MALAMIG NA HANGIN. Madilim na kapaligiran. Tanging mga kuliglig lang ang nag bibigay ng ingay sa nababalot ng kadiliman na paligid. May liwanag rin ang mga post lamp sa gilid ng buong magnum academy ngunit may hangganan lang ang ilaw na nasasakop nito.
"Joshua san ba tayo dadalhin ng babae nayan?" Tanong sa akin ni Michael. Habang kamiy naglalakad
''Ewan ko." Tanging nasagot ko.
Panandalian kong hinawakan ang balikat ni Candice at saka tumigil. Kasalukuyan kaming nasa harapan na ng pintuan ng magnum.
"O bakit?" Tanong ni Candice na napatingin sa amin.
"San ba talaga tayo pupunta nang gantong oras ng gabi. Alam mo ba na malaking parusa pag nahuli tayo at nasa labas pa tayo ng dormitoryo." Sabi ko.
"At di lang yun dahil naka pantulog pa ako." Pag dadagda ni MIchael.
"Malalaman niyo rin kung saan tayo pupunta. At tiyak ko na walang manghuhuli sa atin." Wika ni Candice sabay talikod ulit sa amin.
Secret no.17: Ceremonies of the Candles - - - - - - - - ░ ▒▓▓█D
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Iniilawan ko ang bawat dinadaanan namin ng dala kong mini flashlight. Habang si Michael naman eh nilalabanan ang lamig. Todo yapos ito sa kanyang payat na katawan at hindi mapakali.
"Malayo paba tayo?" Tanong nito na naiirita na.
"Medyo." Sagot naman ni Candice.
Seryoso ang muka ni Candice habang naglalakad. Hindi manlang siya lumilingon sa amin. Seryosong seryos ito sa kanyang bawat paghakbang patungo sa kung saan kami pupunta. Kasalukuyan na kaming nasa grass field na medyo malayo na sa magnum ng biglang hinarang ni Candice ang kanyang kamay sa amin.
"Shhhh!" Wika nito. Magtago tayo dali.
Agad kaming nagtago sa isang malapit na damuhan. Buhat naman dun ay nakita namin ang lalaking nakita namin kahapon. Ang lalaking nakaitinm at naka hood nayon na parang suit ni Harry Potter.
"Sabi ko na nga ba eh! May kinalaman ba siya sa pupuntahan natin ngayon?" Tanong ko.
"Oo." Wika ni Candice sa mahinag boses.
Pinauna namin ng konti ang naturang naka hood nayon. Pagkalipas ng ilang segundo ay kami naman ag sumunod. Mabagal lang ang pagsunod namin upang hindi kami mahuli at hindi mag hinala ang naka hood nato na may sumusunod sa kanya.
Hanggang makapunta kami sa likod ng Magnum. Palingap lingap pa nag naka hood nayon bago paman siya pumasok sa isang double door na pintuan.
Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa double door na pintuan na yun. Madilim sa loob nito. Nakakabingi ang katahimikan. May mga iilang ilaw rin sa ding ding nito ngunit konting parte lang ng lugar ang naiilawan.
"Ngayon lang ako nakapasok rito." Wika ni Michael. Habang tinitignan ang buong paligid.
"Ako rin." Wika ko.
Sinundan namin ang misteryosong lalaki hanggang sa Isang mahabang pasilyo ang sunod naming tinahak. Nakakatakot ang itsura nito. Parang may isang mabangis na hayop ang bubungad sayo sa may dulo.
Pag punta sa dulo ay nahati ang daan. At nawala narin ang sinusundan naming misteryosong lalaki.
"O saan tayo pupunta?" Tanong ko.
Nagiisip si Candice ng mga tagpong yun. Nilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang baba na tila kinakarkula at iniisip kung saan nagpunta ang lalaking yun. Sabay sabing.
"Sa kanan tayo." Wika ni Candice.
"Sigurado ka?" Tanong ko naman na medyo may pag dududa.
"OO naman nakapunta nako rito dati." Wika niya.
"Kung ganon bakit paisip isip kapa diyan kunyari." Sabat ni Michael.
"Nako kunyari lang yun. Ang totoo niyan eh napagod ako." Wika naman ni Candice sabay tingin saming dalawa.
Agad na kaming nagtungo sa kanang bahagi ng pasilyong yun. Habang papalapit naman kami sa aming misyon ay saka naman ako kinakabahan. Ano kaya ang lihim ng lalaking naka hood nayon? At ang pinaka matinding tanong eh sino siya? Yan ang mga misteryoso ring tanong na naglalaro sa aking isipan habang marahan kaming naglalakad. Makalipas ang halos isang kilometrong lakaran ay naka punta na kami sa aming patutunguan. Biglang tumigil si Candice.
"So eto nayun?" Tanong ni Michael.
"SHHSS! OO!" sagot naman ni Candice.
