Secret no.19

1436 Words
NANDIDILIM ANG KALANGITAN ng hapon nayon. Nakatingin lang ako sa may bintana ng sala ng dormitoryo at pinagmamasdan ang galit nga kalangitan ng biglang dumating ang barkada. "Oii ano na?" Bati sa akin ni Rupert pagkatapos niyang ilapag ang kanyang bag sa may sofa.  Habang tila pagod ang lahat at panadaliang nakaupo ay saka naman ako kumilos. Mula sa aking bag ay inilabas ko ang envelope na lalagyanan ng mga litrato. Tinagilid ko ang lamesa sa may sala at mula sa carpeted na sahig nito ay kinalat ko ang mga litrato. Agad namin itong inimbistigahan. Habang nag nagmamasid ako sa mga litrato ay katabi ko si Rupert para i explain ang bawat isa. Habang sa may pintuan naman ay si Michael ang naatasang look out namin. Hindi na nakayanan ng kalangitan ang galit. Biglang bumuhos ang malakas na ulan sa buong magnum. halos zero visibility ang masisilayan sa buong paligid. "Grabe namang ulan yan." Bulalas ni Patricia habang nakatingin sa bintana. Habang si Goldie naman ay biglang nagsalita. "Guys mukang may tao sa labas?" Wika niya sa mataas na boses. Secret no.19: The Girl with No Memory - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D Kumidlat ng malakas. Kasabay nun ay parang panandaliang nandilim ang paligid ng brown out pala. Punyemas naman ohhhh! Agad kong niligpit ang mga litrato sa may sahig. Sa tulong ni Rupert ay parang kidlat naming napasok ang lahat ng mga litrato sa may brown envelope. "Oii guys meron talaga!!!'' Parang natatakot na boses ni Goldie. "San ba yun?" Wika ko.  Sinilip ko ang bintana. Ilang dipa lang kasi ang layo nito sa may pintuan ng dorm kay kahit na kalahati lang ng katawan ng nakatayo rito ay makikita mo. Nung una ay wala akong makita. Dahil narin sa lakas ng ulan na nagiging zero visibility ang buong  paligid at Brown out pa. "Alam nyo guys wala." Wika ko habang nakasalampak parin ang muka ko sa bintana. Pero nag iba ang aking pananaw ng biglang kumidlat. BOOOOM! Biglang humampas ang liwanag nito sa may pintuan. Tila isang malaking flashlight ang pinakitang gilas nito sa akin. Nang nailawan ang harapan ng pintuan ng dorm ay dun. Walang kaduda dudang may tao nga. "Guys may tao nga!" Sa gulat ko. "Oh diba meron? Sabi ko na nga ba eh." Pag aapila nan ni Goldie. Agad naming pinuntahan ang pintuan. Madilim ang buong paligid at ang konting liwanag lang ng buwan ang nagbibigayng liwanag kaya naman eh kinailangan namin ang tulong ng flashlight.  Dahan dahan kaming nagtungo sa may pintuan. Hindi naman ako natatakot pero kahit papano ay tumitibok ang puso ko. Feeling ko kasi eh nasa isang horror movie ako na kung saan eh. Haharapin na namin ang killer. Nang malapit na kami sa may pintuan ay biglang kumidlat ulit. BOOOM! Mula sa kalahating parte ng glass door ng magnum ay nakita namin ang halatang pigura ng isang tao.  "Lika na puntahahn na natin." Wika ko sa normal na boses. Rinig na rinig pa namin ang lagaslas ng ulan mula sa pintuan. Para itong galit na galit at may pinaghuhugutan. Unti unti kong pinihit ang doorknob ng pintuan. Saka ko ito binuksan. Mula sa aming harapan ay bumungad sa amin ang isang babae. Natatakpan ang buhok nito ng kanyang mahabang buhok at basang basa ang suot nitong damit. Tamang tama naman na bumukas ang ilaw. Lumiwanag sa buong paligid ng nangyari iyon. Halos  sumakit ang aming mata sa kaagad na pag sulyap ng liwanag sa aming mata kaya naman eh. Pumikit muna kami panandali. Sa muli naming pag dilat ay mas nakita namin ang itsura ng babaeng ito. ngunit mas napatingin ako sa expression ni Rupert. "It cant be?" wika ni Rupert na nakanganga. "Huh bakit? Kilala mo siya?" Tanong ko rito.  Para maaman kung sino siya ay dahan dahan akong nagtungo sa kinarorornan ng babaeng ito. Hinawi ko ang buhok ng babaeng iyon. At dun ko ang napag tanto na yon pala si Ashley. X~X~X "ASHHHLEY!!!!!!" Siagw ni Goldie pagkakita sa kaibigan. Hindi nila lubos akalain na bigla nalang darating si Ashey sa pintuan ng magnum ng pabigla bigla. Kung ano ang kamisteryosong pagka wala nito ay ganun din kamisteryoso ang muli nitong pag babalik. Basang basa ang katawan ni Ashley sa may ulan. Nakasuot ito ng puting bistida at nakayapak.  "Ashley san ka galing?" Tanong ni Patricia na umiiyak na. Pero hindi nag sasalita si Ashley naka tulala lang ito at paminsay minsan eh tumitingin sa mga mukha namin. Parang nangingilala. Agad nilang pinunasan si Ashley na tuwalya. Pinunasan nila ang mahaban nitong buhok at binalutan ang kanyang buong katawan ng makapal na tuwalya para maiwasan ang sobrang lamig. Habang ginagawa nila yon ay bigla namang dumating si Mr. Fausto. Tila mismong sila eh hindi makapaniwala sa pag balik ni Ashley. "Por diyos por santo! Totoo nga!!" Bulalas nito habang naka pray sign ang mga kamay. Dumating din ang iba pa roon. Halos nagdagsaan na ang ibang estudyante sa may sala.   Sila Goldie naman ay walang sawang pag yapos sa kaibigan. Halos sinusulit nito ang bawat sandali ng kanilang pag kikita. Nang walag anu anoy biglang nag salita si Ashley at tuminign sa amin. "Sino kayo?" Wika nito. Biglang napatigil si Goldie sa pagyakap sa kaibigan. Nagulat siya sa narinig. Halos hind naman maiwasan na magbulungan ang iba pang estudyante sa narinig nila. Sabagay kami rin ehhhh. "Mabuti pa eh ihatid muna natin siya sa kanyang kwarto." Wika ni Mr. Fausto. Habang sinesenyas ang kamay. Mula sa tulong ng iba pang guro ay inilalayan nila si Ashley sa kanyang kwarto. Habang kami nila Rupert naman eh naiwan lang sa may sala. "Ang wierd!" Bulalas ni Michael habang parang na co confuse. "Ano siya nagka amnesia?" Tanong naman ni Rupert. "Hindi natin alam." Sabi ko. "Tanging siya lang ang makakasagot niyan." Sa aking pagapapatuloy. X~X~X Sa hapunan nag luto si Mrs. patty ng Menudo. Haii nako namiss ko talaga ang mga gantong ulam bigla ko tuloy na miss ang mga luto ni Nanay. Sa kabilang banda eh parang nahalata ko na tahimik lang ang lahat. "Anong nangyari sa inyo?" Sa pagkagulat ko. Pero huindi lang sila umimik.  "Pagpapatuloy paba natin yung ano? Pagpupuptol ni Michael. "Ewan ko?" na pati ako eh napaisip. Pagpapatuloy pa kaya namin ang mga pagsisiyasat sa mga misteryo ng Magnun kung nandito na ang bagong biktima?kayo sa palagay ninyo?  Nakabusangot parin ang lahat ng biglang dumating ang tatlong maria. Inaalalayan nila Patricia at Goldie si Ashley habang papunta ito sa may lamesa. Pagka upong pagka upo ni Ashley ay biglng ng ingay si Rupert. Tila winasak niya ang katahimikan na bumabalot sa bawat isa ng gabing yon. "Ashley ako pala si Rupert. yung Ex mo!' Banat niya. Habang nakataas ang kamay at parang nakikipag kilala. "Talaga?" Wika naman ni Ashley sa pagtataka. "Nako wag ka diyang maniwala at nilololoko ka lang niyan." Singit naman ni Goldie sabay tawa. Tumawa ang lahat pag katapos ng pag bibiro ni Rupert. Pero kahit na anong tago nila sa kanilang kalungkutan ay kusang lumabas parin ito. Unti unting sinubo ni Ashley ang ulam na niluto ni Mrs. Patty ng gabign yun. "Pweee!' Expression nito sabay dura sa pagkain. Napatingin sa kanyan ang lahat.  "Bakit Ashley ayaw moba?" Tanong ko. "Hindi ko alam pero ayoko ng lasa." Wika nito. "Masarap naman ahhhh." Banat ni Michael. "Sigurado kang hindi mo gusto?" Tanong ulit ni Goldie sa kaibigan sabay lungkot ng mukha. "Pasensya na pero hindi ehh." Wika ni Ashley sa malumanay na boses. "Eh Ashley yan ang pabrito mong pagkain ehhh.'' Wika naman ni Patricia. Nanahimik nanaman ang lahat. Parang ang OA naman kasi na pati ang mga paborito niya noon ay hindi na niya gusto ngayon??? Teka teka. Parang may naamoy akong iba rito ahhh?  Tapos ng kumain ang lahat. Naghuhugas ako ng plato kasama si Patricia. Kami kasi ang nakatoka ngayong gabi. "Patricia?" Tanong ko rito. Habang sinasabon ko ang mga baso. "Bakit?" Sagot naman niya sabay tigil sa pag sasabon ng plato. "Wag kang magagalit ahhh! Pero tila may kakaiba kay Ashley." Pagsasagi ko. Panandalian niyang hinugasan ang kanyang kamay at tumalikod sa akin. Parang tila siya eh nag iisip. "Oii wag kang magalit. kung ayaw mong pag usapan ehh! okey lang." Wika ko sabay pag patuloy sa aking ginagawa. "Alam mo. Pati ako eh may ibang nararamdaman kay Ashley." Wika niya. Pero nakatalikod parin sa akin. "So anong plano?" Tanong ko kaagad. "Subaybayan natin siya. At kailanagn ko ng tulong mo.''  Wika ni Patricia sa akin. Sabay harap muli sa may lababo. Nangtinignan kami ni Patricia sa may mata. Sabay sabi ko na. "O sige."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD