A/N: I'm very sorry for the typos I'm not a perfect person ?. But anyways lahat naman ay pwedeng maitama.... I'll try my best to arrange everything 감사합니다 여러분 ????
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"WHAT??!!!!!" - gulat na tanong ni Kari matapos malamang magpapanggap silang ikakasal.
"Tss, if you don't want then -- "
"Its not na ayaw ko.... pero kasi.... hindi ako magaling sa aktingan" - napanguso si Kari ng maalala ang ginawa din nila noon ni Evan para mahuli ang culprit sa kasong pinakamatagal nilang naasikaso.
FLASHBACK
"Let's try to disguise, I think this time, mahuhuli na natin si Emerald diba" - suhestiyon ni Evan.
Sa kasong kanilang nireresolba, ang kaso lamang ni Emerald ang nag iisa nilang nilang kasong mag iisang linggo na.
"Oh teka pano?? impossible na sa mga kaibigan nya lang sya nagtatago kaso hindi ko naman na sya maamoy, lagpas na sa limit yung lugar nya panigurado" - ani ni Kari na hindi maipaliwanag ang kanyang nararamdaman maging ang kanyang mukha nang maabutan nilang magulo ang bahay at anino ni Emerald ay wala.
"For sure may traces" - nauna si Evan sa pag hahalungkat ng gamit, tutal ito naman ay magulo, nilubos lubos na nilang dalawa. Tumulong narin sa Kari sa paghahalungkat kahit sa loob loob nya ay gusto na nya itong isuko.
"Ano-ano ba yung mga nakalap mong impormasyon tungkol sa kanya??" - pagtatanong ni Kari.
"Marami.... Katulad nito.." - napalingon si Kari kay Evan. Nagulat sya ng makita ang isang travel brochure. Nanlalaki ang mga nitong nilapitan si Evan.
"Sa Baguio!???" - gulat nitong sabi habang tumango tango naman si Evan bilang sagot.
Bago sila nagdesisyong pumunta sa Baguio minabuti naman nilang magplano ng ligtas kesa sumugod ng basta basta. Inabot sila ng tatlong linggo dahil sa exams at school activities na kailangang masalihan.
"Ready??" - kahit kabado ay tumango naman si Kari bilang sagot.
Bumaba sila sa kotseng inarkila daw ni Evan sa kanyang kaibigan, dahil narin sa kagustuhang mahuli si Emerald ay hindi na sya nag usisa pa.
Nagpanggap silang magkasintahan na nais magbakasyon sa Baguio, ang travel brochure na nakuha ni Evan ay isang resort sa Baguio na may kakaibang desenyo. Malimit itong puntahan ng mga tao dahil sa tagong lugar ito.
"Good Evening sir, Marcus Evan po tama?" - kunot noo namang napalingon si Kari sa kanya sabay bulong.
"Nagbago na ba pangalan mo?" - umiling naman si Evan.
"Dinagdagan ko lang para cool" - napatango nalang si Kari.
"Okay sir, for confirmation lang po. One room with two bedrooms po tama"
"Tama" - magtatanong pa lamang sana si Kari dahil sa kanyang narinig ng bigla na lamang syang hinila ni Evan papunta sa elevator.
Doon ay minabuting magpaliwanag ni Evan na mas ligtas kung magkasama sila sa kwarto dahil bukod naman ang higaan. Napanguso si Karo dahil hindi yon ang inirereklamo nya.
"Hayssss okay nga lang na isa yung kwarto, pero sana pinag isa mo nalang din yung higaan" - sabi ng kanyang isip.
Nang tumunog ang elevator hudyat na bubukas na ito. Pagkabukas nito ay nakita nila si Emerald na elegante ang suot na tipong may party itong pupuntahan.
Napalingon naman si Kari na parang gusto itong habulin ngunit hinila sya ni Evan hudyat na hindi pa iyon ang oras para doon.
"It's not yet the right time Kari, we have to find a strong evidence so that she really end up in jail" - labag man sa loob ni Kari ay sumunod nalang sya kay Evan.
Kinaumagahan, nag handa ang dalawa na pumunta sa dining area para mag umagahan, nabalitaam kasi nilang dito laging kumakain si Emerald upang makahanap ng maloloko nito.
Paikot-ikot ang tingin ni Kari at hinahanap sya ng makita ang babaeng papasok palang sa Dining Hall. Alam ni Evan ang reaction ni Kari kaya muli ay pinaalalahan nya ito.
"Calm down Kari, mahuhuli rin natin sya" - pagpapa alala ni Evan kay Karo habang umiinom ng tubig na parang isang boss.