Pumasok kami sa isang maliit na kwarto. Mula naman roon ay tinanggal ni Candice ang pasak ng mga butas sa may ding ding na halatang sinadya.
Una akong sumilip sa may butas. Sunod naman sy sumilip si Michael sa kabila ring butas. Mula roon ay nakita ko ang isang malaking kwarto na puno ng mga kandila. May mga tao rin duong naka hood pero sa tingin ko eh may hinihintay pa sila.
Nakatayo lamang sila. Lahat ng mga wirdong taong ito ay nakasuot ng kulay itim ring maskara. Siguro may mga sampung katao rin sila. Hanggang biglang bumukas ang pinto. Mula roon ay may pumasok na naka hood ding nilalang. Nagtinginan ang mga myembro nito pagdating ng naka hood na lalaki. Pagkatapos nun ay sumenyas ito. Tinaas niya ang kanyang kamay sa may ere na tila mag uumpisa na sila sa kanilang gawain.
Pumunta ang bagong dating na may hood sa may gitna. At tumabi naman ang ilang mga myembro sa gilid. Pagkatapos nun ay lumitaw ang isang marka sa kanilang kinatatayuan. Para itong isang bilog na may bituin sa gitna na may mga kakaibang mga letra. Sa tingin ko eh sulat latin.
Pero mas nakaka gulat ang sumunod na pangyayari.
"Tanggalin nyo na ang iyong mga suot." Wika ng naka hood na lalaki.
Agad naman siyang sinunod ng iba pa. Unti unti nilang tinanggal ang kanilang mga suot na hood. Kasabay non ay ang kanilang mga maskara. Nagulat ako sa aking nasaksihan ko ng mga tagpong iyon dahil mga guro ng Magnum ang lahat ng myembro. Agad ring pumwesto ang misteryosong lalaki sa may gitna at siya naman ang nagtanggal ng kanyang maskara pa suspense pa niya hinubad ito habang nag hihintay naman kami ni Michael kung sino ang kanilang leader at dun lang namin nalaman na si Mr. Fausto pala yun.
Bigla akong napa ingtad sa kwarto. Panandalian ko munang tinanggal ang aking mata mula sa butas.
"Oh my God!" Wika ni Michael. "Anong gingawa nila?" Tanong nito.
"Di ko alam. Pero isa lang ang masasagot natin ngayon. Kung sino ang lalaking naka hood nayon." Sabi ko.
Bigla akong napatingin sa paligid at napagtanto na may nawawala.
"Nasan si Candice?" Tanong ko.
"Ewan ko nadito lang siya kanina eh." Sa mahinag boses ni Michael.
Inilawan ko ang ibang parte ng kwarto ngunit hindi ko siya nakita. Hanggang bigla akong kinabahan.
"Hindi kaya?" Tanong ko kay Michael. Tapos bigla kaming nagkatinginan. Tinginan na para bang pareho kami ng iniisip.
Kaya naman eh dali dali kaming tumakbo papuntang dorm. Halos lumipad na ang aming paa sa sobrang bilis.
"Joshua sana mali ang hinala natin." Sabi ni Michael habang kumakaripas din ng takbo.
"Sana nga!" Wika ko naman.
Papasok na kami ng dormitoryo ng bigla namang nahulog ang salmin ni Michael sa mata. Punyeta!!!!
"Joshua tulong hindi ako makakita!'' Wika nito.
Kung kailan ka nga naman nagmamadali oo!!! Agad kong inilawan ang paligid. Kung pwede lang sanang buksan ang ilaw rito para madali naming makita eh ginawa kona. Kaya lang eh buhay naman namin at scholaship ko ang nakasasalay dito kaya wag nalang.
Pag banda ng liwanag sa may hagdanan ay nakita ko ang salamin ni Michael buti nalang eh hindi nabasag. Parang magic lang. Pagkasuot na pagkasot ni Michael ng salamin niya ay nagtungo agad kami sa kwarto. HIndi nanamin ininda ang ingay ng aming paa. Dahil alam na man naming walang sa aming sisita dahil nasa seremonya ang lahat ng guro.
Nauna na akong tumakbo patungo sa aming kwarto. Ngunit malayo palang ako eh aninag ko na bukas ang aming pintuan.
"Punyemas talaga! Tama nga!!!"
Bigla kong binuksan ang ilaw ng aming kwarto. Mula roon ay nakita kong magulo ang lahat ng aming gamit. Mula sa kama, Cabinet at kung ano ano pa. Hindi mapag kakailang may nag hanap rito.
Agad ko namang hinanap ang lalagyan ko na nasa ilalim ng kama. Binuksan ko ito at agad na sinuri ang laman.
"Ano Joshua may nawala ba?" Tanong agad ni Michael sa akin. Na medyo hinihingal pa.
"OO yung silver na lalagyan." Agad namang sagot ko.