bc

The MAFIA and The NERD

book_age18+
285
FOLLOW
1.1K
READ
goodgirl
powerful
twisted
mystery
genius
campus
highschool
like
intro-logo
Blurb

A Mafia doesn't mean he or she can't love and a Nerd doesn't mean he or she can't be loved. Two world may exist Love is the reason why they are meant

chap-preview
Free preview
Prologue
A/N: I'm very sorry for the typos I'm not a perfect person ?. But anyways lahat naman ay pwedeng maitama.... I'll try my best to arrange everything 감사합니다 여러분 ???? ______________ "HAYYYSSSS namannn bakit ba kasi ako late nagising" - inis na sabi ni Kari habang tumatakbo papunta sa kanyang destinasyon. Ang pasok nya ay alas otso samantalang nagising sya sampung minuto bago mag alas otso. "Hehe excuse me po!!!" - paki usap nito sa mga taong nakakasalubong nya sa hallway, ayaw nya ng nagmamadali dahil naalog ang fats nya ngunit wala syang choice. *Kriinggggg* Mas lalo nya pang binilisan ang pag takbo ng marinig ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. *Scraatcchhzxxzx* Tunog ng kanyang sapatos na biglaang huminto matapos makita ang mga estudyanteng nagkukumpulan sa labas ng classroom, tumingin sya taas ng pintuan at nakita nya ang class number maging ang section at grade nito 11th Grade - Section B - Class 3. Iyon ang nakalagay sa taas ng pintuan. 'Queen of Curiosity' sya kung tawagin, lahat ng issue na kanyang nalalaman ay palagian nyang iniimbistigahan. Minsan ay may nalutas na syang kaso, ngunit minor lang ito kumpara sa totoong nag iimbistiga talaga na ina-a-sign ng mga guro. "Hehe excuse me po!!!" - muli nyang paki usap sa mga estudyanteng naka kumpol sa hamba ng pintuan. Ngunit napaatras sya agad nang makita nya kung ano ba talaga ang mayroon sa classroom na ito. Dugo, puro dugo ang paligid. Apat na estudyanteng lalaki at isang babae ang naliligo sa sarili nilang dugo na animo'y parang isang hayop, dahil sa karumaldumal na nangyare sa kanila. Sumisinghot singhot sya upang maamoy ang aroma ng isang pangyayare. Yan ang natatangi nyang abilidad bilang isang tao, kung tao nga ba syang maituturing. Lumapit sya sa isa sa mga investigation member nang kanilang paaralan. Jade Soriano Class 1 - Section A - 12th Grade Ang kanyang nabasa sa ID na nakaipit sa uniporme ng Detective Club "Hi pwede magtanong?" - paki usap nya sa babaeng tumigil sa pagsusulat matapos nyang kausapin ito, tumungin sa kanya ito sabay ngiti. "Yes?" - tanong nya pabalik, singkit at mapulang labi ang meron sa babaeng ito, maputi at may katangkaran kumpara kay Kari na ang height ay hindi man lamang umabot sa balikat ni Jade. "Ahm pwedeng malaman kung ano ang findings?" - tanong nya sabay ngiti kay Jade. Bubukas pa lamang ang bibig ni Jade upang magsalita nang biglaang may sumulpot sa gilid at biglang nag salita. "Anong ginagawa mo dito Kari?" - sabi ng lalaki na may seryosong tono. Unti-unting lumingon si Kari sa nagsalita, sabay ngiti habang nangangamot sa kanyang ulo. "Ahh kasi po sir, nagtatanong lang po ako kung ano po ang nangyari dito" - galang na sabi ni Kari habang humihiling na sana ay masagot ang tanong nya. "Kari naiintindihan ko na gusto mong malaman ang nangyari at kung maaari ay makatulong ngunit isa kang sibilyan, at isa itong seryosong kaso, kaya pag pasensyahan mo na ngunit lahat ng nasa paaralan na ito ay suspect, maging ikaw, ako at lahat ng taong konektado sa limang estudyante na ito" - mahabang paliwanag ng guro at adviser ng Detective Club. "Hindi naman po ako mangingialam, hehe gusto ko lang malaman. Huwag po kayong mag aalala hindi po talaga ito makakalabas kahit kanino, wala po akong pag sasabihan" - sabi nya habang nakataas ang kanyang kanang kamay na parang nanunumpa. Lumapit ang guro habang nakangiti na tipong hindi na makita ang kanyang eyeballs dahil sa maging ang mga mata nito ay nakangiti rin, nakahinga naman si Kari ng maluwag ng makita ang pag ngiti ng guro. "Ayos malalaman ko rin"- sabi ng kanyang isip Sumenyas ang guro na ilapit ang kanyang mukha upang maibulong nya dito, ngunit iba ang nangyare sa kanyang inaasahan. "Awww... Awwww.... Awww.... Uncle!! Masakit!!!!" - sigaw ni Kari habang pingot-pingot ang kanyang tainga na kinakaladkad naman papunta sa pintuan kung saan walang mga estudyante ang nakaharang. Binuksan naman ng guro ang pinto at tinulak sya palabas nito. "Huh!! Akala mo sasabihin ko?? Pumunta ka sa guidance at mag report ka doon" - malinaw na sabi ng guro. "Eh pero Uncle-- este Sir nagtatanong lang po ako, promise po hindi ako mangingialam" - muli ay itinaas nya ang kanyang kanang kamay, hudyat na sya ay seryoso at siguradong hindi talaga mangingialam sa kaso, ngunit ang guro ay hindi kumbinsido. "Magreport ka doon dahil late ka!! Imbis na sa klase ang deretso e pinili mo pang maki chismis dito tss" - taas kilay na sabi ng guro. Lumukot ang