[BRICKELL DMITRI’S P.O.V.] Hindi na ako nagpaalam pa kay Reign dahil agad na akong umalis at iniwan siya roon na nagtataka. Alam ko na iniwan ko siya sa opisina ko. Pero hindi na ako makapag-isip pa ng ayos ngayon. Nang makabalik ako sa palasyo ay agad akong gumawa ng portal palabas sa aming mundo. Dumeretso ako sa mundo ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit naisipan ko na rito agad dumeretso. Ngunit nang matapos ang nangyari kay Reign kanina, hindi na ako mapakali pa. Hindi ko alam kung sa akin ba may problema o sadyang kakaiba lang talaga si Reign. Hinarang ko ang isang babae na nakasalubong ko. Mabuti na lang at gabi na ngayon dito at wala nang araw. “May I help you?” tanong pa niya sa akin. Hindi na ako nagsalita pa at agad ko na siyang hinawakan sa kaniyang kamay. Pumikit ako at

