Jema Point of View
Ewan ko pero napipi ata ako, parang kanina lang gusto ko makasama si Deanna pero ngayon parang gusto ko tumakas sa kanya.
"Hey, hindi mo ba ko na-miss?" She asked and pouted.
"Ha?"
"Wew. Dami kong sinabi, hindi ka pala nakikinig."
"Ay shet, sorry. Ano nga ulit sabi mo?"
She sighed. "Dibale, kumusta ka na pala? Lalo ka ata sume-sexy." She laughed softly.
"Bolera ka pa rin."
"HAHAHAH totoo kaya."
"Ikaw ang kumusta?" I asked and smiled. "Kayo na ni Ricci 'no? Congrats."
Ang plastic nung ngiti ko.
"Para kang 'yung mga fans, napaka-advance mag-isip. Baliw ka ba?"
"HAHAHA. Dun din naman papunta 'yun."
"Ricci and I are good friends."
"Weee? Ganyan din nagsimula 'yung lovestory ng lola at lolo ko."
She smirked. "Are you jealous, ms. Galanza?"
"Of course not, ms. Wong."
"Indenial ka nga pala, naalala ko."
"Oh naalala ko, feelingera ka pala." Ngumisi rin ako, yung ngising maaasar talaga siya.
Napangiti naman ako ng mawalak dahil nag-tagumpay ako, nagsalubong ang kilay niya.
"I'm not feelingera kaya."
"You're so conyo."
"Tsk. Kumain na nga muna tayo." She held my hand at naglakad kami patungo sa kainan na malapit sa dorm nila. Tahimik kaming kumain ngunit biglang . . "May iba kana ba?"
Dahil sa tanong na iyon ay nasamid ako, napainom tuloy ako ng maraming tubig. "Ano ba 'yan tanong mo? Nakakainis ah."
"Anong nakakainis dun? Nagtatanong lang eh."
"Sa tingin mo gano'n ako ka-harot?"
"Hindi naman, naninigurado lang. Baka kasi nagde-date tayo tapos may iba kana pala." She said.
"Date na 'to sa'yo?" I almost dropped my jaw.
She nodded. "Yes, sorry hindi romantic. Biglaan kasi hindi ako ready, dibale next time sa restaurant na."
I laughed. "Oh c'mon, Deans! Sino nagsabi na pumapayag ako makipag-date sa'yo?"
"Hindi ko kailangan ng permission galing sa'yo basta gusto kita i-date."
I raised my eyebrow. "Napaka-ano mo talaga."
"Ano?"
"Grrr . . Sumbong kita kay ate Jia eh."
"Mag-sumbong ka, samahan pa kita eh." She smirked.
ARGH!
Nakakainis yung pag-ngisi niya, ang hot para sa'kin.
"Kumain na nga lang tayo."
Napatawa ito pagkatapos ay sumubo na. Shet! Pati pag-sumbo ang hot, ginayuma ata ako ng batang 'to.
"Hey, tara na." Pagkatapos niya bayaran ang kinain namin ay naglakad na kami muli pabalik sa dorm nila. "Do you have training tomorrow?"
"Yeah, am and pm."
"Oh sayang, dibale pupunta nalang ako sa training niyo."
"Why? Wag kana pumunta."
She looked at me. "Ikaw pala 'yung feelingera, di ikaw ang ipupunta ko 'ron. Si ate Jia ang pupuntahan ko."
Takte!
Pahiya ako unti 'ron ah.
"Napaka-ano mo talaga."
"Gigil na gigil, girl?"
I laughed. "Hey, ang cute mo pala lalo na pag-girly 'yung voice mo."
Nag-blush naman ito. "One point ka 'ron, ms. Galanza." Tumigil ito sa paglalakad. "See you tomorrow, ms. Galanza." Bago pa ko makapag-salita ay bigla itong yumuko, akala ko ay hahalikan ako nito sa lips ngunit naramdaman kong dumikit ang labi niya sa noo ko. "Mag-iingat ka pag-uwi."
Dahil sa shock ay hindi ko namalayan na wala na ito sa harap ko. Hay na ko, she makes me happy talaga.
