Bakit ako na ang target nila ngayon? Ang lalakas ng loob nila na kalabanin ang pinuno ng sarili nilang mundo. Base sa mga usapan kanina nina Zaros at Brickell ay sinasakop na ng Simul Clan ang mundo naming mga tao. Hindi ko na rin alam ngayon kung ang sumugod na mga kalaban dito sa palasyo ay mga miyembro rin ba ng Simul Clan. Mukhang gusto nilang mamuno sa mundo na 'to kaya kinakalaban nila si Brickell. Narinig ko na ang kanilang mga yabag. "Sigurado ka ba na tao ang mapapangasawa ni Dmitri?" narinig ko pa na tanong ng isang bampira. Napakunot naman ang aking noo dahil sa narinig ko. "Oo, sigurado ako. Nabanggit sa akin ni Uno bago siya mamatay dito na ang babae na mapapangasawa ni Dmitri ay isang tao." Sino naman kaya si Uno? 'Yon ba 'yong lalaki na nakatingin sa akin palagi noong pum

