"HINDI MAARI!" Wika ko habang nakatingin lang ako sa mukha ni Mr. Magnum. Nababanaag mula sa mukha nito ang labis na kasiyahan sa aming pagkikita. "Pero panong?'' Sa pagpapatuloy ko. Napaiktad ako ng kaunti sa aking kinatatayuan. Napatingin din ako sa aking mga kaibigan. Mula sa mga mukha nila ay nakikita ko rin ang aking kaparehong reaksiyon. Walang iba kundi gulat at takot.. Unti unting binuka ni Mr. Magnum ang kanyang bibig. Tinaas niya ng bahagya ang kanyang kamay at sinabi. "Kunin sila at dalhin sa kabilang kwarto." Utos nito sa kanyang mga alagad. Agad na kumilos ang mga lalaking nakaputi. Pumusok sila sa may kwarto at agad nila kaming pinaghahawakan sa aming mga braso. Nagpupumiglas ang bawat isa sa amin. Pilit naming tinatanggal ang mga matitigas nilang hawak tungo sa aming mga

