A/N: I'm very sorry for the typos I'm not a perfect person ?. But anyways lahat naman ay pwedeng maitama.... I'll try my best to arrange everything 감사합니다 여러분 ????
__________________
"Sigurado kaba?? Baka naman kasi nagkagulo-gulo na iyang utak mo dahil sa sari-saring naamoy mo" - wika ng kanyang kaibigang si Evan. Sila ay nasa cafeteria ngayon at nag rerecess.
"Never naman nagkamali yung pang amoy ko no" - ika ni Kari sabay higop sa kanyang orange juice na nasa tetra pack.
"Alam ko naman kaso mahirap magbintang mamaya hindi naman pala eh" - sabi ni Evan sabay ayos sa kanyang salamin.
"Hmmmm para kasing wierd sya e ang seryoso, pero nakakatakot. Parang may dark side" - ika ni Kari habang napapatingin sa kisame na animo'y inaalala ang weird na amoy na galing sa lalaki. Syempre bukod iyon sa pawis ngunit mangong amoy ng lalaki.
"Lahat naman ng tao may dark side" - si Evan habang naka mustra ang seryosong mukha na deretso ang tingin kay Kari na ngayon ay unti unting binababa ang tingin papunta sa kanya.
"Ahmm sa-sabagay... Hmmm" - ngatal na sabi ni Kari habang biglaang bumilis ang t***k ng kanyang puso.
Itinuloy naman ni Evan ang pagkain sa kanyang sandwich habang si Kari naman ay ganoon din.
"Bakit parang pa gwapo ng pa gwapo itong si Evan sa paningin ko.. tsk tsk di pwede to dapat gwapo lang.... gwapo hindi pwedeng sobrang gwapo sya kung hindi magkakaroon ako ng kaagaw sa kanya"
Tama, may gusto si Kari kay Evan, unang kita pa lang nya dito noong sila ay Grade 7 ay hindi na mawala wala ang kanyang paningin dito.
Sunod sya ng sunod sa lalaki na animo'y parang stalker. Noong una ay inis pa si Evan sa kanya, lagi nitong sinasabi na hindi sya gwapo para habulin na lamang ng ganon ni Kari.
Ang tangi lamang sagot ni Kari ay hindi sya sexy para hindi maghabol sa lalaki.
Pano nga ba sila naging magkaibigan?? Simple lang. Si Evan ang laging tumutulong sa kanya sa Math at sya naman ang taga libre ng pagkain.
Partners ang tingin nila sa sarili nila, dahil sa tuwing nagsosolve ng kaso si Kari, si Evan naman ang minsang driver / look out / translation nya.
Dahil Math genius itong si Evan, sya lagi ang nag ka-crack ng codes para malaman ang nakatagong meaning sa bawat ebidensya.
Dahil sa naisip ni Kari na baka may maging kaagaw sya kay Evan, kinatok nya ang lamesa upang makuha ang atenyon ng binata.
*Toktok* biglang lingon si Evan sa kanya.
"May nililigawan kana no??" - seryosong saad ni Kari kay Evan.
Ngunot noo naman si Evan sa kanya.
"At sino naman?" - sabay taas nito ng kilay.
"Aba!!! Malay ko!!!" - ika ni Kari sabay sisinghot-singhot sa kaibigan.
"Wala akong maamoy pero ..... Kapag nalaman ko lang na may nililigawan ka!!! Hmppp kahit yung promise ko na after graduation kita liligawan, gagawin kong agad-agad!! Hmppp" - selos na turan ni Kari habang nanlalaki ang matang panawagan kay Evan.
Napangiti si Evan sa akto ng babae, sabay higop sa kanyang pineapple juice. Nakatingin sya kay Kari na ngayon ay mahaba ang nguso at nakatingin sa ibang direksyon.
*Kriingg!!* tunog ng bell hudyat na tapos na ang recess.
Sabay na tumayo ang dalawa ngunit napahinto si Kari sa paglalakad ng biglang magsalita si Evan.
"Kari wag muna tayong magsabay, baka mapaaga uwi ko, nagpaalam naman ako sa guro ko na uuwi ako ng maaga" - wika ni Evan.
"Bakit naman" - maluha-luhang tanong ni Kari.
"Hmmm kasi may emergency...." - mahinang tawa na may kasamang hindi siguradong sagot ang linya ni Evan sabay gulo sa buhok ni Kari na para syang isang pet.
"Anong emergency?" - tanong naman nito
Ngunit nguniti lamang si Evan sabay lakad ulit.