"Paano ako kakalma Evan?? Iisang tao lang sya pero hindi natin sya mahuli huli dahil sa denied evidences na yan.. tss" - bulong ngunit may halong gigil at pagkainis ang tono nito.
Sinusundan naman ni Kari ng tingin si Emerald na ngayon ay nakaupo at umoorder ng pagkain, tama nga si Evan lagi sya doon kumakain, kaya pinili nila ang pwesto kung saan sila nakaupo ngayon.
"Let acting begin" - unti - unti namang binaba ni Evan ang bask ng tubig at saka tumingin kay Kari.
"Babe..." - napalingon naman si Kari kay Evan na ipinapakita ang emosyong ni rehears nila bago bumaba ng room.
"Y-yess babe" - wala sa script ang pag utak nya pero hinayaan nalang nya iyon dahil sa kinakabahan sya.
"Jusme lord help me to overcome this Kilig, I need to be in my profession right now"
"You know that your parent's anniversary is near, what gift do you want to give them?" - he ask while slicing the meat.
"A-ahmmm...." - hindi makapag salita si Kari dahil sa kaba at dagdag pa nitong nakatingin si Emerald sa kanila.
"Anoo.. Gusto ko kasi yung accessories na galing sa Korea, kaso wala kasi non dito sa Philippines" - ngunit patingin tingin naman si Kari kay Emerald.
"Hmmm then I'll find a way to find it. Do you want to go to Korea?" - napataas naman ang kilay ni Kari. Hindi man nila nakita ngunit lumaki naman ang mga mata ni Emerald sa narinig.
"Hmmm mukhang jackpot ito ahhh hmmmm" - sabi ni Emerald sa kanyang isip. Naghintay sya ng isang minuto bago tumayo upang puntahan ang dalawang magkasintahan.
"Hi excuse? Do you mind if I join you?" - napalingon naman ang dalawa nang marinig ang babaenf huminto sa kanilang pwesto.
"ahmmm Sure" - binigyan naman ito ng pekeng ngiti ni Kari. Nakia naman nya na mag pipigil si Evan ng kanyang tawa, kaya sinipa nito ang kanyang paa na nakatago sa ilalim ng lamea.
Napa-aw naman si Evan kaya naagaw nito ang atensyon ni Emerald.
"Hi there Mr.??"
"Marcus" - tinanggap naman ni Evan ang kamay nito. Npalunok naman si Kari dahil sa selos. Nakita nito ang malagkit na tingin ni Emerald kay Evan kaya ingaw nito ang atensyon nilang dalawa.
"So what do you need to us Ms.??" - sa inis ay tila nakalimutan ni Kari ang pakay nila at mas nauna pa ang pagseselos nito =_=.
"Emerald... and take note you're the who needs me" - she say while looking at Evan for a long second before looking at Kari, na ngayon ay mamumula na sa galit. Umigting naman ang panga ni Kari ngunit nakita nya ang pag taas ng kilay ni Evan na nagsasabing 'We are on a mission, so please set aside your jealous and focus on our job'.
Pinaklma naman ni Kari ang sarili bago tumingin din kay Emerald sabay lahad ng pekeng ngiti.
"Ahmm what do you mean?" - pakunwaring tanong nito.
At doon nagsimula ang kanilang paggalaw at pagkuha ng ebidensya sa kanya. Magkatabi lang ang kwarto ni Emerald at nila Karo at Evan. Hindi ito alam ni Emerald kaya mas madali at mabilis silang makakakilos kapag wala ito.
Nakipag negosyo kuno ang dalawa patungkol sa accessories na dapat nilang bibilhin sa babae. Isang scammer si Emerald ng mga alahas, lahat ng binebenta nito ay pekeng dyamante ngunit ang presyo ay katumbas ng isang totoong alahas. Marami syang naloko gamit ang iba't ibang pangalan, kaya nagtaka sila kung bakit totoong pangalan nito ang ginamit nya.
Sa huling araw nila sa resort gagawin ang pinaka hihintay na pag huli sa scammer. At ang araw na ito ay ngayon.
"Be careful... I know you can do it" - napagdesisyonan nilang dalawa na si Evan bababa at kakausap kay Emerald at si Kari ang pupunta sa kwarto nito para sa ebidensya.
Tumango si Kari bilang sagot at sinuot ang ear piece na kanilang magiging koneksyon.
"I'm already here, but I can't see Emerald" - sabi nito sa kabilang linya.
"Yes because she's still here preparing to be beautiful" - hindi man kita ni Evan pero ramdam nya ang selos at pag irap nito? Kaya naman ay bigla syang tumawa mg mahina. Na narinig naman ni Kari.