mukha ni Kari, at bagsak ang balikat matapos mabigo sa kanyang hangarin. "Sana tama ang findings nila" - ika ng kanyang isipan. Tumalikod na sya habang nakayuko nang muling tawagin sya ng guro. "Kari!!!" - sigaw nito, lumingon si Kari na agad lumaki ang kanyang mata matapos makita ang 'OK' sign ng guro. Agad syang tumango habang ang ngiti ay abot sa tengang tila namumula parin dahil sa pingot. Muli syang tumalikod at tumakbo papunta sa Guidance Office upang magreport. Na ang totoo ay hindi talaga, ang napupunta lamang sa office ay may mga kaso ng panggugulo, bullying, at ang tatlong araw na sunod sunod na late. At dahil ito ang kanyang unang violation ay malabong sya ay maparusahan. "Kinabahan ako doon, nakalimutan kong partners pala kamini Uncle tsk tsk. Baka gutom lang ako" - sabi ng kanyang isipan. Nang marating nya ang destinasyon, binuksan nya ang pinto at tumambad sa kanya ang malinis at nangingintab na sahig nang office ng guro. Ang guro ng Detective Club, P.E at kanyang Uncle na si sir Joseph Castro. Ang OK sign kanina ay hudyat na maghintay lamang sya dito upang sabihin ang nangyari kanina. Dating pulis ang kanyang Uncle habang Abogado naman ang kanyang tatay at Detective ang kanyang nanay. Kaya hindi mapag kakailang may kakayahan syang mag imbistiga sa mga bagay bagay at maging curious sa lahat ng pangyayareng nagaganap sa kanyang paligid. Pinili nyang umupo sa sofa at sumandal habang iniisip kung ano ang nangyare at sino ba ang may gawa noon. Hindi sya maaaring magkamali sa kanyang pang amoy. Amoy yon ng isang taong naghahangad na patayin ang limang estudyante na iyon, amoy ng isang kriminal. Ang ipinagtataka nya lamang, ang limang yon ay hindi pare pareho ng grade at sigurado syang hindi magkakakilala pero magkakakonekta sila. Lumingon lingon sya sa paligid upang mapagmasdan ang opisina, simpleng opisina ito kung titignan ngunit sa likod ng mga pader ay may nakatagong na isang sikreto. Sikreto na hindi nya pa nakikita. Lumingon sya ng biglaang bumukas ang pinto sa pag aakalang ito ay isang guro, ngunit biglang kumunot ang kanyang noo ng makitang hindi ito si Sir Castro. Hindi sya pamilyar sa itsura nito, ngunit naamoy nya ang pabango at paiwsang lalaki. "Bakit ang bango kahit pawisan na, parang si Evan lang" - sabi ng kanyang isipan. Tumayo sya bilang paggalang, at upang tanungin kung ano ang ginagawa nya dito. "Ahm excuse me? Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" - bati nya sa dumating sabay yuko at inilahad nya ang kanyang kanang kamay samantalang ang kaliwa naman ay nasa kanyang tiyan na parang isang butler ng isang mayamang ginoo. "I am the one who should ask first, what are you doing here in my office?" - the man who doesn't have any reaction when he look into her eyes. "My office?" - tanong ni Kari sa kanyang isipan sabay yuko habang mababakas sa kanyang mukha ang pagtataka nang biglang naalala na ang kanyang uncle ay isang acting Councilor lamang pala habang ang dapat na Councilor ay hindi pa umuuwi galing states. Napa angat sya ng ulo at tinuro ang lalaki habang nagdadalawang isip kung dapat ba nyang sabihin ang kanyang nasa isipan. "Leave if you don't have anything to do here" - sabi ng lalaki at nilagpasan lang sya. Tumungo ito sa kanyang lamesa habang si Kari ay nagulat sa inasal nito. "Delikado, strikto ang totoong Councilor, kawawa naman ang mga estudyante kung palagi silang may kaso sa school"- mahabang linataya ng kanyang isipan. "Aren't you gonna leave?" - taas kilay na tanong nito. Napapikit si Kari sabay harap sa lalaki at yumuko bilang pagbibigay ng paumanhin. "Sorry po, dito po ako pinapunta ni sir Castro dahil po late ako" -paliwanag ni Kari sa lalaki. "Yes she's right Mr. Villos" - sabay silang napalingon sa nagsalita. Napapikit naman ang lalaki sabay hawak sa kanyang sintido tanda ng pasensyang malapit ng maubos. "Mr. Castro how--" - hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Villos ng biglang sumingit si Mr Castro. "She is a big help, let me trust her" - makahulugang lintaya ng guro. Napalingon si Kari sa lalaki at sa kanyang tiyo, nagugulunan kung ano ang nangyayari, sinusubukan nyang amuyin ngunit wala syang maamoy na makakapag bigay sa kanya ng sagot. Ngunit isa lang ang sigurado sya, panigurdong may kinalamam ito sa krimen na nangyare kanina. Baliw man kung sya'y tatawagin ngunit sigurado syang may kinalaman ito dito. Something's Fishy ika nga nila. "Hmmmmmmm" ___________________ Huling Pasabi Mula sa Author: May mga detalye akong dinagdagan, ngunit ito ay hindi naman gaanong makaka apekto sa buong storya. Such a minor lang naman. Happy Readings!!!! PS: Na-edit ko na ang typos :) Kung mayroon man ay pasensya na at nakaligtaan, pag iigihan ko pa sa susunod!!. God bless ??

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook