CHAPTER FIFTY-NINE

1500 Words

“What are you doing here inside?” Nagulat ako nang marinig ang boses ni Brickell sa tabi ko. Mabuti na lang at hindi na ako napasigaw pa. Nilingon ko naman siya saka ako nakahinga na ng maluwag. Nakita ko naman na ayos siya matapos kong suriin ang kabuuan niya. “Dito na ako nagtago nang mapasok ng mga kalaban ang palasyo. Naalala ko kasi ang sinabi mo na hindi nakikita ng ibang mga bampira ang pinto dito,” sagot ko naman sa kaniya. “Nag-aalala sa ‘yo si Jaira. Ang sabi raw niya ay sa library ka magtago.” “Kung doon ako nagtago, wala na sana ako ngayon dito at nahanap na ako ng mga kalaban. Tapos mukhang marami pa sila na nakapasok dito kanina. Kaya ito na lang ang tanging choice ko.” Napatingin naman si Brickell sa mapa na kanina ko pa tinitingnan, saka niya ako muling nilingon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD