MULI KONG BINALING ANG AKING PANINGIN SA BUONG KWARTO. Halos para itong dinaanan ng bagyo. Gulo gulo ang mga linens at wala sa allignment ang kama. Pati ang mga drawer namin eh nakatiwang wang at nasa labas ang mga damit.
"Anong gagawin natin ngayon Joshua?" Tanong ni michael sa akin habang nakapatong ang dalawang kamay niya sa kanyang ulo.
"Hindi ko alam." Wika ko habang nakasalampak sa may sahig.
Hnidi halos gumana ang utak ko sa mga pangyayaring yun. Para akong binunutan ng spinal cord at hindi na makagalaw habng iniisip ang susuod kong kilos.
"Tekal lang." Agad kong sabi.
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa may sahig. Hinahawakan ko si michael sa may balikat at sinabi.
"Michael ayusin mo agad ang mga kalat dito at may pupuntahan lang ako." Sabi ko kay Michael sabay labas ng kwarto.
Secret no.18: Rupert Secrets - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D
Agad akong nagtungo sa 3rd floor. Naisipan kong tunguin ang kwarto ni Candice para mag imbistiga. Kung siya nga ang hinala namin? Kasalukuyan kasing nasa seremonya pa ang mga guro kaya naman eh malakas ang aking loob.
Sarado ang kwarto ni Candice pag dating ko. Dahan dahan kong inikot ang doorknob ng pintuan at sabay na pumasok. Agad kong binuksan ang ilaw. Tumambad sa akin ang kwarto ni Candice na ubod ng linis. Ngunit ang nakakapag taka rito ay nanduon pa ang mga gamit ni Candice. Ngayon ang tanong eh siya ba talaga ang kumuha ng silver box??? Hinalungkat ko narin ang mga gamit niya na naroon pero eh hindi ko nakita ang silver box na nawawala. "Punyemas!" Bulalas ko.
Napaupo ako sa may kama. Sobra akong naghihinayang sa mga pangyayari. Halos parang hindi ako makakilos sa sobrang inis. Pano nalang namin matatapos ang aming imbestigasyon gayong ang isa sa mga clue eh wala na?
Nag eemote pa ako sa loob ng kwarto ng bigla namang may narinig akong kaluskos sa may labas. Nung una ay hindi ko lamang ito inintindi. Maaring isa nanamang pusa iyon na kasalukuyang naglalakad sa corridor ng 3rd floor. Pero nagkamali ako dahil may nakita akong anino na kawangis ng isang tao.
Bigla akong kinabahan. Sino kaya ito? Tanong ko sa aking isipan.
Dahan dahan akong nagtungo buhat sa may pintuan. Mariin kong hinawak ang aking kamay sa may doorknob tapos ay sinunod ko ang aking katawan. Pagkatapos nun ay wala akong habas na binulaga ang nasa pintuan.
"Oiiii!" Wika ko.
Mula naman sa labas ay tila nagulat ito. Sa sobrang gulat niya ay naihagis niya ang hawak hawak niyang silver box sa akin at bigla nalang tumakbo.
Syempre nagulat ako. Panong napunta sa kanya ang silver box gayong ang alam namin eh si Candice ang kumuha nito???.
Kaya naman eh hanggat hindi pa nakakalayo ito ay walang habas ko siyang hinabol.
Hinabol ko siya hanggang sa makakaya ko. Kasalukuyan ko siyang naabutan sa mahabang corridor ng 3rd floor. Buhat sa kanyang likod ay kitang kita ko ang buhok niyang halos lumipad na sa hangin sa angkin niyang bilis. Pati ang suot nitong itim na t-shirt ay halos maangat narin sa kanyang katawan. Pero kahit na anong abot ko sa kanyang t-shirt ay hindi ko siya mahuli.
Pagdating sa staircase pababang second floor ay karipas parin ito sa pagbaba. " Tigil!" Wika ko habang nauubusan na ako ng lakas.
Pero nagisip kaagad ako ng paraan para maabutan na siya. Mula sa handle ng staircase ay nagpadulas ako. Halos 7 foot din ang taas nito kaya naman eh kulang eh mag usok ang puwetan ko. Pagdating sa baba ay hinarang ko siya. Hinubad ko ang suot kong t-shirt para gawing pagtaklob sa ulo niya.
Agad ko siyang hinawakan sa may likod at pinahiga sa lupa. Kinuha ko ang kanyang dalawang kamay at nilagay ko sa kanyang likod para hindi siya makaalpas.
"Sino ka?" Tanog ko rito habang hinihingal.
"Dude easy lang." Sagot nito.
Agad kong tinanggal ang t-shirt ko sa kanyang mukha at bumungad sa akin ang magulong buhok nito. Unti unti kong tinignan ang kanyang mukha mula sa pagsilip rito. Hanggang nagulat ako dahil ang misteryosong tumatakbong ito ay si Rupert.
X~X~X
Tinawagan namin sila Goldie at Patricia sa aming kwarto para magpulong.
"Oh my God! Gulat ni Goldie pag kakita niya kay Rupert. "Is that true?" Sa gulat niya. Habang todo pamewang ito.
"Teka teka pagsalitain naman natin siya para mapalinawang niya ang side niya." Wika ni Michael.
Kasalukyan kaming nakapalibot kay Rupert ng mga tagpong yon. Lahat kami ay nakatitig lang sa kanya habang nag hihintay ng kung anong pagpapaliwanag na maririnig namin tungo sa kanyang bibig.
"Una sa lahat eh. Pasensya na sa inyo." Wika ni Rupert na halata ang kalungkutan.
"Sino kaba talaga Rupert may kinalaman kaba sa lahat ng pangyayaring ito?" Sabad naman ni Patricia. "Pano napunta sa iyo ang silver box? Ikaw ba ang kumuha kay Ashley?" Sunod sunod na tanong ni Patricia na parang hindi na maawat pa.
"Hey hinay hinay lang naman." Apila ni Rupert habang nasa tenga ang dalawang kamay. " Ahmm first of all eh. Hindi ako kasabwat ni Candice. At hindi rin ako kalaban." Pagdedepende ni Rupert sa kanyang sarili.
"So paano mo nakuha ang silver box nayun?" sa malumanay kong boses.
"Ganto kasi yun. Narinig ko na may kausap si Candice sa telepono kaninang umaga. Narinig ko na kukunin niya ang silver box mula sa kwarto mo. Kaya naman eh kinuha ko yon pag alis niyo at pinalitan ko ng iba." Pagsasalaysay niya. "Balak ko tong isoli kanina pero ginulat mo ako." Pagpapatuloy niya.
"Isasaoli mo? Eh yun na yata ang pinaka weird na paraan para magsaoli ng bagay eh." Pag aapila ko. " Saka bakit mo ginawa yun?" Follow up question ko.
Pero sa tanong na yun eh hindi manlang si Rupert sumagot. Pinaglalaruna niya ang kanyang mga daliri na parang iniisip niya kung sasabihin ba niya sa amin ang kanyang tunay na dahilan.
"Okey guys sasabihin kona ang sikreto ko." Wika niya.
Agad kaming nagulat. Akala kasi namin ay nagkataon lang ang lahat ng pangyayari mula sa pagkarinig niya sa telepono ni Candice at sa pag kuha ng silver box. Pero mukang may mas malalim pa.
"Sige mag salita ka lang at makikinig kami." Wika ni Goldie.
Mula sa pagkakatungo ay unti unting tiningala ni Rupert ang kanyang ulo sa amin at sabay sabing.
"Sumama kayo sa akin." Samahinang boses.
Tinignan namin kung may mga bantay sa paligid. Nang natingan na namin na safe na eh dahan dahan kaming nagtungo sa kwarto ni Rupert. Mula roon ay nagpunta siya sa kanyang drawer at inilabas ang isang envelope.
"ito tignan ninyo." Wika niya sabay abot sa amin ng envelope.
Makapal ang lamang ng envelopre nayon. Pero wala kaming ideya kung ano ba ang laman nito at kung ano bang sikreto ang sinasabi ni Rupert. Dahan dahan kong tinuklap ang scothtape na nagsisilbing sealed ng naturang envelopre.
Lahat kami ay excited kung ano nga bang laman nun. Kaya naman eh hindi ko na pinatagal. Pagbukas ko nito ay bumulaga sa amin ang ibat ibang mga lirato. Ang iba rito ay katulad ng nakuha naming litrato sa Carlos verra's bookstore.
"Oh my God!" Bulalas ni Patricia. "Wag mong sabihin na ikaw ang totoong kasama ni Ashley na nag iimbistiga." Wika nito habang nakabuka ang bibig.
"Tama ako nga at wala ng iba." Wika ni Rupert habang nagkakamot pa ng ulo.
"Pambihira ka oo!. Bakit ngayon mo lang sinabi." sabi ko.
