HINANG HINA ANG BUO KONG KATAWAN. Namumula rin ang buo kong paningin dahil narin sa dugong umaagos sa aking mga mata. Hindi ko rin maigalaw ang buo kong katawan habang nakasalamapak parin ako sa loob ng kotse. Parang mga piraso ng candy na nakasabog ang pira pirasong basag na salamin sa may car seats. Ito lang kasi ang nakikita kong sinaryo sa aking harapan. Unti unti kong inangat ang aking ulo. Sa unahan ng kotse ay nakita ko si Mr. Lito na naka tingala lang sa may driver seats. Halos hindi na ito huminginga na sa harapan nito ang yuping bahagi ng sasakyan. At ang naka laylay na sanga ng nanggaling sa nabangga naming puno. "Mr. Lito. Gising po!!! Wika ko habang pilit kong tinatapik ang kanyang mukha. Pero kahit na anong tapik ko mula sa mukha nito ay walang akong sagot na naririnig. M