Deanna Point of View
Nakangiti akong pumasok sa dorm, lahat tuloy sila ay nakatingin sakin. "Deans, ang tagal mo."
"Oo nga, saan ka galing?" Ponggay asked me while smirking.
"Ehem, parang may nakita ako sa labas."
Napalingon ako kay ate Bei na kararating lang. "Saan ka galing?"
"Bei, kwento mo naman 'yung nakita mo." Excited na sabi ni Syd.
"Guys, akyat na ko."
Tumakbo na ko paakyat. "Hoy! Dito ka lang, Deanna."
Hindi ko na pinakinggan si ate Maddie, napaka-chismosa talaga.
I texted Ricci. 'Hey Cci, thanks to you, i'm very thankful at na kasama kita sa shoot.'
After a few minutes he replied. 'Jusko makapag-text parang first time natin mag-sama sa personal.'
'HAHAHAH! First time kaya natin makita 'yung sarili natin sa tv.'
Tumawag ito so sinagot ko. Jusko kala ko kung ano sasabihin, mang-aasar lang pala about kay Jema.
Yes, he's my friend so alam niya 'yung tungkol sa'min ni Jema.
^ Fast Forward ^
Maaga ako nagising dahilan pasukan na ulit so bawal ma-late. De joke lang, pwede naman ma-late kaso mabait ako kaya hindi ako papa-late.
"Pongs, faster! It's 10 o'clock in the morning."
"Teka lang naman, Deans. Madaling-madali, anong meron?"
"Wala, tara na nga." Hinatak ko na ito. "Napaka-kupad mo talaga, Pongs. Kaya hindi ka gusto ng crush mo."
"Wow ha, porket type ka rin ni Jema."
"Sinabi niya sa'yo na type niya ko?" I raised my eyebrow.
"Hindi pero ramdam ko."
"Hay, buti ka pa dama mo. Nga pala Pongs, may pupuntahan kaba mamaya after class?"
"Wala naman, why?"
"Hatid mo naman ako sa gym nila ate Jia mamaya."
"Sure." She said.
Napangiti naman ako, napa-yakap pa nga ako. "Yiee, lab mo talaga ako. Labyu, Ponggay."
"Kadiri! Yuck! Eww!"
Nilamukos ko ang mukha niya. "Arte mo, parang hindi mo ko naging crush. AHAHAHA!"
"Napaka-yabang mo, Wong."
"Crush mo naman." I winked at her.
Hahampasin niya sana ako kaso tumakbo ako, buti nalang naalala ko spiker siya.
Bigat kaya ng kamay niya, pag nahampas ka niya parang hinampas ka ng kaldero.
HAHAHAHAH
^ Fast Forward ^
"Thank you, Pongs. Labyu!"
"Pasalubong, okay?"
"Yes madam."
Tumalikod na ko at naglakad papasok sa gym nila ate Ly, naabutan ko silang tumatakbo.
Naupo ako sa gilid at nakipag-kwentuhan sa mga coaching staff ng creamline.
Malapit kasi ako sa management ng creamline, actually kinukuha nila ako kaso tinatanggihan ko.
Feeling ko kasi di pa ko karapat-dapat maglaro sa pro-league.
"Hi, Deanna."
"Anong ginagawa mo rito?" Mataray na tanong ni Jema.
"Hi, Kyla." I looked at Jema. "Taas naman ng kilay mo, my love."
"AYIEEEE!!"
"Kayo na ba, Deans?" Natatawang tanong ni ate Jia.
Tumawa rin ako. "Soon, mamaya raw baka sagutin niya na ko."
"Hoy! Napaka-ano mo talaga, Deanna."
"Lah, lagot ka. Inis na si mareng Jema, Deans."
"Kiss kita, gusto mo?" I asked at ngumuso.
"G*go!"
Akmang sasapakin niya ko pero I hugged her. "Napaka-sweet mo pala maging jowa, my love." I laughed.
"WHOOO!!"
"AYIEEE!!
"Sana ol!"
Napuno ng kantyawan ang buong gym dahil sa ginawa ko kay Jema, nagsi-palakpakan pa sila.
Supportive teammates.