Jema Point of View
Tang*na! Ano ba kasing ginagawa niya rito? Sinisira niya mood ko.
Hay na ko, Deanna Wong.
Masyado kang pa-fall, hindi mo naman ako sasaluhin.
"Lalim ng iniisip ah." She sat beside me. "Kwento ka naman diyan."
I looked at her. "Ano bang ginagawa mo rito? Wala kana bang klase?"
"Wala na, hanggang afternoon lang ang class ko ngayon eh."
"Eh training?" I asked.
"Wala rin, busy si coach O."
"Kaya pala nanggugulo ka rito."
"Grabe ka naman, Jemalyn. Gusto lang kita makita mag-training kaya pumunta ako rito." She said.
Napairap naman ako. Mga linyahan ng mga pa-fall, bulok na style mo Deanna Wong.
"Pa-fall ka talaga, 'no?"
She smirked. "Bakit malapit kana ba ma-fall?"
"May sinabi ba ko? Wala naman, 'di ba?"
"Taray mo talaga, ms. Galanza."
"At least hindi feelingera na katulad mo." I said.
Nagsalubong ang kilay niya. "Napaka-ano mo talaga, Jemalyn. Gusto mo ba halikan kita sa harap nila?" Sabay turo kila ate Jia na nasa harap lang namin na busy sa makikipaglaro ng chess.
"Subukan mo at kakasuhan kitang bata ka." I raised my eyebrow.
"HAHAHAH! Kasuhan mo at okay lang sa'kin, gusto ko naman 'yung taong magsasampa ng kaso sa'kin."
Magsasalita sana ako kaso biglang sumingit si Kyla. "Deanna, pa-picture naman."
"My love, okay lang sa'yo?"
"Tse!" Tumayo ako at naglakad palayo sa kanila.
Nakaka-badtrip talaga si Deanna.
Maya't-maya nilapitan ako ni ate Jia, dala ang isang baso na may laman na alak.
"Okay ka lang?" She asked and sat beside me. "You want?"
"No thanks. Ba't umiinom ka, ate Jia? May training pa maya-maya."
"Pampagana lang, nalanta na ata kasi 'yung katawan ko. HAHAHA!"
"Heheheh, baliw." I said.
"Umalis na siya, pwede muna ibaba 'yan kilay mo." I looked at her. "May meeting daw siya sa manager nila, nga pala pinabibigay niya sa'yo."
Inabot nito sa'kin ang isang paper bag. I opened it and tumambad sa'kin ang isang t-shirt na may Wong sa likod.
Ateneo shirt ito.
May nakita akong papel na nakadikit so binasa ko.
Hey suotin mo 'yan lalo na pag matutulog kana para lagi mo ko maalala. Wews, wag kana magalit sakin. Sorry na sa pagiging feelingera ko, Jemalyn. Labyu!
"Ang sweet ng bata ko 'no?"
Napangiti ako. "Maybe." Pinasok ko ulit ang letter sa paper bag tsaka ang t-shirt. "Tara, ate Jia. Training na tayo."
"Nakangiti kana ulit, hindi kana naka-simangot." She said at nauna na lumakad sa'kin.
HAHAHAH
Ewan pero dahil sa isang simpleng letter lang napawi lahat ng inis ko sa kanya. Potek! In love na ata ako sa batang 'yun.
Deanna Point of View
Sobra ata pagka-badtrip sa'kin ni Jema, aalis nalang ako. Suyuin ko nalang siya next time.
"Ate Jia, paki-bigay nalang ito sa kanya. Alis na po ako."
"Saan punta?"
"Meeting po kasama si manager Vania."
"Oh sige, mag-iingat ka."
I nodded and smiled. Nag-grab ako patungo sa isang restaurant, after a few minutes nakarating na rin ako.
"Hi, ate Vania. I missed you po." Lumapit ako kay kuya Anton. "Hi kuya."
"Have a seat, Deans."
Naupo ako. "Ano po ba pag-uusapan natin?"
"About you and Ricci, Deans." Kuya Anton said.
Nasamid tuloy ako, mabuti nalang may tubig. "Ano po ba 'yun? Diretsuhin muna ko manager."
"Ano kasi . . . Deans, ini-invite kayo sa iloilo ni Ricci. Hindi ka naman pwede tumanggi dahil baka magkaron kana naman ng issue."
I laughed. "Manager naman, chill ka lang. Bakit kaba kinakabahan? Okay lang sa'kin makasama ulit si Ricci, mag-kaibigan kaya kami off cam."
"WEEE?"
Napatawa ulit ako. "Para kayong sira kuya and manager. Promise okay lang po, wala lang naman sa'kin. Kahit mag-sama pa kami ng isang linggo o buwan."
"Sge. Sabi mo yan, Deans ha?"
"Opo, manager. Wait, kailan ba 'yun?"
"Sa sabado na. Two days kayo 'ron." Kuya Anton said
"Ah okay, 'yun lang ba sasabihin mo?" I asked.
"Yeah. Wait, kumain muna tayo bago ka umalis."
Tumango naman ako tutal kanina pa 'yung huli kong kain, nagugutom na rin ako.
^ Fast Forward ^
Dumaan muna ako sa isang fast food chain bago tuluyan umuwi, nangako nga kasi ako kanina kay Ponggay na magdadala ako ng pasalubong sa kanya.
Tsk! Mukha siyang pagkain.
"Pongs!"
Hm . . Wala palang tao.
Nasan kaya sila lahat?
Namasyal siguro, sayang di ako nakasama.
Nilagay ko sa ref ang food na pasalubong ko kay Ponggay, nilagyan ko pa ng letter para alam na sa kanya 'yun.
Matutulog muna ako, napagod ako kaka-asar kay Jemalyn. HAHAHAH
Bea Point of View
Nandito kami ngayon magkaka-teammate sa UPTC, lahat kami nandito pwera lang kay Deanna.
Sabi kasi ni Pongs pumunta raw kay Jema.
Hay na ko, bilis ng panahon parang dati baby na baby pa si Deanna pero ngayon luma-lovelife na.
"Beh, ano na naman iniisip mo?" Jhoana asked me while hugging me.
"Si Deanna lang, beh. Biruin mo beh yung baby natin luma-lovelife na ngayon, dalagita na siya."
She laughed. "Pag narinig ka ni Deanna magagalit 'yun, alam mo naman na ayaw niya na naririnig na dalaga na siya. Binata raw kasi siya, manang-mana sa'yo."
"Manang-mana talaga kaya nga ang papi rin niya." Sabay pa-cute ko. "Siya papi lang, eh ako? Pogi na cute pa."
"Oo ikaw pogi na cute pa na aso."
Napa-simangot naman ako. "Mapang-asar ka talaga, beh. Kainis ka!"
"Hoy! Ang sweet niyo naman, respeto naman sa mga single." Sigaw ni Ria sa'min.
"Oo nga." Sang-ayon naman ni Pongs.
"Dapat sa mga 'yan sina-salvage." Maddie said.
HAHAHAHA!!
Ang bi-bitter talaga ng mga ka-teammates ko.
Pero mga lab ko pa rin sila ket ang bitter nila.
"Inggit lang kayo." Sabi ni Jho at tumingin sa'kin. "Di ba, beh?"
Tumango naman ako. "Yes, beh. Inggit sila satin lalo na si Ponggay, di kasi crush nang crush niya kaya ganyan."
"Panget mo, Beadel." Binato sa'kin ni Ponggay ang hawak na bola kaya hinabol ko ito.
HAHAHAH
Para kaming tanga na naghahabulan, ang la-laki pa namin tapos 'yung mga nasa paligid namin puro bata.