"Tekaa!! Evann!!! Bakit naman ganon!!!!" - habol na wika ni Kari.
Alas tres na ng hapon nang matapos ang klase nila Kari, pareho sila ng kursong kinuha ngunit magkaiba naman ng section. Dahil mas matalino si Evan, sya ay nasa Class 1 section A habang si Kari ay nasa Class 3 section E.
"Haysstt kainiss!!! Naman saan kaya sya pupunta??" - magmukha mang baliw ay wala ng pakiaalm doon si Kari.
Nag iisip sya na baka may nililigawan si Evan, at kahit gustuhin man nyang sundan ito ay hindi nya magawa, nagpunta sya sa classroom nito ngunit huli na dahil nauna daw itong umalis. Nagbabaka sakali na nagbibiro lang ito. Ngunit hindi.
Nagdesisyon nalang sya na pumunta sa libray, at bago makapunta doon ay sa may guidance office ang daan nito.
Bigla na naman nyang naalala ang mga tagpo kanina.
|Flashback|
"Sigurado kaba doon Mr. Castro?" - tanong ng lalaki na ngayon ay naka upo na sa sofa.
Napaupo naman syang muli habang si Mr. Castro ay diretso lamang ang tayo.
"Yes... Walang pagdududa" - deretsong sagot ng guro.
"Hindi ba dahil sa kayo ay magkamag anak?" - taas kilay na turan ng lalaki habang ang tingin ay na kay Kari na ngayon.
"Unc---" - hindi na natapos ang sinabi ni Kari ng pinutol ito ng kanyang tiyo.
"Trust me Cav, she's a big help" - ngayon ay nakatingin na ang guro sa lalaki na tinawag nyang Cav habang lumipat naman ang tingin nito sa kanya.
Hindi alam ni Kari kung dapat ba syang magsalita dahil kanina pa napuputol at hindi na matapos tapos ang sasabihin nya.
"I'll think about it First" - ang huling sabi ni Cav. Matapos nito ay nagpaalam na silang dalawa ni Kari at umalis sa opisina.
Nang makalabas ay agad na lumapit si Kari sa guro at bumulong.
"Uncle?? Baka may kinalamam sya sa nangyare at ayaw nyang mahuli sya??" - napatingin naman sa kanya ang guro.
Ngingiti ngiti syang tumatango na parang may natuklasan syang isang malaking sikreto, biglaan na lamang syang sumubsob malapit sa sahig dahil sa batok ng kanyang tiyuhin.
"Arayy naman Uncle!!! Bakit moko binatukan!!!" - galit na turan ni Kari.
"Makari Salveho!!! Mag ingat ingat ka nga sa sinasabi moo!! Tskkk" - galit na suway ng guro saka sya iniwan nito.
"Uncle!!! Bakit mo naman binuo ang pangalan ko!!!" - sigaw nito sbay habol sa guro.
| End of Flashback |
Umiling iling si Kari sa naalala nya kanina, dalawang classroom lang ang pagitan ng Guidance Office at ng tinatayuan nya gayon ngunit parang abot sa kanyang pwesto ang presensya ng lalaki na nagngangalang Cav.
Nang subukan nya ulit maglakad ay aksidente nyang nakita si Evan na naglalakad naman papasok sa Guidance Office. May kausap itong babae na hindi nya makita kung sino.
Nagtago muna sya sa gilid bago pumikit at saka suminghot singhot nagbabaka sakaling maamoy nya kung sino ang babaeng ito.
Ngunit sa kasamaaang palad ay wala syang maamoy, parang nakablock ang amoy nito o hindi kaya tama si Evan kanina, na baka nag kagulo gulo na utak nito dahil sa sari-saring amoy sa paligid nya.
Nang sinubukan nyang lumabas, si Evan nalang ang nakita nya na papasok ngayon sa guidance office.
"Ano kaya ang gagawin nya diyan?" - turan nya sa kanyang sarili.
Agad syang nagtago ng biglaang lumingon si Evan sa kayang direksyon.
Ilang segundo pa ang kanyang hinintay ng sya ay lumabas muli. Dahan dahan ang kanyang lakad papunta sa tapat ng opisina. Nagdadalawang isip kung dapat ba syang pumasok o hintayin si Evan na lumabas sa loob.
Dahil sa inis ay pinili na lamang nyang maghintay sa labas. Umupo sya sa upuan kung saan nakalagay ang waiting area.
