NAKATURO LANG SI ASHLEY SA MAY PINTUAN. Samantalang ako naman ay halos hindi na makapaniwala sa mga nangyayari. Pinagpapawasan ako ng malutong lutong habang nakikita ko ang kabiyak na mukha ni Ashley sa may siwang ng pintuan. Sabayan pa natin ng kanyang hintuturo na walang kasing tuwid kung maituro ang kinalulugaran ko. Ay hindi! Naming tatlo. Dahan dahan na nilingon ng nakaputing lalaki ang kanyang ulo sa may pintuan. Matagal siyang nakatitig rito na tila nakikita niya kami mula sa may labas. "Dito ka lang... No.1201" Wika nito kay Ashley sabay baba ng hawak hawak nitong bulak na may povidone-iodine. (Betadine) Tumungo lamang si Ashley sa command ng lalaking yun. Mula naman sa labas ay nagtaka si Patricia. Bigla kasi akong umalis mula sa pagkakasilip ko sa may butas. '' Lika na!" Sa p

