter habang sinundan naman siya nito.
"Inlove ka! Kinikilig ka oh!" sabi niya habang tinuturo ang mukha ni Brie.
"Besh ano ba, para kang sira may costumer oh"sabi nito at oatagong ngumiti.
Natapos ang araw ng panay siyang kinukulit ng kaibigan.Kaya naman hindi na siya nakatiis pa.
"B-BESHY?! SERYOSO KA BA?!"hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan sa kaniya.Tumango lamang siya.
"Ikakasal ka na next week?!K-kanino? At p-paano?!" naguguluhang tanong nito.
Expected niya na mangyayari to. Na maguguluhan at tatanungin siya ng ganito ng kaibigan.Dahil masyado nga namang biglaan.
"N-nawal ka lang ng two days tapos malalaman kong ikakasal ka na? Baka naman jinojoke time mo lang ako?" sabi nito habang seryosong nakatingin sa kaniya at hinihintay na sabihin nito na joke lamang iyon.
"Oo besh, ikakasal na ko at hindi ito joke. Tooo, ikakasal na ko sa susunod na linggo." sabi niya.
"Alam kong hindi ka nagjojoke besh pero seryoso? As in?!"
Hindibna siya sumagot pa. Mahirap ipaliwanag ang lahat kaya mas mabuti na lang talaga na walang makaalam.
"Nbsb ka! Tapos ikakasal? T-teka nga! Naguguluhan talaga ako besh eh! "
Nagpatuloy na lamang sila sa paglalakad.Pero maya-maya lang ay sumigaw ito na ikinabigla niya.
"AHA! DON'T TELL ME SI MR. POGI ANG MAGIGING ASAWA MO?!" seryosong tanong nito na tila ba pinagbagsakan ng langit at lupa.
"Hoy besh!SI MR POGI NGA?!"pangungulit na naman nito sa kaniya.
Huminga siya ng malalim, magsasalita na sana siya ng may humintong sasakyan sa tapat nila dahilan para maudlot ang pagsasalita niya.
"Madame!" bumaba naman si Mang Kanor mula sa kotse.
Naalarma naman siya ng mapatingin ang kaibigan dito.
"Madame?" nakataas ang kilay nitong nagtataka habang nakatingin sa driver na papalapit.
"Madame, kanina ka po hinahanap ni sir." sabi nito sa kaniya.
Napatingin naman siya sa kaibigan na nakanganga habang nagiisip.
"Besh, magpapaliwanag ako bukas okay? For now, I need to go." sabi niya pa.
"Okay?" wala pa rin ito sa katinuan ng iwanan niya.Alam niya na ganon ang reaksyon nito.
Tahimik siyang umuwi sa mansion.Ngunit wala doon ang lalaki.Naalala niya ang text sa kaniya nito na bukas pa ito ng gabi uuwi.Matapos niyang kumain, nakita niya si Mang kanor na nasa garahe.
"Ah, mang Kanor?" pagtawag niya tumayo naman ito at binati siya.
"Magtatanong lang po ako, kamusta po ang mga kapatid at papa ko?" tanong nito.
"Oo nga po pala madame. Tuwang-tuwa sila ng ibigay ko ang mga gamit at pagkain sa bahay niyo.Hinahanap ka po nila sakin.Miss na miss ka na daw po nila." mahabang sagot nito.
Napangiti naman siya sa narinig.Ngayon panatag na siya na okay at ligtas ang mga ito. Na may kakainin ito sa pang araw-araw nila.Ang pera niya ang ginastos niya para ipangbili ng groceries at ang natira at ibinigay niya sa mga ito.
Gusto niya mang puntahan ang mga ito ay wala pa siyang sapat na oras. Dahil panigurado na hahanapin siya kaagad ng lalaki. Ayaw ng lalaki na umuwi siya habang hindi pa sila ikinakakasal dahil iyon ang kasunduan nila.Kaya hangga't hindi pa sila kinakasal, ay hindi pa siya pwede umuwi at makita ang mga ito.
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nagising na lamang siya ng may sinag ng araw ang tumama sa mata niya. Day off niya ngayon sa work kaya naman magpapahinga siya.
Mabilis na lumipas ang oras,katatapos lamang na magtext ng lalaki at kamustahin siya.Papunta na siya sa kwarto niya.Hihiga na sana siya ng malalag ang relo sa lamesa agad niya u***g dinampot.Subalit, napansin niya na may kahon sa ilalim ng kama.
Kinuha niya ito at binuksan.
Tumambad sa kaniya ang mga litrato at iilang gamit.
Litrato ng isang napakagandang babae at ni Lanche.
May kung ano naman siyang naramdaman ng makita iyon.
"Sino siya?
Tanong niya sa isip.Tinignan niya pa ang ibang gamit, hindi niya alam kung para saan iyon. Hanggang sa may makita siyang singsing.Napakagandang singsing.Muli niya itong sinuri.Tinitigan niya ito bago isinauli sa loob.May nakita siyang panyo.
"L&L Forever"
At binasa niya ang nasa ibaba ng letter na iyon.May maliit na nakalakip doon na mga salita.
"Lauren and Lanche"
Mas lalong kumabog ang dibdib niya ng makita iyon.Hindi niya alam pero bigla niya na lamang iyon itinago sa ilalim ng kama.Huminga siya ng malalimnat pumuntang terrace.Para bang naubusan siya ng hangin.
"P-pero madame--"
"Please? Sino ba talaga siya?" tanong niya sa mga maid. Nagkatiginan lamang ang mga ito
"Wala po kami sa posisyon para magsabi sa inyo ng mga bagay na iyan madame." sabi ng mga ito sa kaniya.
"Promise, hinding-hindi ko sasabihin na kayo ang nagsabi."pakikiusap niya.
"Si Lauren Dawson po, siya ang dahilan kung bakit naging ganiyan si Sir.Naghiwalay sila at umalis si Ma'am lauren non." Walang nagawa ang isang maid kundi ang sabihin ang nalalaman nito.
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang ireak. Hindi niya ineexpect iyon.Kahit na alam niya na isa ito sa dahilan kung bakit ganito ang lalaki.
Hindi lang siya makapaniwala na iba ang lalaki noon sa ngayon.Mula daw ng maghiwalay ito ay naging ganito na ang lalaki. Mahal na mahal daw nito ang ex girlfriend niya noon.
Ilang oras lang siya natulala habang malalim na nagisip. Muli niyang kinuha ang laptop na ibinili sa kaniya ni Lanche.
"Lauren Dawson"
Ito ang isinulat niya sa search bar ng google.Subalit hindi niya akalain na ito ang lalabas.Binasa niya ang information about Lauren Dawson.
"The child of owner of Carniva Airlines." Basa niya sa screen habang iniscroll pababa.
"Former Model (2018). Graduated in Harvard University in the taken course of Barchelor of business Management.With a highly honor and also a salutatorian of the university."
Halos lumuwa ang mata niya ng makita ang nakasulat na salutatorian sa mismong Harvard.
Bukod sa maganda ito, matalino pa. Hindi lang siya basta-bastang ordinaryong tao dahil nagmamay-ari din sila ng Airlines.
Bigla siyang nanliit sa nalaman niya. Sobrang nanliit siya sa Ex ng mapapangasawa niya.Hindi niya expected na ganito ito kaimpluwensya.Hindi niya rin alam kung matutuwa ba siya ngayon na siya ang papakasalan ng lalaki.