Limang minuto
Sampung minuto
Bente minuto
Trenta minuto
Kalahating oras na syang naghihintay sa labas ng opisina ngunit walang lumalabas dito. Kaya naman ay nagdesisyon syang tumayo at pumasok na sa loob.
Inayos nya muna ang kanyang uniporme at bag maging ang kanyang buhok.
"Okayyy I'm ready!!!" - sigaw nyang pabulong pagkatapos ay dere-deretsong naglakad sa tapat ng pinto.
Ngunit kakatakot pa lamang sya ng biglang bumukas ang pinto. Dali dali syang tumakbo sa gilid ng opisina at binuksan ang classroom upang makapag tago.
Hindi na nya naisipan pang makinig sa usapan at silipin kung sino ang lumabas. Ang importante ay ang patigilin ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa kaba.
Hawak-hawak sa kanyang dibdib, ay pinapakalma nya ang kanyang sarili.
"Muntik na yon!! - sabi nya sa kanyang sarili.
Nang maramdaman nyang wala ng tao sa labas. Ay dahan dahan syang naglakad sa pintuan. Sinilip nya muna kung wala ba talagang tao sa labas bago dahan-dahang lumabas ng pintuan. Nang isarado na nya ng pinto ay may biglaan namang nagsalita sa kanyang likod.
"Anong ginagawa mo diyan?" | "Ay kabayo!!!!"
Sabay nilang sabi. Bigla namang humarap si Kari upang makita kung sino yon.
"Sir nakakagulat ka naman!!!" - kabadong sigaw nya pagkatapos ay humawak sa kanyang dibdib. Mukhang magkakaroon sya ng sakit sa puso dahil lamang sa gulat.
Ngunit isang malamig na tingin lamang ang binigay ni Cav.
"Ano sir... Si-sinilipp ko lamang yung loob hehe" - sabi nya habang nangangamot sa kanyang ulo at hindi makatingin ng deretso sa mata ng lalaki.
"Never mind, nandito karin lang naman. Pumasok ka sa loob at mag uusap tayo" - sabi ng lalaki pagkatapos ay tumalikod at pumasok sa opisina.
Kamot sa ulong sumunod si Kari kay Cav at saka isinardo ang pinto.
Pagkapasok sa loob ay inikot nya ang kanyang paningin nagbabaka sakaling nandito si Evan.
"Ehem" - napalingon si Kari kay Cav at nakita na lamang nyang nakabukas na ang bookshelf na secret door din.
Napatingin sya kay Cav na ngayon ay nakataas ang kilay sa kanya.
Nagets naman agad ito ni Kari, dali-dali syang sumunod at pumasok sa loob ng kwarto. Nakarinig sya ng click hudyat na ang pintong nilusutan ay nagsara na.
Napalingon si Kari dito pagkatapos ay sinundan ng tingin si Cav. Kumuha ito ng tubig sa may lamesa sa gilid kasabay ng isang folder na nakalagay sa gilid ng mesa sa may bookshelf.
Sabay itong binigay ni Cav sa kanya, agad naman nyang itong inabot.
Pagkatapos nito ay pumunta si Cav sa may unahan upang buksan ang t.v.
Ang kwarto ay parang salas may sofa sa gitna at sa harap nito ay telibisyon. May mini kusina kung saan kumuha si Cav ng tubig. May mini ref din at cr. Hindi mawawala ang book shelf na nasa gilig ng mesa habang may double deck naman na higaan sa tabi ng sofa na natatabunan ng malaking kurtina bilang dibisyon sa pagitan ng salas at kwarto.
"Tatayo ka na lang ba diyan?" - natigil ang pagmamasid ni Kari sa buong paligid matapos magsalita ni Cav.
Agad syang tumalima at umupo sa sofa sa tabi ni Cav, ibinaba nya ang tubig pagkatapos ay binuksan ang folder.
"Samantha Alejo isang estudyante sa Grade 12, nag iisang anak ng mag asawang Alejo na may ari-arian sa buong bayan ng Poblacion dalawang mansyon sa may Sta. Rosa at dalawa naman sa may San Pedro" - napatingin sya sa monitor kung saan doon din ang tingin ng lalaki.
Ang folder ay naglalaman lamang ng mga pangalan, ayon ito sa kanyang nakita matapos nyang dignan ang bawat pahina.
"Kasama ba ito sa limang estudyante kanina?" - tanong nya kay Cav.
Agad naman itong tumango bilang sagot sabay tingin sa kanya.
"Ang huling namatay sa kanila" - bumalik naman ang tingin ni Cav sa monitor.
