[BRICKELL DMITRI’S P.O.V.] Nang masabi sa akin ni Reign ang tungkol do’n ay agad ko na siyang iniwan doon. Hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko. Miski ako ay hindi makapaniwala na gano’n ang nangyari sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko sa kaniya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi niya o hindi. Paano naging kulay asul ang mga mata niya? Marami akong gustong itanong sa kaniya, pero nablangko na ang utak ko kanina. Kaya ang tanging nagawa ko lang ay ang umalis na lang bigla sa harapan niya. Narito na ako ngayon sa kwarto ko. Hindi siguro alam ni Reign kung saan ako nagpunta. Bigla na lang akong naglaho sa harapan niya kanina. Kaya naman ay hindi niya ako magawang kulitin dito ngayon. Alam ko naman na miski siya ay naguguluhan na ngayon at marami an

