A/N: I'm very sorry for the typos I'm not a perfect person ?. But anyways lahat naman ay pwedeng maitama.... I'll try my best to arrange everything 감사합니다 여러분 ????
------------
Naglalakad ngayon si Kari sa hallway papunta sa kanyang classroom. This time ay hindi na sya late, ngunit ang mga issue sa krimen ay kaliwa't kanan nyang naririnig.
Ginawang private ang kaso para sa kapakanan ng school at ng pamilya ng bawat biktima. Maging sa mga estudyanteng pumapasok sa paaralan na ito.
"Natatakot na nga si Mommy na papasukin ako e, kaya ayon hatid sundo na nila ako" - rinig nyang wika ng babae.
"Okay na yan kesa naman yung mommy ko sabi nya wala naman daw kaming kaaway kaya hindi daw ako mamatay. Masamang damo daw ako" - napailing naman sya sa kanyang narinig.
Nagdere deretso na lamang sya sa paglalakad ng bigla nyang nakasalubong si Evan na deretso lamang ang tingin sa kanya.
"Ohh Evan good morning!!!!" - hype na bati ni Kari sa kanya.
"Bakit hindi ka nagrereply?" - may pag tatampong tanong ni Evan kay Kari.
"Oppsss sorry!!" - may pang aasara na sagot nya pagkatapos ay nilagpasan nya ito.
"Heyy Kari!! Galit ka ba?"- nakasunod na sya ngayon kay Kari na parang naghahabol, ngunit si Kari ay hindi sumasagot at tuloy tuloy lamang sa paglalakad.
"Yahhh!!" - dahil sa inis ay huminto sa paglalakad si Evan bagkos ay sumigaw na lamang, ngunit si Kari ay hindi natinag.
"Tss" - sabi ni Evan sabay irap kay Kari na ngayon ay nakaharap na sa kanya. Ang inis ay napalitan ng seryosong mukha.
"Nga pala!! Hindi muna ulit tayo sabay uuuwi kasi may lakad ako byyee!!" - sigaw ni Kari sabay talikod, maya maya lamang ay nawala na ito sa paningin nya hudyat na nakapasok na ito sa classroom nila.
"Maging sa recess!!!!" - pahabol ni Kari na sumilip sa may pintuan at sumigaw. Bago pumasok muli
Ang classroom ni Kari ay nasa dulong bahagi ng hallway sa ikapat na palapag samantalang ang kay Evan ay malapit sa hagdan, kung kaya hindi talaga makikita ni Kari kung umalis o umuwi naba talaga si Evan kahapon. ( Pertaining in Previous Chapter 1).
Gaya ng sabi ni Kari ay hindi nga sila sabay nag recess, pumunta kasi si Evan sa classroom nito at katulad ng inaasahan ay umalis daw ito, hindi sinabi kung saan pupunta.
"Tss bakit hindi sinabi kung saan pupunta" - turan na sabi ng kanyang isipan.
Matapos ang klase sa hapon, dere-deretsong lumakad palabas ng classroom si Kari. Hindi naman ito napansin ni Evan na abala sa paglilinis ng classroom.
Pumunta si Kari sa library upang simulan ang mission ng pag iimbistiga, at ito ang napag usapan nila kahapon.
|Flashback|
"Ang pangalawang biktima ay si Zeron Legaspi, not a student here, but his sister is. Palagi syang nasa library dahil ang ate nya ay laging nakatambay doon together with her boyfriend. Look out in short" - panimula ni Cav pagkatapos ay binigay ang picture ng kapatid.
Kinuha naman ito ni Kari at nanlalaki ang matang napatingin kay Cav.
"Yes she's the girlfriend of the first victim" - pagkukumpirma ni Cav.
"Wait, ang pangalawang namatay ay kapatid ng girlfriend ng unang biktima, so meaning konektado sila... Gaya ng sinabi mo kanina" - mahabang lintaya ni Kari, habang nakatingin sa letrato.
"Alam mo ba ang ginagawa kapag may look out??" - tanong ni Cav kay Kari.
Nag-isip muna si Kari, dahil si Evan ay minsang look out din nya kapag may iniimbistigahan syang kaso, ngunit sa library, pagkatapos ay may boyfriend.. look out.
Gulat ang rumehistro sa mukha nya at unti-unting tumingin kay Cav na ngayon ay nakatingin sa kanya...
"Don't t-tell m-m-e......." - hindi na pinatapos pa ni Cav ang sasabihin ni Kari at saka tumango dito.
