Chapter 3 - The Investigation Part 1

1163 Words
A/N: I'm very sorry for the typos I'm not a perfect person ?. But anyways lahat naman ay pwedeng maitama.... I'll try my best to arrange everything 감사합니다 여러분 ???? _______________ Masakit ang katawan ni Kira na bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa. Nagising sya sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha na galing sa bintana sa kanyang ulunan. Iinat inat syang tumayo nang biglang nagulat sa nagsalita sa likod. "Buti naman gising kana" - nanlalaki ang mata nyang nakita si Cav. "Te-- teka panong----" - nagulat sya sa kanyang paligid, hindi nya ito kwarto. "Sabi ng Uncle mo diyan ka nalang daw matulog. Kaya pinabayaan ka namin diyan" - sabi ni Cav habang kumukuha ng tubig sa ref. Nagmamadaling kinuha ni Kari ang bag at saka tinignan ang kanyang phone. "Sabado na pala" - turan nito sa mahinang boses. "OO, at unang araw ng ating imbistigasyon" - turan ni Cav habang papalit sa kanya at saka umupo sa sofa. Napanguso syan nang biglaan nyang maalala ang nangyare kagabi. "Hayss nakatulog ako kaka-aral sa lalaking iyon kagabi tsk tsk" - natigil ang kanyang pag iisip ng may kapeng lumitaw sa harap nya. "Para hindi ka antukin. Kape." - walang emosyong sabi nito bago buksan ang monitor. "Ang workaholic naman nito. Hindi pa nga ako naliligo" - sabi nito sa kanyang isipan. "There's bathroom there you can have it. I have a spare clothes in cabinet, you can have it too" - nalalaki ang matang napatingjn sya kay Cav. "Mind reader kaba???" - tanong nito sa lalaki. "Nope. I just base it on your expression. Humahaba nguso mo" - sagot ni Cav sa tanong nito. "Tss" - imbis na makipagtalo pa ay minabuti nalang ni Kari na inumin ang kape habang mainit init pa. Nilibot nya ang buong kwarto, at ngayon nya lang napansin ang vintage theme nito, ngunit sobrang manly ng amoy. Mas naeenjoy nya ang kape, mas nakakapag relax pa ng maigi. "Ang sarap naman tumira dito, dito rin kaya sya nakatira?.... Teka bakit parang naging interesado ako sa kanya" - umiling-iling sya sa kanyang naiisip. At minabuting iwaksi na lamang ito. Nang maubos ang kanyang ini-inom na kape, agad nya itong nilagay sa lababo at hinugasan. Nang sya ay matapos dumeretso sya sa banyo, na konektado naman sa cabinet na nabanggit ni Cav kanina. Binuksan nya muna ang cabinet saka kumuha ng spare bath towel at namili naman sya ng damit. "Halos lahat loose shirt, hmmm hindi ako mahihirapan dito" - pinili nyanang itim na damit ni Cav. Maging ang gray na jogging pants nito na may kahabaan. Nang bigla nyang maalala..... "Shulaayyyy..... wala pala akong under garments tss pano na ito" - sa loob loob nya ay may matinding hiyang nararamdaman maisipan pa lang nyang sabihin sa lalaki na walang bra at panty. Kamot sa ulong umiisip ng paraan si Kari ng may biglang may kumatok sa pinto. *TokTokTok* "I forgot to give you this" - dahil hindi pa man sya nakakapag hubad, ay binuksan nya ang pinto ng walang pag aalinlangan. "Wait ano yon?" - ngunit imbis na sagutin ni Cav ay kinuha naman nya ang kamay ni Kari saka inabot dito ang paper bag. Bago tumalikod para umalis. Ngunit hindi na sya nag abala pang tawagin ito dahil sa nararamdaman na nya ang pangngati ng kanyang katawan. Sinarado nya ang pinto at sinimulan ng maligo. Nagsusuklay syang lumabas sa banyo habang nasa kanang balikat