Austin's POV Kakarating ko lang galing sa mansyon ni Laica at kasalukuyan akong nakahiga ngayon sa aking kama, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Iniimbitahan kasi ako sa dinner ng ama niya. "Pupunta ba ako?" Tanong ko sa aking sarili habang nilalaro ko ang aking mga daliri. Hindi ako mapakali, panay rin ng aking gulong-gulong sa kama. Kanina sa photo shoot, hindi ko mapigilang hindi humanga kay Laica napaka ganda kasi niya lalo na nung unang beses ko siyang makita sa ganoong ayos, para siyang anghel na bumaba sa langit. Hindi ko tuloy maintindihan ang aking sarili kong bakit napaka bilis ng t***k sa aking puso tuwing magdidikit ang aming mga balat ni Laica. Nung araw na unang beses ko siyang nakita na sumakay sa isang luxury car ay medyo naiinis at nagtampo ako sa kanya dahil sa