"At dahil konektado ang una at ikalawang namatay, mas magandang dito muna tayo magsimula" - desididong saad ni Cav habang nakatingjn sa monitor kung saan nag-flash ang picture ng library.
"Sa library" - Kari
| End of Flashback |
"Hayss hindi ako mahilig sa library pero pipilitin ko" - lintaya nya sabay hingang malalim.
Matapos ang ilang buntong hininga, pumasok na nga si Kari sa loob. Konti lamang ang estudyante na narito, pumunta sa may librarian desk pero nakalagay ay 'On Vacation'.
"Pwede pala ang ganito sa library" - sabi ng kanyang isipan.
Nag iisip-isip si Kari kung saan kaya maaaring gawin ang bagay ma iyon.
"For sure sa sulok yon" - muling linya ng kanyang isip.
May kalakihan ang library at maaaring sa bawat dulo ng library ay pwedeng mangyari iyon.
Tumigil sya sa unang sulok ito ay malapit sa aircon, at sa may mga computer, maging sa printer.
"Malabong dito yon, may mga estudyanteng dito nag rereserch at syempre nagpiprint"
Lumkas syansa kabilang dulo ng library na kung saan dito naman matatagpuan ang C.R
"May posibilidad ngunit konti lang" - ang comfort room ay nahahati sa dalawa, isa sa lalaki at isa sa babae.
Muli syang lumakad papunta sa kabilang sulok ng library, dito ay puro libro, libro kung saan mga luma at hindi na nagagamit na libro, mga nakatambak mula pa noong past curriculum.
Napansin nyang may isang bookshelves na hindj nakadikit sa pader, pagkasilip nya dito ay puro karton ito, may mga tela na may alikabok.
Sinuri nya ang mga karton, at puro mga elementary books ito.
"Elementary books?? Ang elementary ay nasa kabilang building pa. Paano nagkaroon nito dito?" - tanong nya sa kanyang sarili.
Kinuha nya ang kanyang phone at saka kinuhaan ng litrato ang pwesto na ito. Maaaring clue ito, o maaaring dito nila ginagawa ang kababalagha na iyon.
Napabuntong hininga sya bago naglibot muli, ang huling stop ay malapit sa bintana. Ang kurtina ay bukas at mas maraming table dito kesa sa iba.
May isa na syang pwesto na nakita na malaki ang posibilidad doon ang spot nila.
Umupo sya sa mga upuan sa library upang magpahinga. Nilibot nya ang buong library mula sa kanyang pwesto at dito, kita ang lahat ng estudyante.
"Dapat dito naka pwesto yung librarian desk" - puna nya, ngunit sa view din na ito hindi makikita ang pwestong nasilipan nya kanina.
Tinignan nya ang picture na kinuha nya kanina. Sa pagsisilip dito ay may nakita syang parang cellphone na nakaipit sa mga libro.
"Cellphone ba ito?" - tanong nya sa sarili bago zi-noom-in ang picture.
Ngunit bago pa nya makita ng tuluyan ay biglang nag vibrate ang kanyang phone.
"Si Cav" - basa nito sa pangalan ng nag text.
From Cav.
I'm on my way.
Tinignan nya ang orasan at pasado alas kwatro na pala.
Nag desisyon syang tumayo. At umalis na sa libray. Napansin nyang wala ng gaanong estudyante sa loob at since wala namang tao sa may librarian desk ay hindi na syang nag atubili pang mag log out sa attendance sheet.
Paglabas nya ay may kakaibang amoy syang nasalubong.
"Amoy kalawang" - lintaya ng kanyang isip.
Pinili na lamang nyang hindi ito pansinin, ngunit napatigil sya sa paglalakad ng biglang tumaas ang balahibo nya sa kanyang batok. Palatandaang mag nakatingin sa kanya.
Sa repleksyon ng bintana sa classroom na nakabukas nakita nya ang isang lalaki na masama ang tingin sa kanya.
Nagbilang sya ng tatlo bago kumaripas ng takbo. Dahil sa chubby sya ay mabilis syang hingalin at manghina ang kanyang tuhod. Ang Library ay nasa ikatlong palapag.
Pero dahil nasa pinakababa ang Guidance Councilor ay doon nya mas piniling pumunta.
Habang bumababa sa hagdanan ay makikita nya ang lalaking sumusunod sa kanya.
"T-teka-a bakit parang nahihilo ako, ohh sh*t hindi ako pwedeng huminto, may kutsilyo syang dala" - malapit na sya sa first floor ng bigla syang matisod sa sintas ng kanyang sapatos.
