[BRICKELL DMITRI’S P.O.V.] Hindi ko alam kung bakit narito si Zaros ngayon. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa kaniya ngayon. Nagtataka ako kung bakit siya narito at hindi ako naniniwala sa sinabing dahilan ni Reign kanina. Kung ‘yon man ang sinabi ni Zaros sa kaniya at naniwala siya, pwes ako ay hindi. Lalo na at kilala ko si Zaros. Hindi naman talaga niya hilig ang mag-aral. ‘Yon ang pinakaayaw niya. Kahit mamatay pa siya sa pagka-bored ay hinding-hindi ‘yan mag-aaral. Hindi ko na kasi alam kung ano-ano pa ba ang pinagkakaabalahan ni Zaros ngayon. Kaya naman ay sinundan ko sila hanggang sa unibersidad nila. Nagmamasid lang ako sa kanila nang hindi napapansin ni Zaros. Nakita ko pa na iniwan na sila ni Jaira roon. Mukhang nag-uusap sina Reign at Zaros sa loob ng sasakyan. Maya-maya ay lu

