Ilang araw ko nang nararamdaman ‘to sa katawan ko, pero pinipilit kong hindi pansinin. Hindi ko binibigyan ng pansin ang kakaibang nararamdaman ko sa aking katawan. Pakiramdam ko talaga ay may nagbago sa akin. Lalo na sa lakas ng katawan ko. Tila ba bigla na lang akong lumakas at mas tumapang. Kung noong una ay nilalakasan ko lang ang loob ko na makisalamuha sa mga bampira sa kakaibang mundo na ‘to. Pero ngayon ay para bang wala na talaga akong takot sa kanila. Wala na akong pakialam kung mga bampira pa ang nasa paligid ko. Miski ang saktan sila ay ang lakas na ng loob ko ngayon. Miski ako ay nanibago sa sarili ko. Dahil nagugulat din ako sa mga biglaan kong nagagawa. Para bang kinokontrol na lang bigla ng katawan ko ang aking sarili nang walang consent ko. Ngunit nang magpunta ako sa ba