"O-ouchhh" - inda nito sa kanyang paa, napasama ang kanyang pagbagsak, at dahil pinili nyang umorong paatras habang nakaupo, upang makita ang anino ng lalaking pababa palang sa hagdan.
Sa gilid nya ay may kwartong nakasara, "Storage room" basa nya sa nakasulat sa pinto. Unti unti syang tumayo, at sinubukang buksan ang ngunit bago pa ito mangyare, ay bigla nalang itong bumukas at huli na ng malaman nyang may humila sa kanya.
Agad tinakpan ng humila sa kanya ang kanyang bibig, tinignan nya kung sino ang humila sa kanya, salamat sa sinag ng liwanag na galing sa labas.
"E-van???" - dahil sa salamin nakilala nya agad kung sino ito, ngunit ng tumingin ito sa kanya, ay mas cold pa sa ice water ang mga mata nito.
"G-ga-lit ba sya" - nahihirapan syang sabihin ang mga salitang gustong lumabas sa kanyang isipan ng maramdaman nya ang hilo.
Dito ay unti unti syang nawalan ng malay.
Unti unting nagigising ang diwa ni Kari matapos syang mahimatay sa storage room. Unti unit rin nyang iminulat ang kanyang mga mata.
Puting kisame, yoon ang knyang nakikita. Iginala nya ang paligid, at parang pamilyar na parang hindi, sya sa lugar kung saan nya nakahiga.
Hawak ang ulo ay unti unti syang bumangon.
"Hmmm a-- arayy" - himas nya sakanyang ulo.
*PAK!!*
"ARAAYYY!" - mas lalong syang umaray ng may biglaang bumatok sa kanya. Nanlilisik ang matang nilingon nya ang taong yon, at nagbago ang kanyang awra ng makita nyang Ucle nya pala ito.
"Uncle!!!! A-- anong ginagawa mo dito?" - huli na ng malaman nyang nasa hidden office sya ng Guidane office.
"Ikaw ang dapat kong tanungin kung anong drama yan!! Hindi ka naman nauntog pero kung maka arte ka e parang dinaig mo pa yung na hostage" - bulyaw ng kanyang Uncle.
"Great ang gandang bungad"- turan ng kanyang isipan.
"Ano ba nangyare Kari?" - mahinahon naman na tanong ng Uncle nya sabay upo sa sofa sa may paanan nya. Napaayos naman sya ng upo habang inaalala ang nangyare kanina.
"AHMMM ano nga ba yon???....... "
"Ahhh alam ko na!! este naalala ko na Uncle!!!" - dagdag pa nito.
"Uncle naalala ko paglabas ko sa library may nakit akong nakatingin sa akin, tapos natakot ako saka tumakbo, naamoy ko kasi na parang kalawang, hindi ko sure kung contaminated blood ba iyon, or yung hawak nyang kutsilyo - sabi nya matapos nyang maalala ang nangyare kanina.
Napatingin sya sa kanyang uncle na ngayon ay nag iisip at tila isi-nisink in pa nya sa knyang isip.
"Tapos takbo ako ng takbo, nadapa sa may second floor, nakita ko yung storage room, so nung susunukan kong buksan may nagbukas. Biglang may humigit sa akin tapos ayon" - pagtutuloy nya sa kwento habang parang bata na nag susumbong sa kanyang guro.
"Oo tama si Cav yon"- sabi ng kanyang Uncle na parang siguradong sigurado na sa kanyang sinasabi.
"Huh?? Eh si Evan po iyon e" - pakikipag talo pa nya sa kanyang Uncle.
Kunot noo naman syang napatingin kay Kari, at saka kumurap bago nag salita.
"Si Cav ang may bitbit sa iyo" - pagkukumpirma ng kanyang Uncle na alam nyang hindi nya kayang paniwalaan.
"May salamin sya Uncle, meaning si Evan yon. Sya lamang naman yung may ganoong salamin Uncle eii" - parang batang nakikipag talo sa kanyang mga magulang.
Napabuntong hininga naman ang kanyang uncle, bago tumayo. Tumingin sya kay Kari na may seryosong mukha.
"Kari, sa sobrang pagkagusto mo kay Evan nag iilusyon ka nang nililigtas ka nya tsk, di ka naman gusto" - narinig naman ni Kari ang sinabi ng kanyang Uncle, ngunit huli na dahil ang Uncle nya ay tumatakbo na sa nakabukas na pinto.