"kasi kung hindi niyo lang nalalaman eh ang number. 1 rule namin ni Ashley eh wag magtitiwala sa iba.'' Pagpapatuloy nitong sabi.
X~X~X
Kinabukasan. Agad na ng hagilap ang mga pulis sa buong Magnum para mag hanap ng ebidensiya sa pagkawala ni Candice. Tinuring na nila itong missing makalipas ang 24 oras. Pero as usual eh wala silang nakitang sign ng pagkawala nito. Samantala sa may dulo nag library ay pinagpatuloy ni Rupert ang kanyang kwento.
Ayon sa pagsasalysay niya ay nagkakilala sila ni Ashley sa photography club. At that time daw kasi eh puro babae palang ang member ng club kaya naman eh dyahe kung sasabihin niya na member siya rito kaya naman eh tinago na lang niya.
"So pano nagsimula ang pagiimbistiga ninyo?" Tanong ko.
"So ganto kasi yun." Pagkekwento ni Rupert.
Ang kwento ni Rupert sa amin ay nakwento daw ni Ashley na merong isang lalaki na naka hood ang palagi niyang nakikita sa may magnum at that time. HIndi lang daw ito pinansin ni Ashley dahil ang iniisip daw niya eh. Baka bisita lang ito o isa sa mga tao na nasa paligid nakatira.
Pero napansin daw ni Ashley na pag dumarating daw or nakikita niya ang lalaking ito ay may nawawalang estudyante. Kaya naman eh kinuhanan niya ito ng litrato.
"So anong ginawa niyo for the investigation?'' Tanong ko ulit.
"Yun nag imbistiga kami. At nalaman nga namin na pangatlong generation na ang kwentong ito. tuwing solstice ay may nawawalang mga estudyante." Wika ni Rupert.
"So dun na pinanganak ang mga picture nato ganun ba?" Tanong naman ni Michael."
"Oo ganun nga." Maikling sagot ni Rupert.
Ang kwento pa ni MIchael na unag batch ng picture ang nakuha namin ni Carlos Vera. At ang second batch ay ang binigay niya sa amin kagabi.
Tinignan ko muli ang mga litrato ng bigla nanamang umentra si Goldie.
"So ano namang ang kinalaman ni Candice rito?" Sa mataray nitong tanong.
"Hind ko alam. Pero kalaban siya. Alam ko yun sa una palang." Sagot ni Rupert.
"kaya mo pala siya nililigawan para malaman mo ang mga plano niya and para masubaybayan mo rin siya. Tama ba?" Tanong ko kay Rupert.
"Tama!" sagot ni Rupert.
"Then lahat pala ng sinabi ni Candice ay kasinungalingan???" Tanong naman ni Patricia.
"Yes mali lahat yun. Ginugulo lang niya kayo para mawala kayo sa inoyng inbestigasyon. Dahil ang toto niyang eh hindi si Mr. Fausto ang kumuha kay Ashley." Pagsasalaysay ni Rupert.
"So ano yung seremonya kagabi?" Tanong ko.
"Ahh yun ba yun ang ginagawa nilang seremonya para matigil na ang pagkawala ng mga estudyente rito. Matagal na nila yong ginagawa pero paulit ulit lang ang pangyayari. In short eh hindi effective." Pagpapatuloy ni Rupert.
Pagkatapos ng mga paliwanag ni Rupert ay nilabas ko naman ang siver box mula sa aking bag. Mula sa aking palad ay pinagmasdan namin ito ng maigi.
"Ito Rupert alam mo ba ang tungkol dito?" Tanong ko sa kanya.
"Actually hindi na. Dahil naging weird na siya. One week before siyang nawala." Pagsasalaysay nito.
"Ganun ba? O sige handa na ba kayo?" Tanong ko sa lahat.
"Yes!!!" Sabay sabay naman nilang sabi.
Unti unti kong binuksan ang box nayun. Mula sa b****a nito ay sumilay sa amin ang isang maliit na susi. Napaka nipis nito na sing nipis ng credit card.
"Epic!" Bulalas ni Michael.
Isa isa nila itong hinawakan. Lahat kami ay namangha sa anyo nito at hugis. Kung hindi niyo natatanong eh hugis pa letter M ang dulo nito at ang pinaka ulo nito ay parang hugis ng bungo.
"Susi ba talaga yan o bling bling? Pagbibiro ni Rupert. At sinabayan naman ito ng tawa ni Michael.
"So whats next???" Favorite na sabi ni Goldie. Sabay tinginan naman namin sa isat isa.