"What's funny huh? Do you find her attractive ha?? kaya ka tumatawa??" - hindi naman sumagot si Evan.
Nakitta naman nyang umalis ma si Emerald sa unit. At nakitang pababa na gamit ang elevator. Hinack ni Evan ang CCTV habang ang CCTV naman sa kwarto ni Emerald ay sila mismo ang nagkabit.
"Umalis na sya at pasakay na ng elevator" - balita nya sa lalaki.
"Okay, ako na bahala dito" - pagkasabi non ni Evan ay binaba nya rin amg kanyang earpiece dahil sa inis kay Evan.
Naghintay pa sya ng sampung segundo bago lumabas sa unit nito. Ang password naman ng kanyang unit ay alam din nila. Hindi ito nahahack kaya ang ginamit nila na technique ay scatch tape para malaman ang finger print nito.
Nang mabuksan nya ang pinto ay hindi na sya nagdalawang isip na maghalughog sa kwarto. Kita nya kung saan tinago ang mga pekeng alahas nito.
Sa kabilang banda, nakita na ni Evan ang pagbukas ng elevator na hindi naman iniluwa si Emerald.
Nanlalaki ang matang tinawag nya agad si Kari.
"Hello Kari....Si Emerald ay wala sa elevator.... Kari!!!!??" - nang wala syang marinig sa kabilang linya. Mas mabilis pa sa isang superhero si Evan nang takbuhin nya ang elevator.
Sinubukan itong tawagan ni Evan gamit ang cellphone nya ngunit out of coverage ito. Napapamura na si Evan sa kanyang naiisip.
Wala namang kaalam alam si Kari sa nangyayari dahil nakatulala ito sa mga alahas na nakalagay sa isang bag. May mga papel din sa tabi nito kung saam magiging ebidensya nila para makulong na si Emerald.
"Huli ka na ngayon Emerald"
*Click*
Nanlalaki ang matang umikot si Kari dahil sa nagkasang baril na rinig nya.
"You're bad at acting Kari. Do you think I'm that dumb??? Huh I will kill you first before the police came here" - sa loob loon ni Kari ay ang takot na baka ito na ang huling buhay nya.
"Hayssss sayang naman yung kasama mong pogi. Tskk mukhang matatagalan pa syang makaakyat dito" - tinignan nya ng masama si Emerald na naging dahilan kung bakit mas diniin pa nito ang baril sa kanyang ulo.
"Ayoko sa lahat ay yung pakialamera. Poor girl, you think mahuhuli mo ako just by disguising?? Na uhhh dahil naging handa din ako dito" - naiinis man ay hindi na alam ni Kari kung ano ang susunod nyang gagawin. Na bablanko na ang utak nya kakaisip kung bakit hindi nila ito napaghandaan noon.
"You know what was the las word she say??" - pabitin na tanong nito bago unti unting lumapit kay Kari.
"She is confident in saying that you will hunt me no matter what... HAHAHAHAAHAHAHA" - demonyo ang tawang nilabas ni Emerald bago sinampal si Kari na naging hudyat ng pagbagsak nito sa lupa.
"Napaka pakialamera mo!!!!! Kumg hindi dahil sa'yo nagsasama pa sana kami ni Jacob!!!! gusto ko lang namang makita ng pamilya nya na hindi kami magkaiba sa buhay ehh!!!!! Hindi naman ako nagnakaw diba!! Pero dahil sa kakatihan ng kamay mong akala mo isa kang bayani!!! Iniwan nya ako!!! Iniwan ako ni Jacob!!!" - nanlilisik ang matang tumingin si Kari kay Emerald, at bigla syang sinugod. Nagulat si Emerald sa nangyari kaya nabitwan nya ang baril.
"Mali ka!!!!! Ikaw ang hindi makuntento sa pagmamahal sa'yo ni Jacob.... Ikaw ang dahilan kung bakit ka iniwan ni Jacob. Hindi mo ginawa ang manloko para lamang maging pantay ang buhay nyo ni Jacob... Ginawa mo yon dahil hindi ka makontento sa buhay na meron ka Emerald... Pumatay kapa ng inosente!!!" - hindi namalayan na nasa pader na sya at bagsak na umiiyak.
"Hindi yan totoo!!!! Hindiii!!!!!!!!" - nagulat si Kari ng biglang naglabas ng patalim si Emerald at susugurin sya nito ngunit isang putok ng baril ang narinig nila.
"Emerald Castillo!! You're under arrest for illegal selling, illegal gambling and murder. You have right to remain silent. You may contact your lawyer to process your case" - napatingin si Kari sa dumating at nakita nyang ito ay ang kanyang Uncle. Naptingin si Kari kay Emerald na may tama ng baril, habang pinoposasan ng mga pulis.