"Hayssss magugustunan nya rin ako tsk" - determinado nyang bulong bago napabuntong hininga.
Dahil sa biglaan nyang naalala, kinuha nya ang kanyang phone at nag search.
"Hindi kaya na droga ako?? tss" - inis nyang sabi.
Right after ng klase nila, nag recess mag isa si Kari sa garden ng school, kung saan pinakatahimik, habang iniisip kung sino ang may mas malaking pursyento na maging suspect
"Ehem" - napaangat sya ng tingin sa lalaking gumawa ng ingay. Hindi nya ito kilala, ngunit sya ay chinito na matangkad ngunit moreno ang balat.
"Bakit?" - tanong nya dito.
"May nagpapabigay sa'yo" - sabi nito sabay abot sa juice na inumin.
Orange juice ito na nasa bote, paborito nya pa.
"Hindi kaya sa Evan nagpapabigay nito?" - tanong nang kanyang isipan.
Paalis na ang lalaki ng mas minabuti nyang maghabol ng tanong dito.
"Teka!! Sino nagpapabigay?" - humarap naman ang lalaki, sabay ngumit ng matamis at napakamot sa ulo.
"Hindi nya sinabi, pero secret admirer mo daw sya" - matapos nitong sabihin iyon ay tumakbo ito palabas ng classroom.
"Konti lang nainom ko pero nakakaramdam na ako ng hilo right after ng recess" - napakamot naman sya sa kanyang batok ng biglang may nagsalita sa kanyang likod.
"Kamusta pakiramdam mo?" - agad naman nya itong nilingon.
"Ano.... okay lang ako" - hindi man nya aminin ngunit nahihiya sya kapag naalala nyang may lalaking bumuhat sa kanya. Lagi syang inaasar na mabigat sya at hindi sya kaya.
Kung tutuusin, si Cav ang kauna-unahang lalaking bumuhat sa kanya.
"Good" - sabi nito sabay upo sa kanyang tabi, at binuksan ang t.v
"Sya nga pala....." - agad namang napalingon sa kanya si Cav na may kasamang pagtaas ng Kilay.
"Sa- salamat... salamat nga pala sa tulong" - nahihiyang sabi nya sabay lingon sa kanyang kaliwa.
"Tulong saan?" - tanong nya bilang sagot.
"Sa pagbuhat sa akin kahit.... ang bigat bigat ko" - pinili nyang ibulong ang kanyang sinabi.
"Hindi naan kita binuhat... hinila kita" - sabi nito, nagulat si Kari sa kanyang narinig, hahampasin nya sana ito ngunit bigla itong tumayo.
"Tsssss kainisss" - bulong nito bago napatingin sa monitor.
"Te---kaaa" - nanlalaki ang matang inaalal ang mukha ng lalaki kung saan nya ito nakita. Nang maalala ay bigla syang napatayo.
"Sya yung nagbibay ng orange juice sa akin, galing daw sa secret admirer ko!!!!!" - sigaw nito na may kasamang pagturo sa monitor. Sabay lapit kay Cav na nakatayo sa harap ng monitor.
"He drugged you..." - sabi nito na may kasamang buntong hininga.
"Yung secret admirer ko?? O yang lalaking yan??.... Sya ba yung secret admirer ko????" - sunod sunod na tanong ni Kari na hindi alam kung magiging masaya ba na may secret admirer o naiinis na may mag droga sa kanya.
Napatingin naman si Kari ng sinamaan sya ng tingin ni Cav.
"Bakit???" - inosente nyang tanong dito sabay iwas din agad dahil sa lamig na dinudulot nito sa kanyang katawan.
"Kasing lamig ng kanina hayssss" - kumpirmado nyang sabi ng maalala kung gano din kalamig ang tingin nito sa kanya kanina.
"May nakatago ba syang galit sa akin"
"HE drugged you..." - pag uulit nitong sabi, sabay bigay ng isang folder ulit sa kanya.
"I want you to study him, he is also connected to Zeron..." - napatingin naman si Kari sa folder bago kinuha ito. Binuksan nya ang folder na naglalaman ng tatlong papel.
Napabuntong hininga naman sya bago tumingin sa monitor....
___________________
Huling Pasabi Mula sa Author:
Hi!!!! Guyss!!!! So inayos ko na sya bago ko ipublish guys.... If ever na may typos parin pasensya na :)
Hope to enjoy the story!! Mwahhhh
HAPPY READINGS!!!!!