"Meaning??? Hindi sila sabay sabay namatay?" - paninigurado nyang tanong kay Cav.
Tumayo naman si Cav at saka kumuha ng tubig sa ref.
"Oo" - sagot nito saka bumalik sa sofa.
"Nga pala na sabi ng Uncle mo na may kakaiba kang ability pagdating sa pang-amoy. Nakapag solve ka narin daw ng isang kaso"- panimula nya sabay bukas sa bottle water, upang uminom.
"Ahh.... Oo... pero may katulong ako non"- napahinto si Cav sa pag inom ng sabihin ni Kari ang mga katagang iyon.
"Sino?" - curious na anong ni Cav bago uminom ulit ng tubig.
"Boyfriend ko.. si Evan" - bigla namang nasamid si Cav matapos iyon sabihin ni Cav.
"I got yah!!! Feeling ko kilala nya talaga si Evan. At may alam sya about sa babae na kasama nya kanina!!"- sigaw ng isipan ni Kari.
Agad nya itong inabutan ng panyo na galing sa bulsa ng skirt nya.
"Oh bakit?? Nagulat kaba na may boyfriend ako? o nagulat ka na boyfreind ko si Evan?" - tanong nya dito habang sinusundan nya ito ng tingin.
"Boyfriend mo si Evan" - pag uulit nyang tanong na parang naninigurado pa sya kung totoo ba ito?
"Teka nakaka offense naman yang tanong mo parang sinasabi mo na hindi ako kamahal mahal ahhh!!!" - dahil sa inis ay napataas ang kanyang boses sabay ng kayang pagtayo.
"Masama nabang mag tanong at makasigurado?" - balik na tanong ni Cav habang naka mustra ang seryoso nitong mukha.
Bumalik sa pagkakaupo si Kari at naisipang itanong ang bumabagabag sa kanyang isipan.
"Wait... May babae ba si Evan ko?" - hindi mapigilan ni Kari ang maging emosyonal naiisip palang nyang may babae na si Evan ay parang sinasaksak na ang kanyang puso maging ang kanyang balunbalunan.
"Aba malay ko" - balik na sagot ni Cav matapos ay tumutok ulit sya sa monitor.
"Nakita ko syang pumasok dito kasama yung babae, --- hindi ko nga lang naamoy kung sino ba yung babae" - sagot ni Kari na sa dulo ay naging bulong na lamang.
"Huh? Babae?" - tanong ni Cav habang inaalala ang babae.
"Nevermind. Hindi ko naman talaga sya boyfriend wala akong karapatan" - sagot ni Kari na malayo sa tanong ni Cav, napatingin naman si Cav sa kanya.
Pagkatpos nyang sabihin yon ay inagaw nya ang remote at saka inoperate ang next.
"Callex Asena, ang unang namatay" - basa ni Kari sa profile ng lalaki.
Napakurap naman si Cav sabay lingon sa screen, inagaw naman nya ulit ang remote sa t.v.
"Yes 1 hour and 30 minutes ang time span o pagitan ng una at huling biktima. Lima sila pero hindi pare pareho o equal ang pagkakamatay ng pangalawa, pangatlo at pang apat na biktima" - turan ni Cav.
"Hmm sabi na ee parang may mali" - sabi ni Kari na napahawak naman sa kanyang baba na animo'y napapa isip.
"At ang mas importante dito hindi sila mismo sa classroom namatay, at hindi lahat ay dito nag aaral" - napalingon si Kari sa nalaman at nanlalaki ang matang parang gulat na gulat.
"Onoooooo, pano nangya-ya-ri yon I mean, may galit ba sila? Siya? Kasi parang level up to!" - malakas ang kabog ng dibdib ni Kari habang nauutal.
"Oh ano, in ka parin ba?" - tanong ni Cav na malayo sa kanyang tanong.
"OO NAMAN!!! ABAAAA!!!! SINONG HINAYUPAK BA KASI ITO!!!!!!" - gigil na tanong ni Kari.
"And that's our mission" - mahinahon na turan ni Cav.
Tumango tango naman si Kari bilang sagot.
Walang may alam kung sino.
Walang may alam kung paano.
Ngunit kampante si Kari at Cav na mahuhuli nila ang may sala.
---------------
Huling Pasabi Ni Author:
Hi guysss!! ang mg typos ay mulikong inayos!!!.... Alamin sa susunod na kabanata ang mangyayare sa kanilang misyon.
PS: May mga detalye din na nadagdagan ngunit hindi naman ito nakaka apekto sa buong storya.
Happy Readings!!! :)