naman nya ang tuwalya at bitbit ang paperbag na ang laman ngayon ang P.E uniform nya. Naabutan nya si Cav na nag tatype sa kanyang laptop, tumabi sya dito upang magpasalamat. "Cav.... salamat nga pala dito, sa damit.... I mean sa lahat lahat na pala in total...." - tumango naman si Cav bilang sagot. "Ay taray... walang thank you" Similip-silip naman sya sa ginagawa nito, na curious sya sa seryosong mukha nito. She cleared her throat, upang ihanda ang sarili sa kanyang sasabihin. "Nga pala sukat na sukat yung binigay mo sakin kanina.... Pano nangyare yon??" - tanong ni Kari sabay tingin kay Cav na ngayon ay nilingon sya. "I just based it on your weight, then I tell to the shop about it" - he answered. "Woowwww ang cool naman nila" - manghang sagot ni Kari. "Mas cool kapag nakita mo ito" - biglang hinarap ni Cav ang monitor ng kanyang laptop kay Kari. "Anong meron?" - tanong nito bago tumingin kay Cav ngunit tinignan lang aya nito pabalik, at mas minabuting itutuok ang mata at atensyon sa monitor. Maya maya ay may nakita syang naghahalikan papasok sa isang parang kwarto sa shop. Bigla naman napuntanamg camera sa kwarto kung saan nandoon ang dalawa. It looks like a mini office. Ngunit iniwas na ni Kari ang kanyang mata sa monitor ng malamang nahhihipuan na ang dalawa. Napataas naman ang kilay ni Cav saka binawi ang monitor ng laptop kay Kari. Agad nyang tinigil ang video, pagkatapos binuksan ang monitor sa T.V kung saan mga pictures nalang mula sa CCTV ang nandoon. "Wait..... ano bang meron sa video bukod sa nagchuchukchakan ang dalawang nilalang na iyan" - tanong ni Kari habang hindi maalis ang inis sa napanood kanina. "The girl is Samantha while the Boy is Callex" - he calmly said. Napatayo si Kari, na mas lalong nadagdagan ang iritasyon. "What thee--- so he hit the two birds in one stone!! A cheater indeed!!" - hindi nya alam kung saan nahugot ang pagkainis sa mga cheater, pero para sa kanya, isa silang dumi sa lipunan. "What if the suspect is one of Zeron's sister??? But Zeron is also a victim" "There's a chance but it's too small for that" - pag sang-ayon ni Cav sa sinabi ni Kari. "Hayyy parang nagsisimula ng sumakit ang ulo ko" - malungkot na saad ni Kari. "The garments you are wearing now is under in that shop. The owner is Zeron's sister named Zeryna. Samantha is Zeryna's bestfriend and Zeron's first love" - napakurap-kurap naman ang mata ni Kari sa kanyang narinig. "Wait... wait.... yung utak ko ayaw kumalma... Ang gulooo... So in the end konektado talaga sila... Ayokong mag judge pero baka yung ate talaga ni Zeron yung suspect... Ano nga ulit pangalan?" "Zeryna" "Oh ayon Zeryna" - pag uulit ni Kari habang tumatango tango pa "That's why we need to go there to find some evidences" - walang emosyong sabi ni Cav. "Wait.... what if she knows me.. she knows us...." - pag aalalang tanong ni Kari. "Disguising is not existed for nothing" - sagot ni Cav sabay smirk. Napakurap naman si Kari sa sinabi ng lalaki. -------------- Huling Pasabi Mula sa Author: Maiksi man po ang episode o ang chapter na ito pero ang susunod ay mas mahaba na. PS: I forgot to edit that Zeron is a boy okay? If you remember the word "She" under sa chapter 2 na edit ko na po sya. Basta iyon si Zeron po ay lalaki!! ^~^ Happy Readings Everyone..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD