[BRICKELL DMITRI’S P.O.V.] Kanina ko pa hinahanap si Reign dito pero hindi ko siya makita. Napapaisip tuloy ako kung nasaan na siya ngayon. Lalo na at hindi niya kasama si Jaira. Narito na ako sa palasyo at nakita kong nakaayos na pala ang mga gamit ni Devillina sa kwarto niya. Medyo may kalayuan ang kwarto niya mula sa kwarto ni Reign. Malapit ang kwarto sa akin ni Devillina. Mahirap na dahil baka mamaya ay may gawin pa si Devillina kay Reign habang wala ako. Naalala ko ang naging usapan namin noong nakaraan na araw. “Bakit mo ako pinapunta rito?” mataray na tanong sa akin ni Devillina. Nakarating na siya ngayon dito sa palasyo. Pinapunta ko siya rito dahil may kailangan ako sa kaniya. “I will ask you a favor and in return, I will do everything that you want me to do,” sagot ko na ag