END OF FLASHBACK
"So ayaw mo??" - pagtatanong ni Cav kay Kari na ngayon ay nakatulala.
"Hindi sa ayaw ko pero baka may iba pang paraan. You know mas better sa disguising" - nangangamba si Kari na baka may mapahamak ulit dahil sa kanya.
Ayaw man nyang tanggapin pero tama naman si Emerald, kaso hindi nya mapigilan ang mag imbistiga dahil para sa kanya, nasa dugo nya ang pakiki usosyo sa mga kaso.
"Hmm hindi naman kita pipilitin, pero it's fine if you don't want to, we have many ways to find it out" - napatango si Kari bilang sagot.
Maya maya ay marinig nilang may kumatok, binuksan ni Cav ang pinto at inluwa non ang Uncle ni Kari.
"Should we start the plan B?" - napatingin si Kari kay Cav na tumango, kaya tumango narin sya bilang sagot.
"Okay... Zeryna is the owner of Blossom shop, dress, garments and other staff na ginagamit ng mga babae or sinusuot" - isa isang nilabas ng uncle nya ang mga litrato ni Zeryna na sa loob ng shop.
"She has an assistant name Samantha" - pagpapatuloy nito sabay labas ng litrato ni Samantha.
"Zeryna has a boyfriend name Callex" - sabay labas ng picture ni Callex.
"Last one is Zeron, her brother" - at sinunod ang picture na ilabas.
"The primary suspect that we have is Zeryna, dahil ang tatlong konektado sa kanya, ay patay na" - napatango tango naman si Kari.
"I know you Kari saw the two names right? At hindi pa ito nadidiscuss sa'yo ni Cav dahil hindi pa kumpirmado ang dalawa kung may koneksyon ba ito" - tumanog ulit si Kari bilang sagot.
"Marc Pastro and Kevin Gil ay magpinsan. Pano sila nadawit sa sitwasyon?" - napatingin si Kari kay Cav na ngayon ay nakatingin sa kanya maging ang uncle nya
"Ohh bakit sakin kayo nakatingin??"
"Hinahanda ka lang namin sa maririnig mo" - napakunot noo naman si Karo sa sinabi ni Cav.
"Hmmm si Marc at Kevin ay kaibigan ni Callex, hindi sila dito nag aaral dahil naka home schooling sila after the incident ng pagbebenta ng m*******a" - panimula ng Uncle nya.
"Ahmmm okay?? So nadawit sila sa krimen dahil siguro tinolerate nila yung kaibigan nila na manloko???"
"Almost there but No" - sagot ng Uncle nya. Naglabas ito ng litrato at nang tignan ito ni Kari ay laking gulat nya ng may picture si Zeryna na nakahubo't hubad kasama ang dalawa.
Lumapit si Kari sa dalawa at bumulong.
"May affair sila?!!"....
.
.
.
.
.
Kinabukasan maagang bumangon Kari upang ihanda ang sarili. Dahil sa nerd ang kanyang stilo, ginaw nya ang sinabi ng uncle nya. Kumg dati ay palagi syang naka bun, ngayon ay naglugay sya straight ang buhok na may kasamang konting bangs. Sinuot din nya ang contact lenses nya inabot ni Cav sa kanya.
"Mayaman siguro yon" - sabi ng kanyang isipan habang sinusuot naman ang dress na binili din daw ni Cav.
Ang plano nila ay pupunta si Kari sa shop upang bimili ng dress na susuutin nito sa party na pupuntahan nila.
Kinakabahan man ay handa si Kari na malaman ang totoo sa likod ng matinding krimen.
"Whooo hand na ako" - lumabas si Kari ng kanyang kwarto at dere deretso sa pintuan. Hindi na nya nagawa pang mg paalam sa Uncle nya.
Pagkalabas nya ay nagtawag sya agad ng taxi at nang makasakay ay tinuro nyanang address ng Blossom Shop.
Matapos ang sampung minutong byahe ay narating na mga nila ang destinasyon.
"Sige kuya ito po bayad" - bumaba na sya ng taxi at hinarap ang shop.
"Kaya ko ito, hindi ko dapat sila biguin..... Sana nandito si Evan para mas lumakas loob ko"
.
.
.
.
.
Author's Note:
I'm very sorry for the slow update, busy sa school works and at the same time sa bahay... But I'll try my best and do everything that I can ....
PS: I'm sorry for some typos.. the next chapters will update soon... Thank You.. !!! ^_^^_